CHAPTER 19: Galawang Royalty Part 1 (Enzo, Harry, Rence, James, Kieth)

1.8K 56 3
                                    

KIETH JAPSER'S POV

Walang kwentang Martinez! Sinong tao ang hindi mabubwisit pag tinawagan ka ng alas kwarto ng madaling araw dahil gusto nya lang na pumasok ako ng maaga?! DAMN! Halos di nga ako magising gising ng nanay ko kapag ganitong may pasok pero sya . . . . LANGYA!

Well, He's not LORD LORENZO MARTINEZ for nothing. He's the only HEIR of the Martinez Empire. Puro only child kase ang parents nya tapos only child lang din sya. Kaya walang ibang papasahan ng mana. In short sya ng NAG IISANG TAGAPAGMANA. Marinez Empire is one of world's biggest business empire. They venture on any kinds of business. From Manufaturing Business, Fast Food Chains, Mall, Hotels, Resorts and even Cars. Pero nasa manufacturing business sila naka focus. They just have various shares on the others that are mention, pero kadalasang pag-aari na nila ang iba dito.

Mautak ang mga Martinez sa business. Di man halata kay Enzo, but he's receiving special trainings kahit na graduating sa high school palang kami. Kaya minsan nag a-out of the country sya. Hindi din sila madaling makuha bilang business partner. Pili at malalaking business tycoons lang ang ka partners nila. And I can say we. the royalties are lucky enough para maging ka partner sila. Hindi din sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, but we are not that ordinary business venturers. That's why napiling makipag partner samin ng family ni Enzo.

In the business world, may ranking. At ang Martinez Empire ang number 1 sa buong bansa. Kasunod ang Villegas Group of Companies na halata naman sa pangalan kung sinong nagmamay-ari. Of course. Family ni Stella Allexzandria na nag iisa ring tagapagmana. Sumunod ang family nina Michelle, the Scott Enterprise na nasa top 3. Then of course, our company. SPEED CHASE. Na halatang nasa cars ang focus bu we're slowly broadening our business kaya nasa top 4. Followed by the Salonga twins' family. Which is nasa fashion and jewelry line ang focus which is called Salonga Couture na may branches na tinatawag na TWIN ANGELS. Of course, naka base sa dalawang tagapagmana; Ezra and Ethel. Then on top 5, THE HACHER SYSTEM, computer programming and website company na pagmamay-ari nina Rance; the Rosales empire. Di din papahuli ang De' BATIMENT na ang ibig ay THE BUILDING company name na pagmamay-ari ng pamilya ni Harry. Pero dalawa silang tagapagmana Harry. And her 13 year old sister, Harrayah Ezshane Flores. Then on top 6, TYAHAZA PARADISE. Owned by the Morales', Camille's Family. Nasa Resorts ang focus nila. Then the list goes on.

Di ko man nasasabi, hindi lang din ako ang nag iisang tagapagmana. I have a little brother. Kiezayn Jackxos Mercado 15 years old. Sabi nina Mommy, mini me ko daw si Kiez, yan ang tawag ko sa kanya. Si Dad kase, walang pinagkaiba saken. Tahimik at halos di pasalita. Pero na sobrahan yata kami ni Kiez. Well enough of my life.

Eto nga nasa AR Room kami ngayon. 7 am palang kay wala pa masyadong studyante. Mostly ang maagang pumasok, yung mga scholars. What do you expect? Walang student assistant and Scott Academy dahil halos lahat ng nag aaral dito ay galing sa mararangyang pamilya.

Simula nung pinatapon kami sa Tagaytay, ngayon lang ulit kami nakabalik sa academy. I can say na wala masyadong nagbago. Same old Scott Academy ang tanging nabago lang ay ang Mommy na pala ni Michelle ang hands on na nag ha-handle ng academy. That means, siya ang bagong President.

Mabuti na rin iyon.

Michelle's Mom - Tita Mecailla is scary. But Tito Klynne is much more scarier. Siguro ay bored na bored si Tita sa mansion nila dahil ayaw naman syang pagtrabahuin ni Tito. Every husband treats his wife as a queen. Even my Dad is like that same as the other royalties' fathers.

" Magkalinawan nga tayo, Martinez. Ano bang plano mo? " seryoso kong tanong. Hanla! Ang aga aga nyang magtawag tas wala syang saktong plano? Aba! Pinagloloko nya ba kami?

" Honestly, I don't have a very concrete plan. That's the reason why I called you. To listen to what may be your suggestions are. " sagot nya. Napabuntong hininga naman ako. Sabi na eh. Sabi na. Tsss. Gagong lalaki. Patawag tawag wala din naman pala kaming mapapala.

" Eh bat ba ang aga mong mambulabog?! Booy, halos di nga ako magising gising ni Mommy pero ikaw! Ikaw na Martinez ka! Hayup dude! Wala kang patawad! Alam mo bang halos atakihin ako sa ginawa mo?! " naiinis na bulyaw ni Rence kay Enzo.

" Oi oi! Wag mo kong ma sigaw sigawan Rosales! Dapat lang yun sayo no. Saka knowing you?! Magigising ba kita sa simpleng tawag lang?! F*ck you dude. I know you too much. That's why I did that. " sagot naman ni Enzo.

For sure may ginawa na naman yang si Enzo kay Rence. Pumuputak ang Cassanova eh.

" Hanep ka talaga dude! Alam mo bang muntikan na akong patayin ni Mommy sa ginawa mo?! " gigil na gigil na sabi ni Rence.

Ganun ba ka tense ang method of waking up ni Enzo para kay Rence na pati si Tita Vinzelle ay gustong patayin na si Rence?

" Teka ng teka nga. Nakakahilo kayo mga dude! Sigawan kayo ng siagwan tas kayo lang nakakaalam ng pinuputok ng botche nyo! Share naman mga dude! " curious na curious na pakikisali ni Harry.

Chismosong lalaki. Tsk.

" Pano ba yang si Enzo eh tumawag sa lindeline namin at sinabing nakabuntis daw ako! Tang*na! Wala nga akong nagalaw na babae tas makakabuntis pa?! F*ck you dude! Baka si Kieth pa! " paliwanag ni Rence.

Baliw na lalaki! Isali daw ba ako?! At ako makakabuntis?! F*ck you mga gago! Di ako malandi katulad ng Rosales na yan! Mandadadamay pa, maling tao naman ang dinadamay.

Binato ko nga ng bote ng mineral water na may laman pa. Sapul sa ulo, mahmen! Sorry sya yan una kong nahawakan eh. Ako pa dinamay nya?!

Napapailing lang sina Jj at Harry habang natatawa sa itsura ni Rence ngayin na parang nalugi. Yan kase. Mandawit pa boy!

" Galawang Martinez talaga! Hanep dude! Buti nagising ako agad kundi baka ako pa napagbuhatan ng di maganda! " ngising ngising sabi ni Harry. Muntanga ang gago. Akala mo kung anong nangyaring maganda.

But he's right. Enza has his own unique way of getting things he want. Kaya sanay na kami sa galawan nya. Ewan ko ba dito kay Rence. Di na nagpapatinag. Ilang ulit na yang nakatikim ng galawang Martinez eh. Pero di parin papatinag ang loko.

" Enough of that. What I'm saying is we don't need a plan to work things out. Hayaan muna nating magkusa. Let's just go with the flow. Wala din namang mawawala if susubukan natin diba? " sabi ni Enzo na ngayon ay nakatayo na habang minamasdan ang academy garden mula sa glass window ng AR room. Request ng girls ang scenery na yan. Na kahit man dito ay makakakita pa rin sila ng refreshing na tanawin.

" Enzo' s right. I mean nakakasawa rin lang kase yung araw araw nating pinaplanuhan ang susunod na galaw ng isa't isa. Para tuloy scripted yung araw natin. " sang ayon naman ni Harry.

He has a point. Noong may clash pa kase kami, gabi gabi kaming nagpaplano ng mg gagawin sa susunod na araw. Kung paano namin ipa-prank ang girls at kung paano kami makakaganti sandamakmak nga ang extrang uniforms sa mga locker namin eh dahil hindi pa man nanatapos ang araw eh samut saring dumi na ang inaabot namin.

Starting a new routine from now wouldn't hurt anyone. Kaya ayos na rin siguro.

" Bahala na si Batman kung ano man ng mangyari. " sabi ni Enzo na ikinailing ko lang.

Bahala na nga siguro.





STELLA ALLEXANDRIA'S POV

Maaga akong nagpunta ng school since wala naman akong magawa sa mansion. Busy sin Mom at Dad na kaninang madaling araw ay nagpunta ng Korea for business matters. Namiss ko din naman ng kahit konti ang academy. Tatlong buwan din kaming nawala at aaminin kong hinahanap hanap namin yung ambiance ng academy.

Isa ang AR Room sa pinakagustong tambayan ko sa academy. kahit man ay puno ng bangayan, pasaringan at awayan ang silid na yun noon ay di ko parin iyon maiwasang ma miss. It's like our little home here in school. Resting place if we feel suffocated and bombarded with school works. Lugar na tahimik at nasa komportableng estado ka kahit pa minsay naiinis ka sa nga kasamahan mo dun. It's been four years since AR Room was made juat for us. Kaya ito ang pinakauna kong gustong makita bukod sa ano man.

Nang makarating ako sa harap ng room ay walang ano ano kong bnuksan ito. At hindi ko inasahan ang nadatnan ko na naging dahilan ng paglaglag ng panga ko sa gulat at amusement.

DAMN! HINDI AKO HANDA!










(A/N: Ako'y sinipag. HAHAHA. Question: ANO nga ba ang nadatnan ni Allex sa AR Room? BAKIT nga ba si sya hindi handa? Hoooo. Comment po kung may opinion o sagot kayo. :) This is all for today. VOTE and COMMENT for the next update! Goodnight! God bless always readers! ❤❤❤❤)

Clash of the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon