Hit 14~ The Party

Mulai dari awal
                                    

Naghanda naman ang mga babae ng makakain.

Nagkantahan sila buong magdamag.

"O Cashmere, ikaw naman ang kumanta!" Iniabot ni Chen Yin ang mike sa kaniya.

"Ayoko!" tanggi ni Cashmere. Siya lang ang bukod tangi na hindi pa kumakanta.

"Sige, ako na lang!" sabi ni Ivan sabay kuha sa mike. "Gagayahin ko si Yamapi. Ang kakantahin ko ay iaalay ko para kay Monique."

Ngumiti si Monique. "Salamat Ivan!"malambing nitong wika.

Nagsimula na sa pagkanta si Ivan.

Biglang napakunot ng noo si Chen Yin. Bakit parang ang sweet nila? Napaisip siya.

"Oh, Yano ikaw naman ang kumanta!"

Kinuha na ni Yano ang mike. Kakanta na siya nang may daga na biglang gumapang sa paanan niya.

"Ah! Ano ba iyan! Nakakadiri!" napabulalas si Yano.

"Pasensiya na, boss. Nakikitira talaga iyon sa amin," inosenteng sabi ni Nino.

Napatawa si Ivan. Sinundan iyon ni Chen Yin hanggang sa tumawa na nga ang lahat.

"Itigil na natin ang kalokohang ito," sabi ni Yano sabay bagsak sa hawak na mike.

Iyon ang naging hudyat para matapos ang kasiyahan.

Apat na kotse ang dumating para sunduin ang grupo ni Yano.

Magkasama sa unang kotse sina Chen Yin at Yano.

Sa pangalawang kotse naman sumakay sina Yamapi at Cashmere.

Sa pangatlo sina Ivan at Monique.

Solo lang si Rina.

"Yano, napansin mo ba sina Ivan at Monique? Parang merong something sa kanila," sabi ni Chen Yin pagkasakay na pagkasakay pa lamang nila sa sasakyan.

"Meron naman talaga," diretsong sabi ni Yano.

"Ano?" Gulat na gulat si Chen Yin.

"Sikreto iyon kaya mong ipagsasabi," babala ni Yano sabay tingin pa sa driver nila.

Ngumiti lang ang driver.

Napapakunot naman ng noo si Chen Yin. Hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ni Yano. "Kung may relasyon sila ibig sabihin pinagtataksilan nila si Jin. Ayos lang sayo iyon?"

"Alam naman ni Jin."

"Alam niya at okey lang sa kanya?"

Tumango si Yano. Kasabay noon ang isang ala-ala.

"Ivan! Ivan!" sigaw ni Yano habang hinahanap si Ivan. Nakita niya ito sa kanilang silid.

"Oh, Yano! Anong problema?" tanong ni Ivan. Bigla siyang sinuntok ni Yano sa mukha dahilan para mapatilapon siya.

"Ang lakas ng loob mo! Paano mo'to nagawa kay Jin!" nanggagalaiting tanong ni Yano. Nalaman na kasi nito ang tungkol sa lihim na relasyon nina Ivan at Monique at hindi niya iyon nagustuhan.

"Yano, tama na 'yan!" Dumating si Jin at inawat si Yano. "Mahal siya ni Monique kaya hinayaan ko na sila."

"Ano bang pinagsasasabi mo? Ikaw ang boyfriend niya!" giit ni Yano.

Umiling si Jin. "Mas magiging masaya si Monique sa piling ni Ivan."

Hindi pa rin maintindihan ni Yano si Jin. Bakit ayos lang dito na pagtaksilan? Hindi ba niya mahal si Monique?

Naguguluhan si Yano, pero di rin nagtagal ay nalaman niya ang sagot sa tanong niya.

Nasa kotse pa rin si Rina nang may matanggap siyang text message. Napangiti siya dahil kanina niya pa ito hinihintay.

"Ah, manong driver dito na lang po ako."

"Hindi po puwede. Kapag iniwan ko kayo rito baka mapagalitan ako ng daddy n'yo, alas dos na ng madaling araw."

"Promise, hindi ka mapapagalitan. Wala naman kasing magyayari sa'kin dahil expert ako sa Aikido."

"Pero Miss..."

"Akong bahala kay daddy."

Wala nang nagawa ang driver kundi ang ipara sa tabi ang sasakyan.

Bumaba na agad si Rina. Nang makaalis ang driver ay saka siya naglakad papunta sa may bayside. Iyon kasi ang lugar na sinabi ng nag-text sa kanya.

"Nandito ko sa may bayside. Mag-celebrate tayo."

Minsan lang itong mangyari kaya hindi niya puwedeng palagpasin.

Pagdating doon, nakita na niya agad ang lalaki.

Medyo madilim kaya hindi masyadong maaninag ang mukha nito, pero kahit ganoon siguradong sigurado si Rina na ito ang lalaking mahal niya.

"Jin."

Kizuna: The Bond Between usTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang