"Ang sama sama mo talaga, Con. Hindi naman porket grade six na tayo ay uutus-utusan mo na lang sila," sabi ni Celine ng tumatawa.

Hindi ako nakisali sa pagtawa niya. Tinamad na akong makipag-usap ngunit tumango pa rin ako para sumang-ayon.

"Hey! I did that for you," ani Conrad at nagmamalaki pa. Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay sa akin pala siya nakabaling. "You like cheese cake, right, Elaine?" tanong niya sa akin.

Ngumuso ako para mapigilan ang ngiti. What is wrong with me? Naiirita ako sa kanya pero nabanggit lang niya ang paborito kong pagkain ay nawala na agad iyon? I'm crazy.

Hindi ako sumagot at sa halip ay bumaling sa labas. Ang kawawang batang inutusan ni Conrad ay pabalik na. Hindi ito magkandaugaga sa pagdala ng mga hawak na pagkain. Tumayo ako at pinuntahan siya. Kinuha ko ang ilan sa mga dala niya para lang matulungan siya.

Ngumiti ako sa kanya. Tumunganga siya sa harap ako. Ang tangkad ko ay hindi umubra sa kaliitan niya. He's so small. He's just grade four based on the color of his ID lace. Nakasimangot siya ngunit unti unting ngumiti nang makita ang pagtulong ko.

"Baka magalit po ang kaibigan niyo," sabi niya. Yumuko siya at naawa naman ako.

Nabigla ako sa pag-iwas niya ng tingin sa akin lalo na sa takot sa mga mata niya. "Don't mind him. Next time, 'wag ka nang susunod sa utos niya," sabi ko. "He's nice naman kaya lang makulit minsan." Hindi ko napigilang ipagtanggol ni Conrad. He is still my friend. At totoo naman kasi ang sinabi ko.

"Bakit siya ang pinagdala mo?" napatalon ako sa gulat nang magsalita si Conrad. He's already standing beside me and he's glaring at the kid.

Huminga ako ng malalim at matalim siyang tiningnan. "Stop it, Conrad. Kawawa 'yong bata," matapang kong sambit.

Ang ngiti ng bata ay naglaho. Mas lalo siyang napayuko at umatras sa takot. I know how this feels. Kaya kakampihan ko ang bata dahil kagaya ko siya noon. Why would I keep quiet if I can speak out and tell him he was wrong?

Lumipat ang tingin sa akin ni Conrad. Kunot-noo niya akong pinagmasdan. I can't stand his sharp eyes but I have to. Kailangan ito para malaman niyang ayoko ang ginawa niya at mali iyon.

He mumbled something I didn't understand. Kinuha niya sa kamay ko ang pagkaing dala ko at saka tumalikod.

Inirapan ko ang likod niya. I can't believe his attitude! Minsan hindi ko alam kung bakit kaibigan ko siya gayung ayaw ko sa mga katulad niya.

"Let me get that," baling ko sa bata. Nang maabot niya sa akin ang pagkain ay pinasalamatan ko siya. "Pasensya na sa kaibigan ko. Sa susunod, 'wag ka nang papakawawa. Hindi lang kay Conrad kundi sa iba rin. At 'wag mo 'tong gagawin sa iba. Alam mo ang pakiramdam kaya 'wag mong ipaparamdam sa iba."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi ko. Ang lalim ng pinanggalingan ko dahil ang lalim din ng dinanas ko. I just really hate bullies. And if Conrad is one of them, then I'd probably start to hate him too.

Tumango ang bata na parang sumusunod sa utos ng magulang matapos ay tumakbo na palayo. Bumalik ako sa kiosk habang sinasalubong ako ni Celine. Kinuha niya sa akin ang junkfoods na hawak ko. "Pagsabihan mo 'yang kapatid mo," sambit ko.

Busangot ang mukha ni Conrad at hindi ako tinapunan ng tingin nang ipatong ko sa harap niya ang paborito niyang Potato Chips at bote ng tubig. Ang makakapal niyang pilik ay tinatabunang maigi ang mga mata niya. Habang ganoong madili ang paningin ay itinulak niya sa mesa ang aking cheese cake na siya ang may dala. Hindi man lang umimik.

Pinabayaan ko ang pag-iinarte niya. I don't have time for his bad attitude.

"Sorry!"

Mabilis akong napalingon sa malakas at pamilyar na boses. Natagpuan ko si Conrad na nakatayo sa pinanggalingan ko lang kanina. Pauwi na ako at nasa labas na si dad para sunduin ako.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now