Chapter 10: After more than 3 years.

52 1 0
                                        

"Mommy....."sigaw ng isang mumunting tinig.

"Wake up Mom!"sabi pa ng isang munting tinig. Yinugyog si Maxene ng mga ito."It's sunday mommy, sabi mo sa'min ni JM ipapasyal mo kami!"

"Oo nga poh, MJ and yaya prepared our breakfast na po!Bangon na mommy!"

"hmmmpp!inaantok pa si mommy, ba't di muna kayo kay mommy at -----" hinila ni Maxene sina MJ at MJ .kiniliti niya ang dalawa, tawa ito ng tawa hanggang sa tumigil siya sa pagkiliti dito.

"awat na mommy!"sabi ng dalawa

Hinihingal na ang mga ito.

Hinalikan ni Maxene ang dalawa."Mommy love's both of you sweetheart!"

"And we love you more Mommy!" sabi ni MJ

"Uh-huh!Like this mom!" ibinuka ni JM ang mga braso.

"Thank you, my twin!Okey, tell yaya na kakain na tayo!Mag-liligpit lang si Mommy and after that------ mamasyal na tayo!"

"Yessss!" magkapanabay na sigaw ng kambal.Humalik muna ang mga ito.sa kaniya at nag-uunahang lumabas sa kaniyang kuwarto.

Napangiti si Maxene. Sa kabila ng lungkot, sakit at hirap na pinagdaanan niya, napalitan iyon ng saya at tamis mula ng isilang niya ang kambal niyang anak.Si MJ, ang naunang lumabas, Maxie Jane ang buong pangalan nito. Nagulat na lamang siya ng sabihin ng doktor na kailangan pa niyang umire dahil may isa pang baby, sumunod na lumabas ay JM, John Meynard ang buong pangalan nito. Labis ang kaniyan tuwa sa mga oras na yun, nawala man ang 2 taong mahal niya, ngayon napalitan iyon ng mumunting anghel na siyang nagbibigay lakas sa araw-araw niya. Makalipas ang ilang buwan ng isilang niya ang kaniyang kambal, nag-apply siya sa isang bangko sa Maynila, natanggap siya bilang Account Officer. Kumuha siya ng yaya ng mag-aalaga sa kaniyang kambal. Nagsumikap siya, pinagbutihan ang pagtatrabaho hanggang sa maregular siya doon at ma-promote bilang isang Branch Manager. Sa ngayon, nakabili na siya ng bahay at lupa, sakto lamang ang laki nun at may kotse pa rin siya na hinuhulugan niya pa hanggang ngayon, pero sa kabila nun hindi pa rin niya nakalimutan.ang isang lalaking naging parte ng buhay niya. Pano niya makakalimutan na sa tuwing titingnan niya si MJ hindi maipagkakaila na anak ito ng lalaking minahal at nanakit sa kaniya. Nakikita niya ito dito, Female Version ang kaniyang anak. Samantalang si JM naman ay naman ay sa kanilang dalawa nakuha ang feature ng mukha nito, pero kung tititigan mabuti ay mas matimbang ang namana sa kaniya. Napailing siya, bumangon, inayos ang higaan at saka bumaba.

San Ignacio
"Good morning Mister Agustin," bati ng kanyang sekretarya.

"Good morning." nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa kaniyang opisina.

Ilang saglit pa at pumasok ang kaniyang sekretarya. "These are the papers that are needed to be signed.Naandito din ho ang dyaryo!"Inilagay nito iyon sa ibabaw ng mesa. "Would you like a cup of coffee, Sir?"

"Yes, please. Thank you." Isa-isa niyang tiningnan ang mga papel. Pumasok uli ang kanyang sekretarya.

"Here's your coffee sir!"maingat na ilinapg nito iyon.

"Thank You!" Tatalikod na sana ang kaniyang sekretarya ng, "Anong naka-sched na meeting ko ngayon?"

Binuklat ng sekretarya ang kaniyang mga notes!" Meeting with Vice Mayor Moran at 10:00 a.m. Sir.!"

Napatitig si Johny dito at saka tumango.Nagsimula ng magtrabaho si Johny.

"THANK you Mr. Agustin para sa patuloy na pag-suporta sa ating bayan. Ang inyong kompanya at patuloy na nakakatulong para sa ikauunlad ng ating ekonomiya!".Kinamayan ni Vice si Johny at ganun din ito. "Ahm, kung hindi nakakaabala sayo Mr. Agustin sa darating na sabado ay magkakaroon ng party sa amin, anniversary naming mag-asaw at engagement party na rin ng aming nag-iisang anak!" Napatitig si Johny pagkarinig sa sinabi nitong engagement party. Sa pagkakaalam niya tanging si Dante lamang ang anak nito."Posible kayang----" sa loob - loob niya.

"Titingnan natin Vice!" tanging nasabi niya.

"Okey, isa sa mga araw na ito ay padadalhan kita ng inbitasyon!Salamat!" saka nagpaalam na ito. Naiwan siya sa malalim na pag-iisip. Hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap ang ngyari sa kanila ng babaeng tanging minahal niya.

Started with a TextWhere stories live. Discover now