Ngumiti ulit siya at umalis na.

Tama nga siya. Kailangan ko ng napakaraming tissue ngayon.

Tumunog ang phone ko sa bulsa.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago sumagot.

"Hello?"

"Hindi kayo pumunta ng bestfriend mo ng limang araw sa bahay. Nakakaanim ka na. May sakit ka ba talaga?"

"Lei?"

"Pumunta kayo dito mamaya. Ang dumi na ng bahay. Kapag hindi kayo pumunta, alam niyo na ang mangyayari."

"Wait. Di makakapunta si-"

*toot* *toot*

Hays. Binabaan ako?

Hindi rin pala nakapunta si Besh nang ilang araw sa kanila.

Sayang naman. Iyon na sana yung tangi kong pag-asa eh.

Kailangan ko talaga siyang makausap.

---

Naglinis lang ako nang mabilis kila Lei. It turns out nga na wala siya dun.

Lagot pala ah. Wala naman yung iba. Si Phil lang ang nandito. Wala rin si Franc at si Matt.

Sheesh.

Tapos sasabihin niya pang madumi na ang bahay nila? Hmp. Ang linis linis kaya. Iniwan namin ni Besh na malinis, ganun pa rin naman kalinis. Sus. Mga pekeng reasons lang ni Lei, para lang may masabi na maid kami.

Wala ulit si Besh ngayon. Hindi rin siya pumunta dito.

Umaasa pa naman akong pupunta siya. Akala ko, tatawagan din siya ni Lei.

Nang matapos na ako, nagpaalam na ako kay Phil na nanonood ng tv.

"Aalis ka na agad, Kate?"

"Oo, Phil. Kaunti lang ang nilinis ko since wala na akong dapat pang linisin. Pakipaalam na lang din ako sa iba,"

"O sige,"

Tatalikod na sana ako nang tawagin ako ni Phil.

"Oo nga pala, Kate,"

"Bakit?"

"Hm, alam mo ba kung bakit wala si Sofie?"

"Ah, yun ba..."

Naiiyak na naman ako. Naman eh.

"U...umiiyak ka ba?"

Pinunasan ko ang maluha-luha kong mata, "Ah. Wa...wala 'to,"

"Kate,"

Napatingin ako ulit sa kanya.

"May nangyari ba sa inyo ni Sofie? Nag-away ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Phil.

Bakit ba ganun ang mga conclusions nila? Hindi ko naman ipinapahalata ah.

"Hi...Hindi,"

Natahimik lang si Phil. Ako naman, tuluyan nang bumuhos ang luha. Naaalala ko na naman ang pag-aaway namin ni Besh. Ni minsan, ni kahit kailan, hindi kami nag-away nang ganito. Kung mag-aaway man kami, mareresolba namin kaagad yun.

Kaya nga nakakalungkot eh. Siguro, magugulat na lang ako na dumating ang time na tuluyan na akong maging stranger kay Besh. Na mawawala na ang pinagsamahan namin. Na sa simpleng pagkakamali ko lang, mawawala na ang friendship namin.

Ayokong mangyari yun.

Narinig kong bumukas ang pinto na nasa likuran ko kaya naman agad-agad kong pinunasan ang luha ko at humarap sa pintuan.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now