Chapter 7 - Darkest Secret

44.3K 1.1K 18
                                    


Chapter 7 - Darkest Secret

~

PUMASOK ng muli si Belle sa trabaho. Napag desisyunan niyang hindi muna guluhin ang isip niya tungkol sa mga bagay na dinadala niya. Alam niyang konti nalang ang nalalabing araw na ibinigay sa kanya, pero gusto muna niyang sulitin ang mga oras na mayroon siya bago niya gawin ang dapat niyang gawin.

May ngiti sa kanyang labi ng makapasok siya sa loob ng building ng Heluxus Hotels. Masigla biya pa ngang binati ang mga gwardya ng building. Kahit ngayon lang sana, kakalimutan muna niyang malaki ang problemang dinadala niya.

Pumasok na siya sa office, namataan niya agad si Zia na mukhang napa-nganga sa kanya. Kumaway at ngumiti lang siya dito bago umupo sa cubicle niya. Natawa siya, alam niyang kating kati nang puntahan siya ni Zia para tanungin kung anong nangyayari sa kanya.

Naupo na siya sa cubicle niya at nag simulang magtrabaho. Mag papaka-busy muna siya para maiwasan ang labis na pag iisip tungkol sa mga problema niya.

Mukhang hindi yata nakatiis si Zia dahil nilapitan na siya ng kaibigan sa cubicle niya. "Belle, okay ka na? Bumalik na si Anton?" Tanong nito.

Gusto niyang tuktukan ang ulo ni Zia dahil pinaalala nito ang tungkol kay Anton. Nakakainis naman kasi e, dahil pinipilit niya ngang iwasan ang usapin tungkol kay Anton kahit ngayong araw lang pero ito agad ang binungad sa kanya ni Zia. Arghhh.

Umiling nalang siya sa dalaga at nag simulang mag-type sa keyboard niya. Hindi pa din umaalis sa tabi niya si Zia.

"Belle, uyyy. Bakit nga kasi ganyan ang aura mo ngayon? Tell me, nakahanap ka na ba ng bago? Grabe Belle huh, agad agad hindi mo man lang hinintay yung tao. Naku, kukurutin kita sa singit. Hindi ka naman ganyan dati——"

"Zia, ikaw anb kukurutin ko sa singit kapag hindi ka tumigil. I was just giving my self a break so shut up." Putol niya sa sasabihin ng kaibigan niya.

Matapos noon ay hindi na siya kinilit pa ng kaibigan. Mabuti na iyon baka makasira lang ng focus niya ang kadaldalan ni Zia. Alam niya naman kung gaano ka-tulis ang dila ng kaibigan at sigurado siyang ma-mimiss niya iyon kung sakali.

After work ay dumiretso agad si Belle sa opisina ng boss niyang si Ms. Clein. Balak niya sana itong kausapin tungkol sa huling offer nito sa kanya. Mabuti nalang at naroon pa sa opisina si Ms. Clein, mukhang marami pa itong tinatapos na trabaho dahil hindi pa ito umaalis.

Marahan siyang kumatok sa pagkakaawang ng pinto ng opisina ng boss niya para mabigyan siya nito ng pansin. Pumihit naman ng ulo si Ms. Clein saka siya nginitian ang sinenyasang pumasok.

Dahan dahan naman siyang pumasok at lumapit sa boss niya. Sana ay okay pa rin ang offer nito sa kanya noong nakaraan.

"Anong atin Ms. Florencia?" Nakangiting tanong nito habang nilalaro ang tech pen na hawak nito.

Kinakabahan siyang ngumiti sa boss niya. "Ahm, Ma'am.. Iyong .. Iyong offer po ninyo noong nakaraan ——"

"Oh, so, magbabakasyon ka?!" Anito habang may ngiting nakaukit sa labi.

Nakahinga naman siya ng maluwag. Mabuti nalang talaga at mabait ang boss niya. "Opo sana, Ma'am. Kaya lang po, hindi ko po alam kung hanggang kailan." Nakayukong sabi niya.

"It's okay Ms. Florencia, abutin man ng taon ang pagbabaksayon mo, asahan mong bakante pa din ang posisyon mo pagbalik mo. You're one of my favorite employee, so, I have no problem with that."

Nakangiti siyang nag angat ng tingin sa boss niya at saka taos-pusong nagpasalamat dito.

ABALA NA sa pagliligpit ng gamit si Belle sa kanyang cubicle ngayon ding hapon na ito. Ayaw na niya kasing ipagpabukas pa dahil masasayang lang ang oras niya. Kailangan niya pang makipag-negosasyon sa walang pusong lalaking iyon. Oh God! Please sana naman ay kayanin pa niya.

8ET:Complicated UNEDITED VERSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now