Chapter 17 - Battle of the organs

42.4K 1.1K 20
                                    

Chapter 17 - Battle of the organs

~

TATLONG araw ang tinagal nila sa ETHQ. Sa tatlong araw na iyon, sinubukan ni Belle na burahin ang nararamdaman niya para sa binata. Mahal niya ito, pero tinatanong niya ang sarili niya kung bakit? Paanong minahal niya ang isang taong bumaboy sa kanya? Ang isang taong sumira sa buhay niya? Sa kanila ni Anton? All her life, ang akala niya tatanda siyang kasama si Antonio Buado but Ross Costalles came in the picture. Binago nito ang lahat, binago nito ang buhay niya.

Hindi pa siya handa para sa panibagong pag ibig. At kahit kailan hindi siya magiging handang mahalin ang isang Ross Costalles. Her mind is telling that stay away from him, but her heart says the other way around. This is how complicated this love is. Hindi naman naging ganito ka-komplikado noong sa kanila ni Anton. But loving Ross Costalles is the most complicated thing in her life.

Ni hindi mga matanggap ng utak niya na nabubuhay ang binata sa mga masasamang gawain nito. And she knows, Ross never ever now, how to love and what is the meaning of this. Wala siyang mapapala sa binata.

But her heart... Her heart keep on beating for Ross. Her heart saying that love and accept him. Loving someone is taking a risk.

Is she ready to take a risk?

The answer is no. Lumaki si Belle na puno ng pagmamahal nang mga magulang niya. Lumaki siya na napapaligiran ng mga mabubuting tao. Ngayon lang siya naka engkwentro ng masasamang tao. And Ross it is.

Bali-baliktarin man ang mundo, hindi magbabagong masamang tao si Ross. Masamang tao ang lalaking minamahal niya. Makailang beses nang napatunayan iyon ni Belle sa sarili niya.

Napabuntong hininga nalang si Belle. Lumabas siya ng Club. Wala naman doon si Ross kaya hindi na siya nagpaalam pa. Hindi niya alam kung nasaan ang binata kanina pa kasi ito wala. Hindi naman siguro ito magagalit kung magliliwaliw muna siya kahit saglit lang.

Lulan ng isang taxi, nakarating si Belle sa isang abandonadong parke na may kalayuan sa Club. Walang tao sa park na iyon, puno ng tuyong dahon ang mga damo roon. Kinakalawang na rin ang mga si-so, slide at swing roon pero mukha pa naman itong magagamit.

Naupo si Belle sa isa sa mga swing doon at nagsimula nanamang mag isip. Naisip niya, marami na siyang gustong gawin ulit tulad ng, umuwi sa apartment niya at magluto ng mga paborito niyang pagkain tulad ng dati. Namimiss niya na ding pumasok sa trabaho at makipag kwentuhan sa mga kaibigan niya. At pinaka namimiss niya sa lahat ay ang mayakap ang ina at umiyak ng umiyak.

Sabi nga nila kahit gaano ka na katanda, tatakbo at tatakbo ka pa din sa iyong ina once na hindi mo na kaya ang sakit na dinadala mo. All you can do is to hug and cry hard with your mother. Ito lang kasi ang ka-isa isang taong makakaintindi sayo. A mother will always treat you as her little princess, kahit na gaano ka pa katanda.

“My Belle.” Anang tinig mula sa kung saan.

Napailing nalang muli si Belle. Maybe she's hallucinating. Boses iyon ni Anton at si Anton lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Imposible namang narito ang binata. Paano naman iyon mapapadpad sa ganitong lugar.

Pumikiy siya at muling di-nistract ang sarili. Hindi naman siya nagugutom kaya bakit siya nagha-hallucinate. Siguro ay namimiss niya na din ang binata, kahit kasi paano ay hindi naman biro ang pinagsamahan nila.

Di kaya naman ay, mahal niya pa ito. Nangungilila lang siya sa binata kaya na-ibabaling niya ang nararamdaman niya para sa binata kay Ross dahil ito ang madalas niyang nakakasama. Ito ang nakaka-angkin sa katawan niya. Maaaring iyon ang dahilan, nasanay siyang nariyan sa tabi niya si Ross, pero iba pa din ang sinasabi ng puso niya. Pangalan ni Ross kasi ang sinisigaw nito.

8ET:Complicated UNEDITED VERSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon