BTS 86- Subic round 2 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Kath: Si DJ nakapambahay pa rin. Mags-shorts lang naman sila diba? Baka nakabihis na sila.

Jem: Si—

Kath: Ay si Lester naman lumalangoy na.

Girls: *laugh*

Gaby: Excited naman yun eh. LAGI.

Kath: Alam niyo ba ginulat niya ako kanina. Kamuntikan na akong nahulog sa pool.

Daezen: Kung ano ano talaga naiisip nun no?

Jem: Buti naman hindi ka tuluyang nahulog?

Kath: Hindi hinila niya ako eh. -_____-‘ Bwisit talaga yun.

Gaby: Ikaw nga laging iniinis eh hahahaha!

Kath:Oo nga badtrip.

Daezen: Teka? Bakit namumula yang hita mo?

Kath: *tingin sa lap* Halata ba?

Jem: Oo nga no?Anong ginawa mo diyan?

Kath: Nakagat yata ako ng lamok eh.

Gaby: Hala ka. Lagot ka kay tita Min.

Kath: *giggling* Hindi yan.

Daezen: Oo kaya. Lagi nga niyang sinasabi kay DJ na hindi ka pwedeng makagat ng lamok diba?

Jem: Oo nga. Lagot din si DJ *giggling*

Kath: Sus. Hindi yan big deal kayo talaga.

Gaby: Big deal kaya. Artista ka nga diba?

Kath: Pssshh. Normal na tao rin ako. Kinakagat ng lamok, nasusugat at kung ano ano pa. Ano ba kayo.

Daezen: Kaya mahal na mahal ka namin eh. Super nakatapak pa rin sa ground yang paa mo. *smiling*

Gaby: Oo nga eh. Kayong dalawa ni kuya DJ actually. Kasi kung mayayabang na kayo,wala na kayong balak balikan pa yung non-showbiz friends niyo pero kita mo, twice na tayong lumabas together. Tska kapag nasa Manila, gumagawa talaga kayo ng time para magkaroon tayo ng bonding time. Ang ganda kaya sa feeling nun.

Jem: Feeling namin soooobrang special namin kasi mismong mga artista talaga kasama namin. At take note, hindi lang basta bastang artista ha? Pinakasikat na loveteam pa.

Kath: Asuuuus! Kayo talaga siyempre no. Hindi naman kami magiging mayabang ni DJ at lagi naming nireremind ang isa’t-isa na babalik at babalik kami sa pinanggalingan namin.

 

Biglang nagbukas yung door namin..

Lella: Ate Kath tara na!

 

Nakaswimsuit na si Lella, hahaha ang cute niya. Excited talaga to eh kanina pa XD

Kath: Wow! Ang ganda naman ng swimsuit ng baby girl ko.

Lella: Talaga ate? Halika na ligo na tayo.

Kath: Osige sasamahan nalang kita sa labas.

Lella: Hindi ka ba magpapalit ate Kath?

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon