Naramdaman kong abnormal na pumintig ang puso ko. Like a drumset is playing inside. Humawak ako sa dibdib ko.

I grabbed a glass of water and drank half of it. What the hell?

Yes, I already talked to guys but not like the talk I had with him. Laging tungkol sa trabaho o di kaya naman ay tungkol sa hindi personal na bagay.

But this one's different. I managed to talk about something personal. At sa madilim na parte ng veranda pa iyon nangyari. I can't believe myself.

Right. I have never been attracted. Not even when I was in college or highschool.

My heart never thumped abnormally whenever I talk to guys but this one? I don't know.

Kung attraction ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso ko kapag nandyan ang lalaking iyon, hindi ko alam.

I'm disgusted with the whole thing about attraction. I refuse to acknowledge it.

Labinlimang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin nakabalik si Vidette dito sa ibaba. Nagpasya akong umakyat na muna para mag-shower.

I walked passed Teacher Loidel's room. Tuluyan ko na sanang lalampasan iyon nang marinig ko ang boses ni Vidette. Bahagyang nakaawang ang pinto.

"Ma naman? Alam niyo namang hindi ako bihasa sa farm. Ano namang maitutulong ko?" Halata sa boses ni Vidette ang iritasyon.

"Selyo will help you with it. At saka 'yong anak niyang isa, nandoon. Tutulungan ka nila. Kailangan kong umuwi ng Zambales. Your lola needs me," sagot ni Teacher Loidel.

Imbes na ituloy ko ang pakikinig ay dumiretso na ako sa kwarto. Nakaka-curious ang usapan nila kaya magtatanong na lang ako mamaya kay Vidette.

Wala pang dalawang minuto nang makapasok ako sa kwarto namin ay agad siyang sumunod. She's frowning.

"Eyebrows furrowed. Not really a good sign," salubong ko sa kanya habang kumukuha ng damit sa cabinet.

Bumuntong hininga siya bago sumalampak sa kama. Her lips pursed.

"Paris, hindi ako makakabalik ng Manila." Mariin siyang nakatingin sa direksyon ko.

"Hindi ka makakauwi? It's okay. Kaya ko naman mag-byahe nang—"

"No... Hindi na ako makakabalik doon. I need to take over the farm, Paris..." Tinakpan niya ng kanyang braso ang kanyang mukha.

Is this why she sounded annoyed? Ang alam ko kasi talaga ay hindi sanay si Vidette sa mga gawain sa farm. Sa tuwing isasama kami doon ni Teacher Loidel, mas nag-eenjoy ako kaysa sa kanya.

"Mom will go back to Candelaria... Hindi daw niya alam kung kailan siya babalik. Walang maiiwan sa farm. At dito... Sa bahay," dugtong niya.

Walang maiiwan dito sa bahay. Dito, sa bahay kung saan ako lumaki. That means... I should take charge, too.

"Gaano ba katagal mawawala si Cher Loidel?" Tanong ko. Lumapit ako sa kinahihigaan niya.

"Iyon nga, e. Sa tingin ko dito muna ako magre-reside."

Right then and there, I knew to myself that I should stay, too. Pwedeng-pwede akong maghanap ng trabaho dito. At may ideya ako agad.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Where stories live. Discover now