Chapter 12 - His wrath

48.6K 1.2K 10
                                    


Chapter 12 - His wrath

~

ZIA STAYED in her unit for two days. Malaki nga ang pasasalamat niya sa kaibigan at sinamahan siya nito dito sa kanyang unit sa loob ng dalawang araw. Belle still hoping Anton to comeback, alam niyang nabigla lang ang binata sa mga nalaman nito. Naiintindihan naman niya iyon. Pero, hindi niya lang talaga maiwasang magkulong sa kwarto at umiyak. Kung wala siguro dito ang kaibigan niya para samahan siya, malamang ay hindi na rin siya kumakain.

She doesn't deal the devil yet. Hindi siya nagpupunta sa Club. Gusto niya munang mag pahinga, handa naman siyang harapin si Ross Costalles, hindi naman niya nakakalimutan ang usapan nila. But for now, she needed her time for herself. Masakit pa din kasi ang lahat ng nangyayari sa kanya. Hanggang ngayon ay umaasa siyang panaginip lang ang lahat ng ito, na pag gising niya kina-umagahan ay wala siya sa ganitong sitwasyon.

“Belle, dalawang araw na akong nandito pero hanggang ngayon hindi mo pa din sinasabi sa akin kung ano ba talagang nangyari sa inyo ni Anton?!” Muling tanong ni Zia.

She was laying on her Queen sized bed. Yakap yakap niya ang isa niyang unan. And true, ilang beses na nga siyang tinanong ng kaibigan niya kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Anton pero nananatili lang siyang tahimik.

Para kasing may naka-bara sa puso niya sa tuwing naririnig niya ang pangalan ng binata.

Naramdaman niyang hinaplos ni Zia ang kanyanh buhok. “Alam mo Belle, maraming kahinaan ang lalaki pero alam kong hindi mo magagawa ang mga isu-suggest ko. Pero malay mo naman at magkabati kayo ni Anton. Use the art of seduction, for sure mawawala ang galit sayo ni Anton kung ano man ang nangyari sa inyo.!”

Bahagya siyang natawa sa sinabi ng kaibigan. “Puro ka talaga kalokohan, Zia.”

“See? You smiled! Pero wag ka! Totoo naman iyon noh! Kapag bumukaka ka sa lalaki at nakita yang iyo. For sure, mawawala na sa huwisyo iyon. Makakalimutan na niyang galit pala siya sayo. Try mo kaya! Kaso, virgin ka pa kasi e.”

Kung alam mo lang, Zia. “Sira! Sige na, uwi ka na. Kaya ko na siguro.” She tried to smile.

Zia wiggled her eyebrow playfully. “Ayieee, gagawin mo yung suggestion ko noh? Pero sige, kailangan ko na talagang umuwi, tsaka, Goodness! Three days na akong AWOL sa trabaho. Ikaw kasi e,.” Biro nito sa kanya.

Umayos siya ng upo sa kama at hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. “Thank you Zia, ah. And pakisabi na din kay Mommy Ai na miss na miss ko na din siya.”

“Ayy nako, Belle! Wag ka nang umiyak. Jusko, maawa ka naman sa mga mata mo.” She wiped her tears. “Basta gawin mo yung suggestion ko ah. Pag galit sayo ang isang lalaki. Yugyugan mo! Haha.”

Natawa nalang siya sa sinabi nito. Zia never failed to made her laugh. Siguro kung mayroon man taong napaka-sayahin at walang problema, si Zia na iyon. Somehow, she envy her best friend. Dati kasi, pareha lang silang carefree at walang problema but look at her now, she's totally a mess.

Binalik niya nalang ang sarili niya sa kama nang makaalis na si Zia. Magpapahinga lang siya at pag katapos ay pupunta na siya ng Club.

NAALIMPUNGATAN si Belle nang maramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya. Lumingon siya sa glass window niya, gabi na pala. Agad siya tumayo para maghanda na sana paalis. Napatigil lang siya dahil parang may nakatingin nga sa kanya. And then she look at the side of her bedroom. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang naka-upo sa couch niya roon at sumisimsim ng kape.

“R-ross.”

She was trembling. Fear coated every fiber of her veins. Marami siyang tanong sa isipan niya. Paano ito nakapasok sa kanyang unit? Kanina pa ba ito nandito? God! Ang sama sama pa nito makatitig sa kanya. Kakainin nanaman yata siya nito ng buhay.

8ET:Complicated UNEDITED VERSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon