Three is a Crowd Let it be Four!

25.2K 313 24
                                    

*Note: Natutuwa naman po ako, haha pero gusto ko po linawin na hindi po ito kwento ng buhay ko! Ang pangalang Lena ay import ko mula sa isang singer, ang pagkakalapit ng name namin ay purely coincidental actually pati yung name na Helena Elise ay kinuha ko lang din sa isang charcter ko sa SIGH eh hehehe, kase pag story po ng buhay ko ito magtatatatalon na po ako sa tuwa kung may isang poging pogi akong suitor na tulad ni Aston! (oo kahit isa lang basta katulad nila ni Reino solb solb na ako! Bwehehehe) Unfortunately wala po akong story sa buhay ko dito sa watty dahil panigurado walang magbabasa sa isang lovestory na boring at puro sawi! Bwahahaha! Saka na pag sing ganda na siguro ako ni Lena ;)


Aston’s POV

Define bwiset! Hahalikan ko nalang si Lena eh! Panira sa diskarte ang lecheng Hasikawa na yan! Inagaw niya bigla ang limelight sa napakaingay niyang gitara! Tuloy ay nagulantang kami pareho ni Lena! At mukha namang nailang ito bigla at iniiwas ang mukha sa akin! Shit! Grr! Sumosobra ng kaepalan ng Reino na yan ah! Mapapatay ko na yan! Konting konti nalang!  +_+ lumingon ako sa stage kung saan ito kumakanta at pandagdag ba sa inis ko din ay nakita ko itong nakangisi sa akin! Ang sarap batuhin ng bola! Barilin nalang kaya?! Sino meron jan? peram naman ako! Pag tinamaan ka nga naman ng lintik oh!

Ahh! Hayaan mo na nga! Letse! Panira ng diskarte ko! Bwiset! Liningon ko si Lena na ngayon naman ay nagaayos na ng makakain namin

“Lena, ulit! Panira yung Reino na yun eh!” sabi ko sa kanya, lumingon ito sa akin, magkasalubong ang kilay

“Ano’ng ulit  pinagsasabi mo jan bugbugin kita eh! Kumain ka na nga lang jan pede?” sabi nito

“Eh ba’t ka nagbablush...uyy” sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya, pero ang sadista kong iniirog nga naman hinambalos lang ako ng basket! Tignan niyo? Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko ito samantalang napakasadista! Ay oo nga pala! Kasi naman eh bumubigay naman ako agad, dapat pala ang acting ko ay hindi ko siya maalala! Eh  paano ang cute cute cute cuuute niya kase!

“Ikaw Lena ah! Sumosobra ka na! purket nagiging mabait ako sa iyo eh, kaya siguro hindi kita maalala kase ang sama sama mo sa akin” sabi ko, pero wala yata talagang puso ang babaeng ito dahil imbes na makonsensiya eh bigla nalang akong pinasakan ng kutsara sa bibig

“Tama na ang datdat! Kumain ka na nga lang jan!” sabi nito sa akin sadista talaga di ba? Buti nalang mahal ko siya, tengene korni na kung korni inggit lang kayo! Bakit ba? Napangiti ako, thank goodness I remembered her. The missing part of my life. Napahawak ako sa hikaw ko, ang hikaw niya..kahit masakit nun nagpa pierce ako ng tenga para lang hindi ko mawala ang hikaw niya. Babaero man ako, alam ko siya lang talaga.

“O ba’t ganyan ka makatingin?” sita nito sa akin

“Wala! Iniisip ko kung paano kita maaalala eh baka mauna mo pa ako’ng mapatay” sabi ko, umirap naman ito

“Eh paano ikaw! Ang landi landi mo! Pacute ka ng pacute eh hindiakosanaysamgaganyan” sabi nito pero hindi ko narinig ang pagkakarinig ko sa sinabi niya eh

“Eh paano ikaw! Ang landi landi mo! Pacute ka ng pacute eh hjbsdfewdhfvjef” oo yun yun! Kung hindi niyo maintindihan, aba eh! Kayo na bahala! Kelangan siguro bawasan ko pagiging mabait ko kay Lena para convincing ang acting ko di ba? Pero paano kaya yun? Ang cute cute niya kase eh!

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now