Part 78

21 0 0
                                        

Nagising si Maxene na hilong - hilong at nakaramdam na naman ng pagsusuka. Nagmamadaling nagtungo siya s C.R. at doon sumuka ng sumuka. Napaiyak at nakaramdam ng awa si maxene sa kaniyang sarili. Napaupo siya sa sahig at sinubsob ang mukha sa kaniyang mga palad. Doon umiyak siya ng umiyak. Kung pwede lang ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay matanggal sa pamamagitan ng kaniyang pag - iyak. Nasa ganoon siyang posisyon ng maramdaman niyang may humawak sa kaniyang balikat at humalik sa kaniyang ulo. Nag - angat siya ng mukha at lalong napaiyak ng mukha ni Johny ang masilayan. Nakita niyang tila pagot at puyat ang mata nito.

Nakatingin lamang siya dito ng magsalita si johny. " Ang dami - daming upuan sa labas ba't dito mo pa napiling maglupasay." Wala sabi - sabing binuhat siya ni johny. Napasubsob siya sa leeg nito dahil tila siya nahilo ng buhatin nito. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito. Dinala siya nito sa kama at maingat na pinaupo. Inaayos muna nito ang mga unan bago siya pinahiga. Ang sunod nitong ginawa ay naghubad ng pangtaas na damit at saka tumabi sa kaniya. Tumagilid ito paharap sa kaniya, yumakap at sinubsob ang mukha nito sa kaniyang leeg. Gusto niyang sigawan ito, sumbatan at sampalin ngunit di niya magawa.

"Start telling me the whole story sweety and don't just look at me!" turan nito na nanatiling nakasubsob sa kaniyang leeg.

"Wa - what are you doing here Johny." mahinang turan niya.

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Johny sa kaniya. "Pagod ako Maxene, nagmaneho ko ng 8 oras. Hindi ako nagpunta rito para makinig sa kung anu mang walang katuturang sasabihin mo."

Sandaling natahimik si Maxene at naawa sa kaniyang asawa. Nakalimutan na niya ang kung ano mang sakit na nararamdaman niya sa ngayon. Napahaplos siya sa buhok nito na lalong ikinasiksik naman ng ulo ni Johny sa kaniyang leeg.

"I'm pregnant, Johny!" mahinang turan niya.

"I know sweetheart.Thank you and tandaan mo na mahal na mahal kita. Kayo ng mga bata at ng magiging anak natin. I want to rest for now and we'll talk later. I love you so much, lagi mong tatandaan yan!" Ilang saglit pa at tanging mahinang paghinga na lamang ni Johny ang kaniyang naririnig. Hinayaan na lamang niya itong makatulog. Kasabay ng kaniyang malalim na paghinga ay kasabay ng pagpikit na rin ng kaniyang mga mata. Namiss niya ito ng sobra. Tanging gusto niya sa ngayon ay maramdaman ang yakap ng kaniyang asawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Started with a TextWhere stories live. Discover now