The Teacher #35

24 3 0
                                    

The Teacher #35





Jesse and Lou Moment






Lou's Pov

Ang pag mamahal hindi naman naituturo yan eh, kusa yang dumarating at nararamdaman ng isang tao.

Pag nagmahal ka wala yang preno na kahit anung gawin mo hindi yan titigil ng basta basta.

Basta ang mahalaga nalaman mo kung ano ba talaga ang salitang pag ibig. At kung paano mo ito ipapakita sa taong mamahlin mo in the near future.


.




.




.



Karamihan ng sakit na napagdaranan may katumbas na matututunan at may katumbas na kasiyahan.

May mawawala man sa buhay ko, may kapalit naman na dumating. At yun ay ang mga kaibigan ko ngayon. Nawala man siya ng ilang taon sa buhay ko, pero muli siyang bumalik. Akala ko noon hindi na magtatagpo ang mga landas namin sa mahabang panahon, pero mali ako. Mapaglaro nga siguro si tadhana at gumawa siya ng paraan para magkita ulit kami. Nung una aaminin ko may saya akung naramdadan pero may parte sa puso ko na sobrang sakit. Sakit na marahil ay dulot ng nakaraan. Pero ngayon, masaya na ako sa piling niya. Siguro nag level up nga yung relationship namin. Dahil narin siguro sa pareho na kaming nagmatured. Kung may mga pagsubok mang dumaan siguro kaya na naming harapin yun ng hindi tinatakasan. Dahil kung mahal ninyo ang isa't isa kahit anung problema man yan makakaya ninyong harapin ng magkasama.

"Tara maglakad lakad muna tayo." Anito at hinawakan ang kamay ko.

Napangiti nalang ako at tumayo mula sa pagkakaupo.

Naglakad lakad kami sa may dalampasigan.

"You know! I'm so happy to be with you again" Tumingin siya sa akin at napahinto kaming dalawa sa paglalakad.

"Pareho lang naman tayo ng nararamdaman eh." Sabi ko ng nakangiti.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang dalawa kung kamay. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa. Napatingin ako sa mga mata niya, kasabay ng pagngiti niya ang pagngiti din nga mga mata niya.

"Hindi na kita iiwan pa Lou, kahit anung mangyari nandito lang ako."

"Hindi ko narin namang hahayaang mawala ka sa akin eh." Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata niya. "Tama na yung isang beses na napaglayo tayo ni tadhana. Tama na yung sakit na naranasan nating dalawa" ngumiti ako sa kanya "pwede bang maging masaya naman tayo ng mag kasama, dahil habang hawak natin ang kamay ng bawat isa." Nakangiti kung itinaas ang kamay naming dalawa "Alam kung walang bibitiw.. dahil kahit mahirapan pa tayo, basta hawak nating pareho ang mga kamay ng bawat isa, makakaya natin harapin ang bukas ng magkasama.." Niyakap niya ako at sinuklian ko naman ang yakap niya. "Ikaw at Ako ay pinagtagpo dahil alam ni tadhana na tayo talaga ang nakatakda para sa isa't isa."

"Ang swerto ko dahil sa pag iwan ko sayo, nagawa mo akung mapatawad at ngayon ay nagawa mo ulit akung mahalin."

"Sabi ko nga noon, nasaktan man ako, nagalit sa ginawa mo. Pero nanaig pa din sa puso ko yung pamamahal ko sayo. At sabi ko nga sayo dati.. hindi matatabunan ng sakit ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo. Dahil kahit anung paglimot ang ginawa ko sayo hindi ko nagawa, dahil narito ka pa din sa puso't isip ko." Maslalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Ang lahat ng yun ay hinding hindi magbabago. Dahil dun ko napatunayan kung gano kita kamahal Jesse." Sagot ko sa kanya.

"Walang oras oh araw na hindi kita inisip. Siguro nga pinaglayo tayo ni tadhana ng panandalian para malaman talaga natin kung gano natin kamahal ang isa't isa. Kung hanggang saan tayo dadalhil ng pag ibig natin sa bawat isa. Si tadhana ang naglayo sa atin at si tadhana din ang gumawa ng paraan para magkita at magtagpo ang mga landas nating dalawa."

Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko ngayon pero basta ang alam ko lang masaya ako ngayon.

Masaya na narito ulit siya sa tabi ko, at patuloy akung minamahal at inaalagaan.. ang pagmamahal namin sa isa't isa ay hindi nabawasan. Bagkos ay lalo pa itong nadadagdagan habang tumatagal.

Ito ang masaya sa isang relasyon.. yung alam mung mahal ka niya at mahal mo din siya.

Mula nang bumalik siya sa buhay ko, araw araw niya akung pinapasaya. Walang araw na hindi siya bumabawi sa pag iwan niya sa akin nun. Sweet siya sa paraan kung paano niya ito ipakita. Wala ding araw na ginagawa niya ang bumawi sa lahat ng pagkukulang niya.

At sa lahat ng ginagawa niya, hindi ako nagkamaling binigyan siya ng panibagong pagkakataon na mahalin ako at mahalin ko din siya.

Sa ngayon ang masmahalaga para sa akin na magkasama kami, at walang kahit na sino ang makakapagpahiwalay sa aming dalawa.

Humiwalay siya sa pagkakaakap sa akin at tinignan ako sa aking mga mata. "Always remember that i will never leave you.. and I will always Love you." Anito.

Ngumiti ako at tumangon sa kanya.. "Lagi mo ring tatandaan na nakahawak lang ako sa mga kamay mo kahit anung mangyari. Hindi kita bibitawan kahit mahirapan pa ako. Dahil mahal kita gaya ng pagmamahal mo para sa akin."

Hinawakan niya ang magkabila kung pisngi at dahan dahan akung inilapit sa kanya at hinalikan ako sa noo. Napapikit nalang ako dahil sa ginawa niya.

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang kamay ko "Tara na" ayan niya at nag umpisa ulit kaming maglakad dito sa dalampasigan.. sabi nga holding hands while walking ang peg naming dalawa.





Ang lalaking katabi ko..



Ay ang taong handang harapin ang bukas ng kasama ako.



Na handang harapin ang mundo para lang ipaglaban ako.


Harangan man kami ni tadhana at pilit na paglayuin.. hindi kami susukong lumaban.




May tiwala kami sa isa't isa at yun ang mahalaga.



At hanggang mahal ko si..





Jesse..





Patuloy kung ipaglalaban ang nararamdaman ko para sa kanya.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon