Chapter 27: The Practice

17.6K 397 15
                                    

* Tyler and Kendra on the photo :)

The silent guy and the noisy girl... Find out how they will find peace with each other.. On the coming chapters....hahaha.

A/N: since one week po akong di makakapag-update ay mag uupdate na po ako ngayon.. Here's the Ud guys! enjoy! :)



---------------------------------------------------- 




( THIRD PERSON'S POV )

Nagsimula ng magpractice ang grupo nina Hell at Blake sa loob ng music room. Apat na pares pa lamang ang nandun. Hindi pa kasi dumarating sina Ally at Zeke. Ang grupo lang nila ang magpa-practice sa araw na iyon. Pinareserve kasi ni Blake ang pinakamalaking music room ng Frost Academy para lamang sa kanilang sampu.

Si Klein ay may hawak na gitara, samantalang ang kapares niyang si Ven ay nakaharap naman sa isang silver bass guitar.

" do you know how to play that, Sakura?"

Ang tanong ni Klein dito ng lapitan niya ang huli na kanina pa niya napapansing nakatitig lang sa gitarang iyon.

" none of your business, Eros."

Walang ganang sagot ni Ven kay Klein. Napabuntong-hininga nalang si Klein sa sagot nito. Alam niyang may pader pa rin sa pagitan nilang dalawa kaya naman ay pinabayaan na lamang niya muna ito at tumuloy sa pagtipa ng kanyang gitara.

" let's start practicing now. We only have two days before the performance day. Ayokong makakuha ng maliit na marka."

Napatigil si Klein sa ginagawa ng nagsalita si Ven. Nilingon niya ito at sumagot.

" fine then. What are we gonna sing?"

Lumingon rin si Ven dito at may iniabot kay Klein na puting papel. Kinuha naman ito ni Klein at binasa.

" it already has the chords and the lyrics in it. Praktisin mo muna ang tono pagkatapos ay pwede na tayong magtuloy-tuloy sa practice. Uhm.. Alam mo ba ang kantang iyan? Yan lang kasi ang napili kong kanta. If you don't like it, then we can change and find another song."

Saad ni Ven kay Klein. Binasa muna ni Klein ang title ng kanta at tila may bahid ng kalungkutan at pait na dumaan sa mga mata nito. Hindi nalang iyon binigyang-pansin ni Ven. Dahil alam din niya kung ano ang dahilan nun.

" I won't change this song. Ito na lang ang kakantahin natin. It seems like this song is really meant for us."

Ang sagot ni Klein at ngumiti ito kay Ven. Ngiting alam nilang pareho na may dalang sakit at pighati.

" okay. We'll practice singing this after we both finished practicing the tune. May nakasave rin naman akong music niyan sa phone ko. Kung gusto mo, pakinggan muna natin? Kung g-gusto mo lang naman."

At sa narinig ay napangiti si Klein.

" of course I'd love to! Anything, as long as I will be with you, I'm fine with it "

And he gave her his sweetest smile. Yumuko nalang si Ven dahil ayaw niyang Makita ni Klein ang ngiting malapit ng sumilay sa kanyang mga labi.

SAMANTALA, abala naman sa pag tugtog sa keyboard si Brent ng mapansin niyang nasa kabilang dako ng music room si Angel. Agad niya itong pinuntahan at kinuha ang dala nitong papel na kanina pa nito sinusulatan.

" is this what we are going to sing, my Angel?"

Tanong niya kay Angel habang pilit na inilalayo dito ang hawak na papel. Ina agaw kasi nito iyon.

" ibalik mo nga sa akin yan, Damon! Hindi yan ang kakantahin natin,. At wag mo akong matawag-tawag na "MY ANGEL" na tukmol ka! "

Sabi dito ni Angel na kanina pa binabawi ang hawak nitong papel. May naisulat kasi siya dun na di dapat mabasa ng kaharap niyang tukmol na parang walang narinig sa sinabi niya.

His DEMONIC ANGEL   ( Slow Update )Where stories live. Discover now