"A-Ahh.. mamula mula lang t-talaga ang kutis ko.." pagpapalusot ko at nakanguso naman syang tumingin sakin na parang hindi naniniwala.

"Assuming ka rin pala e.." nakangiwing sabi nya sabay bitiw sa kamay ko. "Assuming na maganda hahahaha!"

"Tss.."

"Teka muna.. kumain ka na ba??" biglang tanong nya.

"Oo naman.."

"Mmm.. gabi na kasi e, baka hindi ka pa kumakain hehehehehe.. Deretso uwi sa bahay ah?? Sa susunod sa bahay na natin ikaw uuwi.. Bahay natin."

"Sige.. mangarap ka lang.." pangbubuset ko sa kanya.

"Oo, at tutuparin mo naman hahaha.."

"Asa.." singhal ko pa at saka bahagyang sinuntok ang dibdib nya. "Ayos lang makaramdam ka ng ganyan basta 'ako' ang dahilan.." nakangising sabi ko at ayun na naman ang di mapigilang mga ngiti nya.

"Wag kang magsasalita ng ganyan sa harap ng ibang lalaki ah??!!" banta nya pa at napangiti naman ako.

"Uuwi nako.. inaantok na rin ako e.. Magkita na lang tayo bukas.." nakangiting sabi ko pa at tumango sya.

"I-Isang yakap na lang talaga.." sabi nya sakin at saka lumapit at niyakap ako. "Hmmmmm!!!! Grabe.. baka bangungutin ako nito hahahahaha! Busog na busog ako sa mga pampakilig mo.."

"Tsk.. wag ka ngang ganyan ng ganyan.. Para kang..."

"A-Ano!? Sabihin mo sakin?! Ano?!"

"Babae.." sabi ko pa at saka natawa sa kanya.

Tinapik ko ang balikat nya at saka ako sumakay sa motor ko.

"Bukas.. susunduin kita dito----"

"T-Talaga?!"

"Mmm.. para ako ang unang makita mo bago yung ibang tao.. Tss.." nakangising sagot ko at saka in-start ang motor ko. "Bukas na lang.."

~BEEP!~

At nakangising umalis ako..

Ngayon alam ko na ang nararamdaman mo.. Pinipigilan ko rin ang sarili ko.. Kaso may sariling desisyon ang puso ko..

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Naih..

"Oh?! Ano?! Patingin nga! Patingin!" sigaw nya sakin at saka ininspeksyon ang kabuuan ng katawan ko.

"Clear! Paa!" sigaw nya pa at inistretch ko ang kaliwang paa ko at tinignan nya. "Yung isa pa!" at inistretch ko ang kanan. "Kamay!"

"Ayos lang ako.." sabi ko pero inilapat pa rin sa kanya ang dalawang kamay ko.

"Ayos lang!? Tignan mo 'tong kamay mo! Isang sapak na lang mamamaga na!"

"Hindi naman namaga di ba?"

"Anong hindi!? Ayan oh! Leche ka!"

Taas-kilay na tinignan nya ang kabuuan ko..

"Hubad.."

"N-Naih.." gulat na usal ko pa.

"Hubad!!!!!" sigaw nya at napailing naman ako!

Hinubad ko ang coat ng uniform ko..

"Hubad pa!"

"A-Anak ka nang k-kagang.." bulong ko pa.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon