Apatnapu't Isa

4.9K 180 8
                                    

Wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Tumayo ako upang kapain kung nasaan ang knob ng pinto. Hindi ko naman kasi kabisado ang kuwartong ito eh. Sobrang kinakabahan ako. Wala nang sumunod na sigaw mula sa ibaba.

"Ayun," bulong ko sa sarili nang may maramdaman akong malamig at pabilog na bukol. Pinihit ko ito at matagumpay kong nabuksan ang pinto. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang makaalis sa bahay na ito.

Sobra akong nagsisisi na hindi ko pinaniwalaan si Zach. Pero si Roco, parang ayaw ko na siyang tawagin sa pangalan ng taong hindi naman siya. Sana hindi ko na lang inungkat pa ang kanyang pagkatao kung ang kapalit naman nito ay ang aking kaligtasan. Nag-iba na rin ang aking tingin sa kanya. Pati pagmamahal ko sa kanya ay maaaring naapektuhan na rin.

Literal na gumagapang na ako sa takot. Hindi ko man alam kung ano talaga ang sakit niya sa pag-iisip, feeling ko kaya niyang manakit ng iba.

Sa tulong ng ilaw mula sa streetlight sa labas, may parte ng bahay akong nakita, ang katapat ng hagdanan. Dali dali kong tinungo iyon pero napatigil ako nang may marinig akong papaakyat. Mabagal ang kanyang pag-akyat.

Lumitaw ang pigura pagtapak niya sa huling baitang. Si Roco ito, may hawak na kutsilyo. Pero ang ikinalaki ng mata ko ay ang tumutulong pulang likido mula rito.

"Ramuell, where are you?" nakakatakot niyang pagtatanong. "You wanna play hide and seek?" nakakapangilabot ang kanyang boses.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaba. Nangyari na ito dati sa amin ni kuya. Alam kong hindi ako sasaktan ni Rico. Ayyy, ni Roco pala. Tinatagan ko ang aking loob at nagpakita sa kanya.

"There you are," nakangisi niyang saad.

"Roco, ibaba mo 'yan," sabi ko sa kanya.

"What? As far as I know, Roco's already dead. And this? Why would I put this down? Are you afraid of me?" tugon naman ni Roco habang lumalapit sa akin nang dahan dahan.

"Okay Rico, ibaba mo 'yan," pag-uulit ko kahit nagtataka na gusto niya pa ring matawag na Rico kahit ipinaalam na niya sa akin na siya si Roco. Lalo lang siyang lumapit sa akin habang pareho naming pinagmamasdan ang matulis na kutsilyo.

"Don't be afraid my Julius, I wont hurt you," pangungumbinsi niya. Saka ko lang napansin na puno ng sugat ang kanyang kamay at braso.

"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ko. Tila napalitan ng pag-aalala ang pangamba ko kanina.

"Oh, like what I've told you, I won't hurt you coz I'll just hurt myself. Now choose between here," turo niya sa kanyang pulso sa kamay. "Or here," itinapat niya naman ang matulis na dulo ng kutsilyo sa kanyang kaliwang dibdib, katapat ng puso.

"Rico, huwag mong gagawin iyan," pakiusap ko.

"Why not? Now that you know who I really am, I know that you'll also leave me eventually," nagsimulang tumulo ang kanyang luha.

"My life will become senseless without you," dagdag niya pa na umantig sa aking puso.

"I will never leave you alone, I assure you that. So drop the knife now," pangungumbinsi ko.

"Noooooo," sigaw niya. Itinaas niya na ang kutsilyo at akmang itutusok sa sarili niya nang mapaaray siya sa sakit.

"Ahhhh," sabi niya sabay tingin sa kanyang balikat. May nakaturok dito na syringe. Tumalikod siya sa akin para harapin ang may gawa nito sa kanya-si Zach kasama ang yayang nakita ko kanina. Sinalubong naman ng mukha ni Roco ang suntok ni Zach. Napahiga siya at nakatulog.
---------

Sikreto 1Where stories live. Discover now