Prologue

5.8K 63 14
                                    

 Ako si Ryniel Archangel.

18 yrs. old.

Matagal na akong nag-iisa.

Pinili ko'ng lumayo sa pamilya ko para sa katahimikan ng kanilang mga buhay.

Si Papa.

Si Kuya Gabriel.

Si Ybrahim.

at si Yra, ang bunso kong kapatid.

Kaya ako umalis dahil hanggang ngayon, ako pa rin ang sinisisi ni Papa at Kuya sa pagkamatay ni Mama.

Halos mag-iisang taon na rin ang nakakaraan nang mamatay si Mama dahil sa pagliligtas sa buhay ko.

Inaamin ko.

Kasalanan ko nga kung bakit wala na si Mama.

Kung di ako umalis nang gabing iyun,

sana kasama pa namin siya hanggang ngayon.

Sana di magugulo ang pamilya ko.

Mahal na mahal ko sila.

Lalo na si Mama.

Siya lang kasi ang tanging nagmamahal sa'kin sa pamilya namin.

Kaya di ko kayang mawala siya sa buhay ko.

Naalala ko pa nga ang sinabi niya noon sa'kin.

" Ryniel, anak,isa ka sa mga anghel sa buhay namin ni Papa mo...

Mahal na mahal ko kayong magkakapatid..."

Ngayon, para sa'kin si Mama ang ANGEL ng buhay ko...

***********************************************************************************************************

11:53 PM.

Seven minutes na lang birthday ko na pala.

Malapit na ako sa bahay namin.

I'm sure, gising pa si Mama, inaantay ako.

Nagpaalam naman ako, pero sabi niya.

"Anak, di ako makakatulog hanggat di ka nakakauwi."

Ang sweet talaga ni Mama.

Kaya nga mahal na mahal ko siya.

Syempre sila Papa at ang mga kapatid ko rin.

In just 5 minutes, nasa tapat na 'ko ng bahay namin.

Madilim.

Patay na ang mga ilaw sa loob.

Baka nakatulog na si Mama.

Dahan-dahan akong pumasok, baka kasi magising si Mama.

ON. ( Pinindot ko na ang switch ng ilaw. )

"Ano'ng nangyari dito?"

Gulat na gulat ako sa nakita ko.

Napakagulo ng mga gamit namin.

Sira lahat.

Hindi kaya?

"Nasa'n na sila Mama, si Papa, si Eliza at Dianne?"

Umiiyak ako habang tumatakbo paaakyat ng hagdan papuntang second floor ng bahay namin.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko sa sobrang kaba.

Hindi kaya ninakawan kami?

Una kong pinuntahan ang room nila Mama at Papa.

Bukas.

Natulala ako sa esksenang nadatnan ko.

"AAAHHHHH! Mama! Papa!"

Naliligo sa sarili nilang dugo sila Mama at Papa

Nasa tabi nila si Eliza at Dianne.

Walang awa ring pinatay ng mga demonyon yun.

Isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

Sino kaya ang gumawa sa kanila nito?

SINOOO?!!!

May biglang nalaglag sa kamay ni Mama.

Isang papel na puno rin ng patak ng dugo.

"An ak  u m aalis k n pap ta yin k rn n la."

Pero sino ang gustong pumatay sa'kin?

Sino ba ang pumatay sa inyo?

Di ko na alam ang gagawin ko!

Ang alam ko lang magbabayad ang gumawa sa kanila nito!

BANG!

Putok ng baril.

Mula sa baba.

Baka nasa baba pa sila. 

At isusunod na nila ako.

Di ko sila mapapatawad. 

GAGANTI ako.

Dali-dali akong bumaba sa hagdan, pero bago pa 'ko makaratin sa huling steps ng nito ay nakita ko na ang isa sa kanila.

Isang lalaking naka-itim.

May takip na itim na bonnet sa mukha.

"Susunod ka na." 

Sabi niya, habang nakatutok sa'kin ang kanyang baril.

Kailangan kong makatakas.

Pero pa'no? 

BANG!

Damplis.

Nakatakbo ako pabalik sa kwarto ko.

Sa terrace.

Agad akong tumalon.

BOOM!

Di pa 'ko nakakalayo ay may narinig akong malakas na pagsabog.

Sigurado ako. Tangke ng gasul yun.

Unti-unti ng kumalat ang apoy sa buong bahay namin.

Masusunog na ang bahay.

Magiging abo,

Kasama ang pamilya ko...

Ngayon, nag-iisa na ako.

Mabubuhay mag-isa bilang

si Reign delos Santos.

18 yrs. old Ulila.

"Pero pangako, ipaghihiganti ko ang ginawa nila sa inyo Mama!"

**************************************************************************************************************

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon