Nagkatinginan kami ni Conrad. Sinuksukbit ko ng maayos ang aking bag sa balikat kaya nawala ang mga mata ko sa kanya.

"Hindi, e. Kakausapin ko si coach. Magtatanong ako kung kailan ang simula training," sagot niya sa tanong ni Celine.

"Training na naman?"

Naghintay ako sa kanilang dalawa hanggang sa matapos silang mag-usap.

"Hala? Kailangan talaga sa first day ninyo inaasikaso iyan? Pwede namang bukas na o kaya next week," nabasa ko ang pagtataka sa tono ni Celine.

Ang tinutukoy siguro niya ay ang pagpunta ko rin ng library kahit first day pa lang ng school year.

Ako ang naunang sumagot. "Kapag kasi next week pa ay baka may mauna sa akin. Alam mo namang gusto kong mag volunteer sa library," utas ko.

Nagkatinginan uli kami ni Conrad. Nginitian ko lang siya. Siya naman ay kita ang ngipin sa mga ngiti. I wonder if it hurts to smile like that. Hindi ba masakit sa panga iyon? Parati na lang siyang nakangiti.

"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo," aniya at sinundan namin ng kanyang kapatid ang paglalakad niya palabas sa hallway.

Tumabi ako sa kanyang kaliwa at si Conrad naman ay sumabay sa tabi ko. Pinapagitnaan ako ng dalawa.

"Ako, mas gusto kong umuwi ng maaga para magpahinga. Unang araw pa lang sabog na utak natin," reklamo niya kahit na kanina ay todo ang atensyon niya sa pakikinig sa mga sinasabi ng guro.

Ako dapat ang mareklamo ngayon, hindi ba? Dahil ako ang sabog ang utak kanina?

Sa dulo ng hallway kami maghihiwahiwalay. Liliko lang ako at dadaan ng bridge na nadudugtong sa kabilang building kung saan ang library. Nagpaalam si Celine at kumaway bago nagpatiuna sa iba pang bumababa ng hagdan.

"Dahan dahan, mahulog ka!" sigaw ko at sinabayan ng tawa. "Excited umuwi..." iling ko.

Lumiko ako para magtungo na sa bridge.

"What time ka uuwi?"

Napag-igtad ako sa sumulpot na bulto sa tabi ko. Nakaawang ang bibig ko nang ismiran si Conrad. "Nakakagulat ka naman," bulalas ko.

"Huh? E, kanina pa tayo magkasama, a," takang sambit niya.

Nagkibit-balikat ako. Akala ko ay sumunod siya kay Celine. Ang alam ko ay nasa ibaba ang office ng coach niya.

"Madali lang ito. Kakausapin ko lang ang librarian. Titingnan ko kung ayos nang sa kanya ako dumiretso kaysa sa student affairs. Tutal ay volunteer lang naman ako," sabi ko.

"Then I'll wait for you. Mabilis lang din naman ako. Sa gym lang naman..."

Napabaling ako sa kanya. Patawid na kami ng bridge at kita mula rito sa itaas ang kaguluhan na nangyayari sa quadrangle ng aming school. I can even hear the noises coming from the excited students. Hindi ko alam kung excited silang umuwi, o excited dahil nagkita-kitang muli matapos ng summer.

"Uh... May susundo sa'yo?" Kinamot niya ng hintuturo ang sentido.

Kumurap kurap ako at inalis ang tingin sa kanya. "Walang susundo sa akin. Sabay na dapat kami ni Celine kaya lang ang sabi niya ay uuwi na siya," sabi ko sa kabila ng kakaibang kalabog sa dibdib.

Kaya ba siya nandito para sabihin sa aking sabay kaming uuwi?

"Yeah. Kailangan niyang umuwi ng maaga. Wala kasing driver."

Hindi ko sinugal ang muling tingnan ang mukha niya. Sapat na ang gilid ng aking mga mata kung saan naaaninag nito ang panonood niya sa akin habang naglalakad.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now