The Orphan

1.7K 63 12
                                    


Malalim na ang gabi. Bakante na ang kalsada maliban sa mga pusang nanginginain sa nagtapong basura sa gildi ng kalsada. Paminsan-minsan ay maririnig mo ang mga tahol ng aso at anf pagtumba ng basurahan na gawa sa lata. Sa 'di kalayuan ay matatanaw mo ang isang lalaking naglalakad nang mag-isa sa kalsada habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bag. Tila nangangamba na may isang taong bigla siyang talunin at hablutin iyon.

Palinga-linga sa kanyang paligid ang binata. Umaasa na baka may makasalubong siyang kilala niya. Ilang hakbang pa at sumapit na ang daang paliko papuntang apartment na kanyang inuupahan.

"Konti na lang, makakauwi na ako," mahina niyang sambit.

Hindi naman karaniwang ganito ang uwi ng 23 anyos na si Arnold. Ayaw sana niyang nakakakuha ng panggabing pasok sa kumpanya ng electric hardware na pinapasukan. Batid niya kasi na hindi ligtas ang paligid ngunit sadyang wala siyang magagawa. Kailangan niyang mag-adjust dahil na rin sa ayos ng kanyang trabaho. Saktong pagliko ay binagalan niya ang lakad. Tanaw na ang kanyang bahay at nakakahinga na siya nang maluwag.

Nagulat siya nang mapansin sa tapat ng bahay ang isang taong nakatayo sa ilalim ng isang poste. Aandap-andap ang ilaw kaya't mahirap makita mula sa kanyang kinatatayuan ang itsura noon. Kinapa niya ng kanyang bag at naghanap ng kahit anong bagay na p'wede niyang ipandepensa sa sarili.

Nawala ang kaba niya nang muling titigan ang taong iyon. Isa lang iyong bata na may suot na isang maliit na bag na nanlilimahid na. Nagmadali siyang lapitan ang bata at baka nangangailangan iyon ng tulong.

"Anong ginagawa mo dito bata? Gabing-gabi na," nagmamadali niyang tanong sa bata.

Matama siyang pinagmasdan nang bata at hindi umimik. Namimilog ang itim ng mga mata nito at parang anu mang oras ay iiyak. Hindi imposibleng maawa ka sa bata dahil sa kahab-habag na itsura nito.

"P'wede ba akong pumasok sa bahay mo?"tanong nito kay Arnold

Hindi na siya nag-alangan na isama ang bata sa loob ng bahay niya. Mas sigurado siya sa seguridad ng bata, kaysa naman iwana niya sa labas at naghihintay sa isang tao na parang hindi naman darating.

Isinama niya sa kusina ang bata at pinaupo sa isang silay na nasa tabi ng mesa. Agad naghanap ng makakain si Arnold sa ref. pakiwari niya sa itsura ng bata ay wala pa itong kinakain. Buti na lamang at may ulam pang natira kaninang umaga. Sandali niyang pinainit ang ulam pati na rin ang kaning lamig.

Nang maihain ang mga pagkain ay nilapitan niya ang bata at kinausap. Napansin niyang marumi ang damit nito. May gamit din siyang bag na sadyang kay dungis.

"Anong ginagawa mo sa labas?" tanong niya sa bata na parang takot na takot

"Hinahanap ko po ang tatay ko."

"Pero gabi na. Dito ka muna ngayong gabi, bukas sasamahan kita sa baranggay para magpatulong tayo. Tiga-dito ka ba?"

"Hindi po."

"Mahihirapan tayo niyan. Pero papatulong tayo." Nginitian niya ang bata para mabawasan ang takot na nadarama nito.

"Dito muna ako?"

"Oo naman. Pero dapat maligo ka muna. May naiwang damit diyan 'yung bata kong kapatid, sana magkasya sa'yo.

Masaya nilang pinagsaluhan ang kaunting pagkain. Matapos noon ay ipinagpakulo niya ng tubig ang bata dahil malamig na ang tubig na tumatapon sa gripo. Inihalo nya ang pinakuluan na tubig sa pampaligo ng bata at tinulungan niya na itong maligo.

"May anak na po kayo?"

"Wala pa."

"Ang swerte siguro ng magiging anak niyo. Kasi mabait ka po."

TwistedWhere stories live. Discover now