New Life #29

12 3 2
                                    

New Life #29


**Confrontation**




Di talaga mawawala ang thrill sa buhay kung walang problema. Nabuhay ka para matuto, hindi para mag-relax..

Bago ako lumabas ng kwarto ko.. tinignan ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. This is it. Panahon na para makapagpaalam ako ng maayos. Ito na rin ang tamang oras para tanggapin ang katotohanang iiwan ko sila. Masasaktan oh malulungkot man sila alam kung maiintindihan nila 'to.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan hindi ko maiwasang hindi mag isip. Sa ngayon nawiwindang pa din ako sa sobrang bilis ng pangyayari.. pero kahit ganun masaya ako. Kahit sa panandaliang panahon nakasama at nakilala ko sila ng husto. Aalis ako na masaya ang bawat isa sa piling ng mga mahal nila. Hindi ko man mahangad ang forever ko, basta may forever sila okay na ko.

Sa totoo lang isa ako sa hindi naniniwala sa FOREVER. Hindi dahil BITTER ako! Dahil ang forever tayo ang gumagawa niyan. Pero nung nakilala ko ang taong mahal ko at mga kaibigan ko, dun ako naniwalang may forever..

FOREVER na pagmamahal ni GOD sa ating lahat.

FOREVER na pagmamahal sa PAMILYA..

FOREVER na pagmamahal sa mga KAIBIGAN..

FOREVER na pagmamahal sa TAONG MAHAL MO..

May Forever man oh Wala lagi ninyong tatandaan.. Tayo ang gagawa niyan, dahil buhay natin ito at sa atin nakadipende ang lahat.

Pagbaba ko ng hagdan walang tao sa salas, pero narinig ko ang malakas na tawanan nila sa may garden.

Lumabas ako para makita silang lahat. Masaya silang nagtatawanan kasama ang mga taong nagpapasaya sa kanila.

Mawawala man ako sa piling nila. Hindi naman sila papabayaan ng mga lalaking katabi nila.

"Gosh i can't believe it, binigyan ka ng Chance ni Anne! Alden" -Cris

"Napagtanto kasi ni Anne, na mahal din niya ako." -Alden

"Ang kapal talaga ng muka mo Alden" -Anne

"Iba talaga magpakita ng pagmamahal ang mag best friend sagad sa buto ang ka-sweet-tan" -Thea

"Parang hindi kayo ganyan ni Paul" -Lou

"Masharsh si Thea jan! Damang dama mo talaga ang pagmamahal niya. Hahaha" -Paul

"Nako basta walang tatalo love at first sight na Love Story nila James at Zik" -Joy

"Mas bonga kaya yung panghaharana sayo ni Nikko sa harap ng madaming tao, para lang mapatunayan ang pagmamahal niya sayo! Para makuha ang matamiss mung oo" -Zik

"Wala din akung masabi sa ginawang pagtatapat ng kakambal ko na si Christian sa harap ng barkada para makuha ang oo ni Cris." -Jesse

"Di masgrabe yung ginawa mo para lang mapatawag ka ni Lou sa mga ginawa mo at makipagbalikan ka sa kanya. Pati kami ni Christian dinamay mo sa mga kabaklaan mo. Hahaha" -Nikko

"Oh yeah i remember that. Hahaha" -Christian

"Pero masaya ako na nasaksihan ko yung moment nila Alden at Anne, Christian at Cris." -Paul

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon