Ang Bata sa Sunog Ulit

37 5 0
                                    

Malalim na ang gabi. Ayaw talaga ni Diego na ganitong oras ang kanyang pag-uwi. Bukod sa limitado ang p'wede mong masakyan ay madaling itinatago ng dilim ang panganib.

"Rik Trik, Tik," nagmamadali sa kanyang paglalakad si Diego nang narinig niya ang kakatwang tunog na parang nababaling kahoy. Luminga-linga siya pero wala siyang nakita. Sinubukan niyang h'wag na lamang pansinin ang kakaibang ingay na iyon, ngunit para bang nasa likod niya lamang ang sanhi noon. Ilang beses pa siyang lumingon ngunit wala talaga siyang nakita.

"Hindi na nakakatawa ha," malakas na sabi ni Diego. Umaasa na hihinto kung sino man ang nagbibiro sa kanya.

Sandaling tumigil iyon ngunit sa oras na naglakad siyang muli ay lalo pang lumakas ang tunog na wari mo ay nagkakalasang mga buto. Sa isip-isip niya, ilang hakbang na lang naman at mararating na niya ang bahay niya. Siguro naman ay hindi na ito sususnod doon. Nang matanaw nga niya ang bahay niya ay medyo nakahinga siya nang maluwag.

"Sige sumunod ka pa," hamon ni Diego.

Nilingon na niya kung sino o ano man ang gumagawa ng tunog na 'yon kahit na wala naman talaga siyang makita. Sandali pa siyang naghintay na animoy inaasahan na may lilitaw mula sa kadiliman. Ngunit wala siyang nakita. Sa isip-isip niya, mga estudyante siguro ang may gawa. Marami kasing boarding house sa paligid pero sa ganitong oras ay mangilan-ngilan na lamang ang mga estudyante sa labas. Karamihan siguro sa kanila, nagpupuyat sa computer shop; ang iba naglalaro, ang ilan naman hinahabol ang deadline para sa kanilang term paper. Napapaligiran din kasi ng Unibersidad ang lugar na ito.

"Wala ka pala eh," panunuya niya dito

Nagsimula siyang maglakad muli, tila inaasahan niya pa na muli niyang maririnig ang mga kakatwang tunog, ngunit wala na iyon. Pag dating niya sa kanyang bahay ay nagulat siya na nakadungaw sa bintana ang anak. Hindi niya maintindihan madalas ang batang ito. Sa wari niya ay may kakulangan ito sa pag-iisip. Malimit itong magsabi ng mga bagay na hindi niya maintindihan. Minsan tuloy ay hindi niya maiwasan na pagbuhatan ito ng kamay.

"Pa! Sino 'yang tatlong kasama mo?"

"Ano?"

"Iyang tatlong nakaitim sa likod mo. Nagsasalita sila, hindi mo ba naririnig?"

Parang kinuryente ang buong katawan ni Diego sa sinabi ng anak. Hindi niya alam kung totoong may nakikita ito o gusto lang talaga nito na takutin siya. Hindi niya tuloy maiwasan na magpanting ang tainga. Kinuha nito ang walis tambo na may mga lamat na. Halata mong ilang ulit na iyon nagamit pamparusa sa murang katawan ng bata.

"Walanghiya kang bata ka, kagagaling ko sa trabaho. Pagod ako tapos iyan pa ibubungad mo sa akin,"

Sinubukan salagin ng bata ang mga palo gamit ang kanyang kamay ngunit walang laban ang kanyang lakas sa mga hataw na ginagawa ng ama.

"Tama na Pa! Hindi na ako uulit,"

"Meron ka ba talagang nakikita o wala?"

tanong muli ni Diego sa anak. Sa takot na lamang ng bata na baka paluin muli siya sa oras na sabihin niyang 'OO' ay nagsinungaling na lamang siya.

"Wala po."

Tila nakahinga ng maluwag ang bata matapos ibato na lamang ni Diego ang walis tambo sa sahig sabay umalis na. Naroon ang ina ng bata, nanonood lamang habang pinaparusahan ang anak. Tila ba sawa na ito sa panonood ng isang replay na pelikula. Siguro kung haharang lamang siya ay siya naman ang mapagbabalingan ng init ng ulo ng asawa. Sa isip-isip nito, mas mabuti na lamang na maturuan ng aral ang anak para hindi ito mawiling magsinungaling.

"Ipaghain mo nga ako d'yan?"

Sabay ismid ni Diego. Dire-diretso ito sa kwarto at nagpalit ng damit pambahay. Hindi na ito naligo man lamang sa takot na baka daw siya mapasma. Ang bata naman ay muling sumilip sa bintana. Hindi na naman siya papansinin ng ama dahil nailabas na nito ang galit sa kanya. Hindi naman ganito dati si Diego. Dahil siguro sa pataas na pataas na presyo ng bilihin samantalang ang s'weldo niya ay nananatiling parehas lamang.

