Part 41

49 0 0
                                        

Naiwang tulala si Johny habang sapo ang kaniyang dumudugong mukha. Ang ipinagtataka ni Johny ay ang dahilan ng pagkakasampal sa kaniya ng babaeng buntis."Nanloko kay Maxene?Eh siyanga itong linoko ni Maxene at isa pa para sa mga inaanak nito ang pagsampal sa kaniya!"sa loob-loob niya.Napailing siya at naglakad patungo sa kaniyang sasakyan.

"Anong nangyari sayo kuya?"tanong ni Kathleen sa kaniyang kapatid.Doon na si Johny para ihatid ang ibinilin ng kapatid.

"Ikuha mo nga ako ng pwedeng igamot dito!"utos ni Johny sa kapatid.Nagmamadali naman itong kumilos at dala-dala ang yelong nababalot ng maliit na tuwalya!

Si Kathleen na ang gumamot noon."Ano ba kasing nangyari, kelan ka pa kasi natutong maging basagulero!" tanong nito

"Since Maxene left me!" seryoso niyang sagot."Ouch!Dahan-dahan naman!"napadiin ang pagkakalagay ni Kathleen sa mukha nito.

"Sorry!Kuya, kelangan mong ipagpatuloy ang buhay mo. Huwag mong isisi sa kaniya ang lahat ng nangyari sayo!"

"Minahal ko siya Kathleen at ngayong nalaman kung ikakasal na sila ni Dante.Alam no kung anong mas masakit?Ang marealize na hanggang ngayon mahal ko pa rin siya at nasasaktan parin ako sa isiping ikakasal na siya at kailanman hindi pwedeng maging kami!"

"Ikakasal na sila ni Dante!"napatigil si Kathleen sa paggamot dito.

"Oo!At alam mo kung sinong may gawa nito?Akin na nga yan,ako ng gagamot sa sarili ko!"sabay kuha kay Kathleen

"Sino Kuya?Ay hindi mamaya mo na sagutin kong sino, kanino mo nalaman na ikakasal na sila?"naiintrigang tanong ni Kathleen.

Ilinapag muna ni Johny ang kaniyang hawak."Ininvite ako ni Vice na dumalo sa anniversary nilang mag-asawat sa---shit!" hindi matanggap ni Johny o makuhang sabihin na engagement nila Maxene.

"At ano kuya?"

"Enggagement party na rin daw ng nag-iisa niyang anak!At alam mong si Dante lang ang anak niya!" Natutop ni Kathleen ang kaniyang bibig

"Oh my God!when will it be daw ba Kuya?"naaalarmang tanong ni Kathleen.Tiningnan ito ng masama ni Johny.

"Bakit, may balak kang pumunta?"galit nitong tanong.

"Nye...pupunta agad?Di ba pwedeng nagtatanong lang?"

"Makikibalita na lang ako sa mga kaklase namin dati!"sa loob - loob ni Kathleen."Eh sino ba may gawa sayo niyan?"

"Si Dante!"

"What?Naandito sa San Ignacio si Dante?Oww... My...G!"

"Ang arte mo, Kathleen Faye!"inirapan lamang ito ni Kathleen."Oo, naandito at kaya nagkaroon ako nito, sinugod ko siya para makaganti sa ginawa nila at ikakasal na siya eh nakita kong may kasamang babae at buntis pa yaata ito!"

"Hmp.Inupakan mo ba para makaganti o dahil sa selos at galit ng makita mong linoloko niya si Ate Max?"tukso nito.

"Ewan ko sayo!Maghanap ka ng kausap mo!"saka napipikong umalis si Johny.

"I will Kuya!"bulong ni Kathleen sa kaniyang sarili at mabilis na nagbihis.

Ilang sandali pa at binabagtas na ni Kathleen ang daan patungo sa bahay nila Dante. Pagdating sa bahay nito, inihinto niya sasakyan sa harap ng gate.Lumapit ang guard sa kaniya, binuksan niya ang bintana.

"San ho ang punta niyo, ma'am?" tanong ng guard.

"Doon sa park, Kuya!"naiiritang sabi ni Kathleen."Syempre diyan ho kanila Dante, kaya nga dito ko huminto!"

Started with a TextWhere stories live. Discover now