Chapter 2 Strange Feelings and The 1st Kiss

82 0 0
                                        

Chapter 2

Maagang naligo si Maxene para makapaghanda agad sa pagdalo sa party.

"Maxene iha, naandito na si Dante, bilisan mo na diyan baka mamaya eh mainip 'to iwanan ka." sigaw ni aling tina mula sa labas ng kuwarto.

"Opo nay, lalabas na ho." tinaas lamang ni Maxene ang kaniyang buhok at hindi hinayaang may malaglag na ilang hibla ng buhok. Nagpahid siya ng kaunting blush on at lipstick dahil ng mapupula ang kaniyang labi, kaunting face powder, presto!..Magandang maganda na siya. 3 inch na sandal, na lalong nagpatangkad sa kaniya at bumagay sa suoy niyang damit. Sinong mag-aakala na isa lang siyang mahirap?  Himarap siya saglit sa salamin at lumabas na sa kaniyang kuwarto.

"Wow max, ang ganda-ganda mo. Swerte ko naman at ako amg escort mo." saad ni Dante

"Dati ng maganda anak ko Dante, ewan ko mga ba kung bakit di mo pa ligawan anak ko." sabat naman ni Aling Tina. Kilala.na.kasi nito si Dante pa at napatunayan din niya na mabait at responsable si Dante. Nagkatinginan na lamang si Dante at Maxene.

"Nay, alis na ho kami." paalam ni Maxene.

"Sige, mag-iingat kayo. At ikaw Dante, ingatan mo yang anak ko kung hindi ikaw malilintikan sa akin. Ikaw.na rin maghatid jan ha?.." bilin pa ni Aling Tina

"Opo Nay!" sagot naman ni Dante.Nakasanayan na rin niyang tawagin itong Nanay mula ng makilala niya ito.

Pagdating sa bahay ni Kathleen. "Parang ayow ko ng tumuloy Dante, ang daming tao. Bukod sa kaibigan natin wala na tayong ibang kakilala."

"Hahaha.Sa ganda mong yan Max, mahihiya ka?.Look at them, halos lahat sila nakatingin sayo. Walang sinabi sa kaseksihan at kagandahan mo ang lahat ng mga babaeng mayayaman na naandito ngayon." sabi nman ni Dante

"Basta huwa mo ko iiwan ha Dante?Dito ka lang sa tabi, kasi siguadong busy din mamaya si kath sadami niyang bisita ngayon."

Tumingin sa paligid si Maxene dahil hinahanap niya ang kaniyang kaibigan. Nakaramdam siya na parang may nagmamasid sa kaniya, tumingin sa bandang kanan niya at nakita niya ang isang lalaki na matamang nakatitig sa kaniya. Ngumiti ito at itinaas ang isang kamay na may hawak na baso parang sinasabing, Cheers!" Iniwas niya ang tingin dito.

Samantala, nasa isang sulok si Johny kasama ang ilang kalalakihan ng may umagaw ng kaniyang atensyon, hindi nga lang ng atensyon dahil halos lahat napatingin sa bagong pasok sa kanilang gate.

"Ang ganda niya pare." dinig pa niyang sabi ng isa

"Swerte naman ng lalaking kasama niya" sabi pa ng isa.

Ilang minuto pa at nagsimula na ang party. Tahimik lamang si Dante nakamasid sa paligid at nakatingin s babaeng kanina pa niya gustong isayaw, ng may kumalabit s tabi niya.

"Ano Johny , nakilala mo na ba ang kaibigan ng kapatid mo?" agaw atensyon na sabi ni Brent kay Johny.

"Hindi! Bakit?" tanong naman ni Johny

" Tsk.tsk. pare, bgo ka pa maunahan ng iba, kumilos ka na. Tingnan mo sila, halos nag-uunahan isayaw si Maxene."

"Sino bang tinutukoy mo Brent?"
"Hayun oh, yung nasa kabilang dulo ng lamesa. Yung may kasamang lalake na parang ayaw humiwalay kay maxene."  turo naman ni Brent.

Hindi alam ni Johny kung bakit nakaramdam siya ng inis ng marinig niya na boyfriend ng babae ang kasama nito. Ngayon alam na niya pangalan nito, naisip din niya na ito rin kaya ang tinutukoy ng kapatid niya na ibibigay na textmate?.Biglang siyang tumayo at lumapit sa babae.

Started with a TextWhere stories live. Discover now