Habang pinagmamasdan ng bata ang tatlong nilalang na naka-balabal hari sa tapat ng kanilang bahay ay may naririnig itong mga salita na pumasok sa kanyang isipan. "Naririnig mo kami?" tanong ng kung sino man. Sa oras na iyon ay nakumbinsi na ang bata na talagang siya lamang ang nakakakita sa tatlo. Madalas na itong mangyari. Minsan, hindi niya na rin alam kung bakit. Hindi niya na rin mapaghiwalay ang totoo sa hindi.

Lumingon siya sandali sa direksyon ng magulang. Nang makita niyang hindi ito nakatingin sa kanya ay muli siyang bumaling sa tatlong nilalang at tumango na lamang. "Espesyal ka. Narito kami upang sunduin ang iyong ama,"

Napaisip sandali ang bata. Inisip niya kung saan ba pupunta ang ama at kailangan pa siyang sunduin ng tatlong ito. "Saan kayo pupunta?" mahinang niyang sabi. Takot na baka marinig ito ng kanyang ama.

"Sa lugar ng husgahan. Naatasan kami ng k'wentista para manundo. Kailangang magbawas at sumisikip na ang lugar niyo at siya ang napili. Kailangang may tumawid na sa kabilang mundo." sagot ng mga ito.

"Kabilang mundo?" tanong ng mura niyang isipan.

"Sa mundo ng mga patay,"

"Mamamatay ang Papa ko? H'wag niyo siyang susunduin,"

Napalakas yata ang pagkakasabi ng bata at narinig iyon ng mga magulang niya. Dali-daling tumayo ang lalaki na nagulat sa sigaw ng anak dahil hatinggabi na. Dapat dito ay natutulog na pero nagawa pa nitong sumigaw.

"Wala ka talagang pinagkatandaan ano?"

Puno ng hilakbot ang mga mata ng bata. Inaasahan na muli na naman lalatay ang matigaw na kahot ng tambo sa kanyang katawan. Bakit ba siya na lamang ang palaging napagbabalingan ng ama. Hindi bale na ang mga latay at ilang araw lamang ay mawawala na. Ngunit ang sakit na iniiwan noon sa kanyang puso ay panghabambuhay na. Kung meron mang susunod na buhay ay siya mismo ang pipili sa kanyang magiging ama.

Nagtagal din ng ilang oras ang sigawan at palahaw na nagmumula sa bahay na iyon. Ang mga kapitbahay ay tila wala namang pakialam. Bakit nga naman nila pakikialaman ang buhay ng iba gayong sila din ay naghihirap naman. Ano naman ang pakialam nila kung makatikim ng ilang palo ang bata. 

'Yun nga lang hindi na iyon simpleng palo lamang. Nakahandusay ang bata sa sahig habang sisinghap-singhap. Nakatingin sa kanya ang kanyang ama na parang walang amor kahit katiting lamang. Alam ng bata na sa ilang sandali ay mawawala na siya. Magkagayunman, nakikita niya pa rin ang tatlong lalaking nakasuot ng roba sa likuran ng kanyang ama.

"H'wag niyo siyang kukuhanin. Ako na lang," pakiusap ng bata.

Nagkatinginan ang tatlong nilalang na ito, animoý nag-uusap sa gagawing desisyon. Nang di malaon ay tiningnan nila ang binata. Sa isip ng bata naman ay may mga salitang nabubuo doon. "Gusto mo siyang sagipin kahit hindi ka niya mahal?" tanong nito.

"Ganito lang siya magpakita ng kanyang pagmamahal. Sa susunod na buhay ko, ipapakita ko rin sa kanila kung paano ako magmahal," wika ng bata sa kanyang isipan. hanggang sa unti-unti na ngang nawala ang kanyang ulirat.

***

Nagising ang bata sa harap ng isang nilalang na hindi niya mawari ang itsura. Ani to, siya raw ang k'wentista. Magkuk'wento daw siya ng mga bagay-bagay na kailangang sagutin ng bata. Sandali itong huminto habang parang may iniisip. Kapagdakaý nagsalita ito.

"Hmmm... Paano ko naman huhusgahan ang isang ito?" tumagilid pa ang ulo ng nilalang na parang nag-iisip. Kahit ano pang gawing isipin nito ay wala siyang makita sa alaala ng bata na p'wede niyang magamit at paglaruan. Pawang mga pambubugbog lamang ang nakita niya. Hanggang sa mapadpad siya sa huling alaala nito.

"Gusto mo bang makahanap ng Tatay mo?" tanong nito sa bata habang pinipigilan ang kanyang tawa.

"Gusto!" masigasig na sagot niya.

"Ibabalik kita. Pero tatandaan mo itong huli kong sasabihin. Mag-ingat ka sa lalaking nasa loob ng baul,"

Nang matapos iyon ay parang may maliwanag na ilaw na tumama sa bata. Nakabalik sa mundo ng mga buhay ang bata ngunit sunog na ang kanilang bahay. Wala na rin ang kanyang katawan. Mabuti na lamang at alam niya kung saan pupuntahan ang kanyang mga magulang. Marahil ay umuwi to sa bahay ng kanyang magulang. Pagkakataon niya na para ipamalas dito ang klase ng pagmamahal na alam niya.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jan 03, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

TwistedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum