Friendship and Love #8

27 3 4
                                    

Friendship and Love #8

**Surprises and Forgiveness**
**Part 1**

Joy's Pov

"Hey!! Are you okay?" Napatingin ako sa katabi ko.

"Yeah i'm Okay." Sagot ko sabay tingin sa labas ng kotse.

"Parang ang lalim ata ng iniisip mo." Aniya.

"Wala naman." Sagot ko.

"Sure ka?" Anito. Pero mahahalata mo sakanya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Sila kasi eh." Nakayukong sabi ko.

"Why? What happened?" Nagtatakang sabi niya.

"Hindi nila ako kinakausap. Tapos parang may tinatago pa sila saakin." Sagot ko. Halos maiyak na ko dito.

"Oh kaya pala di ko sila nakita kanina."

Napayuko nalang ako sa sinabi niya..

Oo ramdam ko naman eh, iniiwasan nila akung lahat. Wala nga akung nakausap ng matino sakanilang lahat mula kaninang umaga. Maging si Dang hindi ko nakausap ng maayos dahil halos maghapon silang nakakulong sa kwarto nung dalawa. :'(

"But don't mind them, baka over thinking ka lang. I'enjoy mo nalang ang pamamasyal natin." Nakangiting sabi niya..

Yang mga ngiting yan ako nainlove sakanya eh, pero kung hindi ako natamaan dun sa isa ngayon. Malamang patay na patay pa din ako sakanya maging ngayon..

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya..

"Sa Blue Land" aniya..

A/N: (Blue Land, parang EK po ito hahaha pinalitan ko lang. Tska tutal fav. Ng twins ang color blue kaya blue land nalang XD)

"Bakit dun?" Nagtataka kung tanong.

"Ayaw mo?" Balik niyang tanong saakin..

"May sinabi ako?" Pagtataray ko sakanya.

"Wala" anito.

"eh wala naman pala eh." Sagot ko.

Grabe talaga ang isang to, may balak pa kung barahin pero syempre di ata ako magpapatalo whahahaha..

"Jesse" Tawag ko sa panglan niya.

"Yes??"

"Bakit ka nagpupunta sa School namin?" Out of the blue naitanong ko din. Hindi ko alam pero gusto ko talagang malaman kung totoo ba yung hinala ko.

"Because of someone." Seryosong sabi niya.

"Kilala ko ba siya?"

Napatingin ako sakanya at biglang sumeryoso ang muka niya.

Pagkatapos ng ilang minuto sinagot din niya ang tanong ko.

"Yes"

Hindi muna ako nagsalita. Parang habang sinabi niya yung salitang YES ay sakit siyang naramdaman.

"Si Lou ba?"

Ito na rin siguro yung tamang panahon para itanong ko ang mga bagay na to sakanya.

Tumingin siya saglit saakin at ngumiti ng mapait. Hindi na siya makakapagsinungaling sa akin dahil halatang halata na siya..

"Yeah" tipid niyang sagot at tumingin ulit sa harap.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?"

"Ayokong pag usapan ang mga bagay na to Joy." Anito.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon