Ch. 31: End this war

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano?" taka niyang tanong.


"Let's said this war. Mula ngayon, hindi na tayo mag-aaway dahil kay Rainbow. Wala naman tayong napapala eh, nagkakasakitan lang." nagkibit balikat ako saka tumawa, "I am stupid for realizing it this late. But you are more stupid dahil hindi mo naisip 'tong naisip ko, nasa section A ka pa naman."


"Hoy!" biglang bulyaw niya sa mukha ko dahilan para mapalayo ako sa kanya ng kaunti. "Kakasabi mo lang na you wanted to end the war pero parang nagsisimula ka na agad ng away."


Bigla akong napaisip. Sunod ay natawa uli.


"Sorry. Nasanay ako sa gano'n eh, pero kung tatanggapin mo ang proposal ko na itigil na natin ang away, pipigilan ko 'tong old habit ko na pangangasar sa'yo. Pero syempre i-promise mo rin na you'll do the same too. Para quits."


"Deal." mabilis niyang sagot, mukhang confident. "Wala nang away, wala na talaga dahil wala na akong kaagaw kay Rainbow, solo ko na siya. Thank you for that." Napalingon ako sa kanya dahil doon at nahampas ang braso niya. "Aww! Nagsisimula ka na naman eh!" reklamo niyang sapo ang  braso.


"Nathe, naman eh, Rainbow pa rin?"


Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh bakit? Sige, sabihin na natin na totoong gusto mo ako"


"Totoo nga iyon!"


"sabihin nang totoo, so what? Si Rainbow pa rin ang gusto ko."


"Nathe!" I called frustratedly. 


"What?!"


Sa frustration ay napaharap na ako sa kanya.


"Hindi ganoon ang plano. Kung gusto kita, dapat gusto mo rin ako!" 


Halos lumuwa ang mata niya sa sinabi niya. Pero kasi, ganoon dapat. Ganoon ang gusto ko, sana.


"What?... wow! Paano kung hindi kita gusto? Ano ba 'to, sapilitan ba?"


Huminga ako ng malalim, ilang beses. Pinapakalma ko ang sarili ko. My heart's raging because of both frustration and uncalled-for excitement dahil nasa malapit ko lang siya at nakakausap. Badtrip naman, oh. 


"You like me." panimula ko maya-maya, nasa ibaba uli ang paningin. Kapag kasi tumitingin ako sa kanya ay bahagya akong nadidistract. 


Kasi pangit siya. Char. Kasi gusto ko siya at nahihiya rin naman ako sa kanya. Kapag nakatingin ako sa kanya ay parang numinipis ang mukha ko at nawawalan ng gut.


"W-Wow?"


"Yes, Nathe, you like me." sagot kong pinaglaruan ang damo sa paanan namin gamit ang shoes ko. "That's what your friend told me earlier. Kaya nagka pag-asa ako eh. Kasi you like me raw. And the feeling's mutual naman, alam mo 'yan."

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon