"mommy...!" narinig nilang sabi ni MJ at saka nagmulat ng mga mata. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo. Nang hindi nito nakita si Maxene siya ang tinawag. "Daddy...?"
Umupo si Johny sa tabi nito at hinalikan sa noo. "Yes, sweetheart?"
"Nasaan po si mommy?" tanong nito
"ahm..may pinuntahan lang si mommy sweetie, babalik din siya agad!"
Tumango ito. Nakahinga ng maluwag si Johny dahil hindi ito umiyak ng makitang wala si Maxene.
"who is she Dad?" turo nito sa kaniyang mama.
"She's your lola, sweetie!Siya ang mama ko!Kadarating lang niya galing Australia!"
"Really, Dad?Marami po ba siyang chocolate?" ngumiti si Johny at masuyong hinaplos ang buhok nito."why don't you as lola!"
Tumingin si MJ dito."Hi lola!Good morning!"
"Hi baby!Morning!" ngiting-ngiting sabi ng mama nila Johny.
"Ahm..Marami po ba kayong dalang chocolate?" tanong ulit ni MJ.
Lumapit dito si Mrs. Agustin at hinaplos ang mukha nito. "Yup baby, but you have to hug and kiss lola, first!Bago kita bigyan ng chocolate!"
"oww.."sabay tutop sa bibig nito. "di pa po ako nagtotoothbrusha lola, eh!" nahihiyang turan nito.
"then why don't you get up and brush your teeth!So that we eat our breakfast na and then saka tayo kakain ng chocolate!"
"Really lola?" excited na tanong nito.
"yes baby!"
"Okey, just a second!" saka nagmamadali itong bumangon at nagtungo sa cr.
"Take your time baby and brush your teeth well!" bilin niya dito.
"yes, lola!" sigaw nito mula sa loob.
Nakangiting tumingin si Mrs. Agustin kay Johny. "what a smart daughter, Johny!manang - mana sayo and also to Maxene."
Natutuwang tumango si Johny. "Yes ma, and this one!" turo nito kay JM na tulog na tulog pa at hinaplos ang buhok. "manang- mana sa kaniyang mommy, mahilig matulog but he's so sweet ma!" Saka tinapik si Johny sa balikat ng kaniyang mama.
"Nasaan nga pala si Maxene?"
"lumuwas ho ng Maynila. May aasikasuhin lang!"
"alone?" tanong ng kaniyang ina.
Pasimpleng tumango si Johny.
"Diyos mio pardon Johny, malayo-layo din ang maynila ba't mo hinayaang bumiyahe ng mag-isa!"
"Nakaalis na ho siya ng magising ako ma!"
"Why?di mo ba namalayan ng bumangon siya at wala na sa tabi mo?" Hindi agad nakasagot si Johny.
Si Kathleen na ang sumagot dito. "ah..ma, Kuya and Ate Max didn't sleep together!"
"Ay oo nga pala anak, di pa pala.maayos ang lahat sa inyo!" Ikinumpas nito ang kamay sa ere. "Oh siya, magbibihis na muna ako!Pakisabi kay , ano nga pangalan niya, ha Johny?"
"MJ ma, Maxie Jane!" turan ni Johny.
"Nice name!Maxene has a taste, that's why I like her!Anyway, pakisabi kay MJ na sa baba na lang ako hintayin!"
Tumango si Johny. Nasa pinto na ito ng magsalita ulit. "And..one more thing Johny!" tumingin dito si Johny. "Siguraduhin mong aayusin mo ang lahat ng sa inyo, kung hindi palalayasin kita dito sa bahay at maiiwan dito ang MAG-IINA mo!"
Napakunot noo naman si Johny, dahil sigurado siyang gagawin nga ito ng kaniyang mama.
"hala ka, kuya!magbalot-balot ka na mula ngayon!" pang-aasar pa ni Kathleen at tiningnan niya ito ng masama. Nagtatakbo naman ito palabas ng kuwarto.
Naiwang nag-iisip si Johny at nag-aala sa pagbiyahe ni Maxene ng mag-isa.
"God, Maxene!Ba't ba ko pinapahirapan mo ng ganito!" ang tanging nasabi niya sa kaniyang sarili.
YOU ARE READING
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
