Second Chance #21

11 3 2
                                    

Second Chance #21

**I Think Im Fallin In Love**

Anne's Pov

Mukang kakaiba ang kinikilos ni Zik ngayon. Mula ng dumating siya dito sa bahay kahapon hindi na natangal yung mga ngiti niya sa kanyang labi. Mukang may nangyari atang maganda kahapon.. pero ang pagkakanda ko, nagmamadali siyang pumunta sa Hospital kahapon kasi may Emergency eh mukang wala naman.. kasi ang saya naman niya nung dumating.. hmm nakakapagtala ata ang kinikilos niya ngayon..

Tulad nalang ngayon, bihis na bihis siya at mukang may inaantay habang nakaupo dito sa sofa. Actually kanina ko pa siya pinagmamasdan pero hindi siya mapakali..

"San ang lakad natin Zikky?" Napatingin ako sa nagsalita.. it's Lou..

"Kila Ma'am Isabella" nakangiting sagot niya.

"Kaya pala dala dala mo yang painting na ginawa mo.." sabi ko habang nakatingin sa paper bag na hawak niya.. actually malaki yung paper bag, eh medyo malaki din kasi yung painting..

"ah oo.. ngayon ko na to ibibigay"

"Ang galing mo talaga pagdating sa mga ganyang bagay.. sana may talent din ako gaya ng sayo" Napatingin naman ako sa bagong dating ang its Livie.

"Nako ikaw talaga Livie.." Halos matawa ko sa itsura ni Zik namumula kasi yung muka niya.

"Nga pala may tao sa labas.. Dalawang lalaki." Ani Livie sabay akyat nang hagdan.

Napatayo naman agad si Zik at tumakbo palabas ng bahay.. Nagkatinginan nalang kami ni Lou at sabay nagkibit balikat.

"Tuloy kayo.."

Napatingin ako sa kapapasok lang na si Zik at sa mga kasama niya..

Oh my Goshhh.. siya yung sa Church ah.. bulong ko sa sarili ko.

"Upo muna kayo."  ani Zik sabay upo sa tabi ko.. pero still hindi parin matangal yung tingin ko sa isa sa mga lalaking kasama niya.

"Thank you" nakangiting sabi nung dalawang lalaki..

"Nga pala sila Lou at Anne mga kaibigan ko." Rinig kung pagpapakilala sa amin ni Zik sa mga kasama niya kaya napatingin ako kay Zik..

"Hmm si James yung apo ni Lola Isabella (turo niya sa lalaking nasa kabilang upuan) at si Enrique kaibigan ni James (turo niya sa lalaking katabi nung James)." Ani Zik..

"Hi Girls." Nakangiting bati ni James.

"Nice to meet you Girls." Gaya ni James nakangiti din si Enrique sa amin.

"Teka ikaw yung sa Church di ba?" Napatingin naman ako kay Lou at sa kinakausap niya. "Yung nakabangaan ni Zik?" dagdag pa niya..

"Oh yeah.." nahihiyang sabi ni James.

"Wow ang liit talaga ng mundo." Manghang sabi naman ni Enrique.

"Tama ang liit nga ng Mundo.. napagtagpo tagpo niya tayong lahat." Sagot ko..

"Girls baka gusto niyong sumama sa amin?" Tanong ni James..

"Oh yeah mukang masaya yun kung marami tayo." Masayang sabi ni Enrique.

"Hmmm hindi ako pwede eh." Sabi naman ni Lou "may lakad kasi kami ni Jesse."

"Oh so may Date ka pala." Ani Enrique "how about you Anne?" Tanong niya.

Napaisip naman ako.. May gagawin ba ko ngayon? Hmmm mukang wala naman.. tska may gusto kasi kung malaman kung tama nga ang hinala ko about dito kay Enrique. Siya talaga yung nakikita ko sa Church tuwing Sunday, pero ang pinagtataka ko lang bakit parang dalawa sila? Kaya dapat kung malaman kung may kakambal ba siya o wala.. para manahimik na din ang isip ko.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon