~~~~~~^^V~~~~~~

19.9K 289 22
                                    

*Note: Malapit na defense namin sa thesis! wala pa kami data analysis! boohoo! Wattpad Analysis lang muna! XD

Bakit nawawala readers ko? namimiss ko kayo eh! pa-hug nga! walang title

_________________________________________________________________

Leshe!!! Ang stiff ko daw ngumiti! bakit? may malambot ba ngumiti? serry naman di ba? eh sa hindi nga ako sanay mag-project =_= paano ba kasi yun? tinignan ko sila Ran at Rain, =_= oh di sige sila na talaga ang cute! parang natural na natural lang sa kanila, samantalang ako kulang nalang bitay eh...

"Hoy! Lena-shi!" sabi ni Rain "Aba hija hindi ka naman namin kakatayin ngumiti ka naman!"

"Maka Lena-shi naman ito! hindi ka koreana hoy! hapon ka! hapon!" sabi ko kay Rain

"Pft! Fine eh di Lena-chan!" 

"Anu ba yan? para namang linitson! =_="

"Reklamadora! tss!" sabi nito at binato ako ng nilamukos na tissue, napatawa nalang ako

"I know right!" sabi ko at kinuhanan ako ng photographer

"Miss ang ganda mo pag ngumiti, my camera loves your smile already" sabi ng isa sa mga photographer, naramdaman ko naman ang sarili kong mgablush, bulag yata itong photographer na ito eh! koya kung bulag ka wag kang magphotographer

"Hoy! Ten, wag kang malandi jan! mas hot sa iyo boylet ni Lena noh!" sabi ni Ran

"Aww shucks ganun? mas hot kesa sa boylet mo?" panggagaya ng poging photographer kay Ran

"Syempre hindi, wala ng mas hot sa Rigid ko ano?" sabi ni Ran sabay irap, hallllaaaa hot daw kuya ko, bulag ba silang lahat?? =_= (hindi Lena, ikaw lang)

"Hoy! mas hot si Reino ko!" singit naman ni Rain

"Huussss mga totoy pa mga boylet niyo! abs palang talo na sila sa Rigid ko!" buong pagmamayabang naman ni Ran, yak! masusuka na yata ako sa usapan =_=

"Ladies kung abs din naman ay hindi ako magpapatalo jan!" sabi naman ng tinatawag na Ten

"Sige Ten, ipakita mo abs mo sa girlfriend ko, sa kapatid ko at sa fiancee ni Reino, iihawin kitang buhay" sabi ng tinig sa likuran namin, napatingin ako sa direksyon ng boses, wah! ang kuya ko!


"Rigid!" sambit ni Ran at dali daling dinamba ang kuya ko, oo ganun sila magbatian, sabik much? =_=

"Ran! You uncouth beast! nabali yata buto ko!" reklamo ng kuya ko, napangiti lang ako, buti pa sila sweet, samantalang kami ni Aston =-= ilang chapters na oh! hindi pa kami nagkikita! papaslangin pa yata ako ng kumag na yun sa pagkamiss sa kanya eh.

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now