Someone Like You #18

20 2 0
                                    

Someone Like #18

** At The Church **

Natapos nanaman ang isang araw ng trabaho... Nakakapagod pero masaya.. masaya kasi alam kung nakakatulong ako sa may mga sakit at nadudugtungan pa ang buhay ng mga ito. Pero minsan hindi rin maaalis sa akin/sa amin na malungkot, lalo na kung hindi na kayang mailigtas ang pasyente.. ang sakit lang sa damdamin.. >_<

"Nurse Zik.. di ka pa ba uuwi?" Tanong ni Nurse Marie.

Umiling ako habang nakangiti "Mamaya pa Nurse sisilipin ko muna si Ma'am Isabella." Sagot ko.

Madalas ko kasing silipin si Ma'am Isabella tuwing pagkatapos ng duty ko. Nakasanayan ko na kasi, gusto ko din kasing masigurado kung okay lang ba siya bago ako umuwi.

"Kung ganun una na kung umuwi.." anito.

"Sige.." sabi ko at nakipagbeso beso sa kanya.

"Bye" aniya at kumaway habang ito ay paalis..

Kumaway nalang din ako sa kanya. Nung natanaw kung nakaalis na siya, naglakad na din ako papunta sa Room ni Ma'am Isabella..

Sumilip ako sa pinto at nakita kung tulog na si Lola, at mukang napakahimbing ng tulog niya ngayon. Pero nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na naupo ng nakatalikod sa kinaroroonan ko. Nakaharap ito sa bintana at mukang siya lang ang nagbabantay kay Lola Isabella ngayon. Ngayon ko lang siya nakita, siguro siya yung apo ni Lola na sinasabi niya kanina. Sayang lang at nakatalikod ito.. hindi ko manlang nakita yung itsura niya *pout*

Teka ano ba yung iniisip ko?? Umiling iling ako at marahang isinara yung pinto. Baka pagkamalan pa kung stalker sa ginagawa ko.

Naglakad nalang ako palabas ng Ospital. Mag t'ten na din ng gabi kaya kailangan ko ng makauwi. Sunday na pala bukas at araw naming magkakaibigan yun para mag Simba. At change ship na ulit kami, kung kanina 9:00 am to 8:00 pm ang pasok ko. Sa Sunday night naman ang pasok ko 9:00 pm to 8:00 am.. Gets ninyo? Kung hindi hayaan na ninyo -_-

.

.

.

.

Pagpasok ko ng bahay nakapagtataka bukas pa ang ilaw. Dati kasi pag uwi ko patay ang ilaw kasi tulog pa na ang lahat, at ngayon lang ata may gising pa.

Pumasok ako ng bahay at bumungad sa akin si Livie at mukang tulala. Mukang hindi niya napansin ang pagdating ko.

Isinara ko yung pinto at lumapit kay Livie. Umupo ako sa harap niya pero para wala siyang nakikita. Bakit ba ang lalim ng iniisip ng isang to? Tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa hawak niyang papel.. nagsusulat pa din siya sa ganitong oras? Pero teka parang may mali ata.. sabi ko..

May nabasa kasi akung I'm sorry Sassy Girls.. at maslalo pa kung lumapit sa kanya para mabasa ko ng mabuti yung nakasulat pero bigla siyang nagsalita..

"T-teka Zik anung ginagawa mo dito?" Aniya.. bakas ang pagkagulat sa boses niya.

Napatingin naman siya sa mga papel na tinitignan ko at mabilis niya itong tinago.

"Ano yun Livie?" nagtataka kung tanong..

"H-ha? Ang alin?" anito.

Tinuro ko naman yung papel na itinago niya "yun.."

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon