The New Lena...weh?

39.2K 509 37
                                    

*Note: wahehehe wala lang, alas-dose na kasi dito kaya umaariba nanaman ang kapraningan ko! okay go push! nawiwili ako sa kwentong ito eh hehehe.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tengene naman oh...ang sakit sakit na ng buong katawan ko, feeling ko binugbog lang ako sa lintik na spa na ito eh huhuhu...spa spa spak yata itong letcheng ito eh TT^TT wait...teka nga tapos araw araw daw si Rigid dito? ngayon no doubt na ako, isang certified masochist ang kapatid ko! Una girlfriend niya si Ran tapos eto ganito araw araw? shet naman oh =_= hindi ko alam na kelangan palang napasakit magpaganda! huhu.

"Ma'am this way po tayo.." sabi ng isang attendant, naku ano nanaman kayang pambubugbog ang gagawin sa akin dito? tengene naman oh! ayoko na yata...aha! alam ko na! sabi ni mommy kelangan daw nakauwi na ako before eight! magpapalusot nalang ako kay ninang! hehehe I'm such a genius! masayang sinulyapan ko yung orasan pak! O_O 5:30 palang? pesteh akala ko seven na! TT^TT two and a half more agonizing hours! teka author mali naman yata yang oras mo eh kanina lang nanonood ako ng gumiho tapos bakit 5:30 palang?? (eh bakit ba? pakealam mo?) tengene itong author na ito pinagkakaisahan nila ako! waah! ayoko na! magsusuicide nalang ako, tapos bigla kong naramdaman nauntog pala ako sa pinto. Sinapo ko yung nasaktan kong bumbunan ang tanga tanga ko talaga. O sige na ako na tanga, as if naman kasalanan ko di ba? =_="

Naglakad lakad lang ako habang sinusundan ko yung babaeng sabi niya eh sundan ko daw siya. HIndi naman nakakahiya na ganoon yung suot ko dun, naka baby pink ako na robe tsaka twalya sa ulo ko, feeling ko ang kinang kinang na nun mukha ko, yung parang bumbilyang bagong bili ba? Naisip ko bigla si Aston, saan kaya nagsuot yung gunggong na yun? ah! bakit ko ba iniisip yung masamang nilalang na yun? eh hindi naman yun worth ng oras ko ano? tino-trouble ko pa kasi ang sarili kong isipin yun. hmp.

Nakarating kami sa isang kwarto na mukhang parlor. Andun si ninang as usual mukha parin siyang gypsy. 

"Ano na ang nagawa sa kanya?" sabi ng ninang kong baliw ata, makapagsalita naman para namang nirape ako =_= ang morbid talaga ng author na ito, batuhin kita ng tansan jan eh. (tse!) 

"Ma'am na wax na po siya tapos po facial at massage na din" sabi nung babae, eto naman parang isa lang akong karne na minarinate, tsk mga abnormal ba talaga mga tao dito? eh parang mas matino pa yung mga walang kamalay malay na tutubi kesa sa mga ito eh tsssk.

"O siya, medyo gumagabi na, gupitan niyo nalang siya tapos irebond niyo...mas bagay siguro niya yung full bangs ano? magmumukha siyang anime!" sabi ng ninang ko, watdapak! si ninang? jurassic era ito eh uma-anime? eek nakakatakot yata isipin yun ah! naisip ko tuloy siguro si ninang nung kabataan niya um-a-attend pa ng cosplay. Teka? may cosplay na kaya nun? :O ah bahala na...ayun pinaupo nila ako sa upuan (malamang diba?) tapos habang ginugupitan ako at nire-rebond nila yung mahaba ngunit walang direction kong buhok at may alalay si ninang na nagdala sa akin ng laptop computer tapos kung anu-anong link sa youtube ang pinanood sa akin, how to apply make-up, skin care etc etc. nakakahilo pero in fairness ha? ganun pala yun, pagkatapos habang kinu-cure (ganoon talaga yung term eh noh?) nila yung buhok ko, tinuruan ako ni ninang na gumamit ng eyeliner, liquid tsaka pen yun daw ang basic eh. 

"O kamusta siya?" narinig kong may nagsalita sa likuran ko. Si mommy pala.

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now