Disastrous Day

63.9K 870 120
                                    

*note: continuation po ng aking kapraningan, tonight ko na po i-update yung Meeting Lucy ha? (anu ba yan nag plug pa?) o sige eto na oh! hehe salamat!

_________________________________________________________

Ayun, paggising ko, puting kisame na yung namulatan ko, medyo blurred kasi hindi ko pa suot yung dyaskeng salamin ko...teka nga ano ba ang nangyari sa akin? wag mong sabihin continuation ito ng tulog ko na binulabog ng aking pinakamamahal na madeer kaninang umaga?

Puting kisame? bigla akong napaisip, inaninag ko yung gumagalaw sa kisame, at anak ng butiki ka! dalawang butiking may ginagawang kabalbalan ang nabungaran ko! ang sarap batuhin ng lastiko tong mga imoral na hayop na ito at talagang sa mismong harapan ko pa talaga ginwa yang kabalbalan na yan ha? ng matapos ang kanilang maka mundong gawain naghabulan pa sila, nang biglang

plak! 

shet!!!!! nahulog yung butiki sa mukha ko, bigla akong napabalikwas ng bangon at sumigaw

"WWWWWAAAAAAhhhhhh~~~~!!!!! P+@ng !n@ mong malanding butiki ka! layuan mo ako!!! kyaaaaaa!!!!!!"  nagpumiglas ako habang nakapikit, oo alam ko madalas ay baliw ako at ginagawan ko ng love story ang mga dyaskeng butiki na yan pero kasi...takot ako sa kanila eh...lalo na yung bigla bigla eh napuputol yung buntot nila, naiimagine ko si Chuckie yung panget na doll sa horror na putol putol na yung katawan eh buhay pa din kaya hindi parin ako nagtigil sa kasisigaw, lalo na at sa mukha ko pa talaga lumanding ang bwisit na butiking yun! mukha na ba akong pader ha? at dun pa talaga kelangang kumapit??? nakakainis!!!

nang maramdaman kong may pumigil sa pagpupumiglas ko

"Miss calm down...miss! the lizard is gone" anang ng baritonong boses sa may tabi ko, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, I was greeted by a very handsome creature, t-teka Lord, napaisip akong bigla..anghel ba ito? may anghel sa lupa? o baka naman patay na ako? may butiking malibog kaya sa langit? napa-kurap ako bigla, at isa pa ulit, o sige tatlong beses ngunit hindi pa din naglaho ang magandang nilalang sa harapan ko, ah! hindi pala maganda napakakisig pala

"Miss okay ka lang?" bigla ay tanong niya habang ako naman ay napahawak sa balakang ko, baka kasi nahulog na yung panty ko sa sobrang gwapo niya eh! grabe nakakahiya ako, tumutulo na ata yung laway ko, nakanganga pa yata ako...nang bigla kong makitang sumilay ang mga magagandang ngiti sa kanyang labi...

"Miss don't gape at me too much, ikaw din baka isipin kong may crush ka sa akin" he smirked

biglang sumemplang yung imagination ko, okay na sana eh! tae! nuknukan ng yabang! kahit pogi pa! bwiset! nakakainis pa mandin yung mga ganoon, alam mo yun bang panira ng pangarap? ganun yun eh! tsss.... bigla akong bumangon kahit pa medyo nahihilo pa din ako, kasi nga wala yung salamin ko, pero kasi ayokong makipag associate sa mga taong katulad niya, super turn off kasi eh...

"Hey miss wait, saan ka pupunta, you're not well yet!" anito tsaka pa humabol sa akin, hinarap kko siya bigla,

"Magpapakamatay...sama ka?" sabi ko, o ha? nagtataray na ang lola niyo! nakakainis kasi eh! ang yabang ng kumag! oo nga at may crush ako sa kanya KANINA!  pero ngayon no thanks! bwiset hmp.

"Hehe, tapos nun sa langit na?" anito at kumindat pa, waring lumaki yung ulo ko sa pagkakarinig nun! ang manyak ng potek! bigla akong napasinghap at pinulot ko yung unan sa may kama at binato ko sa kanya,

"Bastos ka ah!"

"Wait teka lang Miss! najo-joke lang naman ako eh...pero di nga? ayaw mo?" hirit pa nito...nakuuu makahanap ka ba naman ng saksakan ng yabang na nilalang na talaga namang ang sarap saksakin! 

"Akin na yung salamin ko!" sabi ko bigla ayoko ng patulan yung katangahan niya, hinablot ko na din yung bag ko mula sa paanan ng kama, 

"Ha?" anito

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now