[5] Mommy Jeon & Daddy Jeon

4.3K 200 48
                                    

Tzuyu's POV

Na-transfer na lahat ng gamit ko at gamit ni Jungkook, kaninang umaga sa condo na titirahan namin. Sabi ng doctor, maya-maya pwede na akong mailabas dito. And guess what? Hindi na bumalik sina unnies dito. Ang bad nila! Magdamag nga nag-stay dito si Jungkook, eh. But still, ang awkward pa rin!

"Tzuyu, anong feeling na makasali sa isang survival show?" Ah, nung sa SIXTEEN era.

"Nakakakaba. Sa totoo kasi, hindi talaga ako kasali sa TWICE nun, and so does Momo unnie. Pero, nasali ako sa grupo, dahil ako ang may pinakamataas na votes sa poll nun. Kay Momo unnie naman, pinili mismo siya ng staff, kaya pinasali ulit siya sa final lineup ng TWICE. Lucky us, right?" Sagot ko sa tanong niya, at tumawa

"Yup. Ang swerte niyo. Pero, chismis dun na dapat yung Jeon So Mi daw ang isa sa inyo." He's right. Si Somi naman talaga, pero ewan ko lang kung bakit hindi siya pinili ni JYP.

"Tama ka. Dapat si Somi ang isa sa amin, pero she got eliminated, eh. Hopefully, sana next year maka-debut na siya." Major A pa naman siya nung time na yun.

"Ka-apelyido ko pa talaga. Hindi kaya kapatid ko yun?" Bugok talaga. Akala ko pa naman matino.

Baby, may topak yung daddy mo. Sana, 'wag kang magmana sa kanya ah! Aba't ayaw kong maging loko-loko ang anak ko!

I giggled, "Jungkook, kain ka muna diyan. Hindi na nagfafunction ng maayos ang utak mo."

"Uy! Ang hard mo ah! Sa gwapo kong 'to, magiging baliw?" Ilong niya may problema. Hehehe. Nag-search ako tungkol sa kanya. Hindi ako stalker o ano, I just want to know some facts about him.

"Whatever."

*****

"Maknae, I will miss you! Huhuhuhuhu! TzuNa forever, okay?" Pagdadrama ni Sana unnie.

"Uy! Group hug!" Sigaw ni Jihyo unnie, kaya nag-group hug naman kami.

I'll miss this place. Really. "Unnies, bumisita kayo, ah! Ayokong maging mag-isa dun!" Pagmamaktol ko.

"Mag-isa, maknae? Anong tawag mo kay Jungkook?" Ay, oo nga pala.

Napa-peace sign ako, "Peace, unnies."

"O'siya! Gora na dun, maknae! Saranghaeyo!" Ang mga Korean kong unnies.

"Aishiteru, Tzuyu-san!" My Japanese unnies.

"Wo Ai Ni!" Sabay dun, ang paglabas ko ng dorm.

Hays, kaka-debut lang namin, pero nawalay na agad ako kina unnies. Life, why so unfair?

Pumasok ako dun sa van, and as expected nasa loob na si Jungkook. Nakasuot siya ng isang unan na sinasabit sa leeg, at dun natutulog ng mahimbing. Honestly, ang cute niyang matulog, but at the same time ang weird.

Wow. Ganito sana mukha ni baby! Mestisa ako, mestiso siya. Lol. Pero really, sana ganito ka-gwapo o ka-ganda si baby.

"Staring is rude." O/////O GISING SIYA?!

Uniwas agad ako ng tingin, at kinuha yung unan dun sa gilid, at humiga rin. Syempre, magandang van itong sinasakyan namin.

Lumapit si Jungkook sa 'kin, at hinawakan yung balikat ko. "Syempre, joke lang yun."

"Hmp! Not a good joke, Jungkook!" Sabay pout, then talikod sa kanya.

"Sorry na, Mommy Jeon~" Hanudaw?! Mommy Jeon?! 'Jeon' ba ang apelido ko?!

Napaharap ako sa kanya, "Excuse me, Mommy Jeon? Mommy Chou dapat!" I said.

"Feisty, girl. Pero, gusto ko Mommy Jeon. Apelido naman 'yan ng baby natin eh!" Anong connection nun sa akin?!

"Nu kunek, Jungkook?" Mataray kong tanong.

"Wireless. And stop calling me 'Jungkook'. Daddy Jeon na lang, pero kung sa public, call me Kookie." O.O Daddy Jeon?! Nahihibang na daddy mo, baby!

"Daddy Jeon your face, Jungkook!" Natatawa kong sambit. Lol. Uso pa pala endearments ngayon?! Hahaha!

"Sige, tumawa ka pa. Makakatikim sa sa akin." Ooh, natatakot ako! -,-

"Ooh~ I'm sca—" I was cut off, when Jungkook KISSED ME?! The nerves of this, guy!

Humiwalay siya, at nag-smirk, samantalang ako dito nakatulala. Asdfghjkl—HE STOLE MY FIRST KISS!! >.<

Lumapit ako, at pinaghahampas siya. "Argh! You stole my first kiss!" Hindi pa rin ako tumitigil.

"Woah, first kiss? Baka second na yun, Mommy Jeon! Nakuha ko na yun nung gabing yun, eh!" PINAALALA NIYA PA! ARGH!

"Shut up, Jung—"

"Daddy Jeon, diba ang sabi ko?"

"Oo na po, Daddy Jeon! Tsk. Tumahimik ka na nga lang diyan! Nakakainis ka, alam mo yun?!" Sabay harap dun sa bintana, at natulog. Hmp! Puputulin ko ilong niya, eh!

*****

Jungkook's POV

Nakarating na kami rito sa harap ng building kung saan kami titira, and I could say, this condominium is jjst right for us. Simple lang siya, eh.

Tiningnan ko yung katabi ko, at mukhang masarap ata ang tulog. Katawa yung reaction niya kanina, hahaha! Speechless Mommy Jeon~.

Kinuha ko yung backpack ko, pati na rin yung backpack ni Tzuyu. Anong gagawin ko? Well, bubuhatin ko siya. Mukha talagang pagod na pagod siya, eh. Tsaka, mukhang masarap ang tulog niya.

"Ahjussi, kamsahamnida. Annyeong." Binuksan ko yung pinto ng van, pero bago yun, nag-suot muna ako ng cap at sunglass. Yun din ang ginawa ko kay Tzuyu; kinuha ko yung sunglass at cap niya sa bag niya.

Binuhat ko siya in bridal style, at pumasok dun. Hindi kami nakakuha ng atensyon, dahil para lang naman kaming normal citizens.

Sumakay ako sa elevator, at pinindot yung may JT Floor. Diyan daw ang floor namin. Sosyal, diba?

Pagdating sa floor namin, inihiga ko muna sa isang sofa sa Tzuyu, at kinuha yung keycard ng room. Nilagay ko yun, at ayun! Bumukas!

Binuhat ko ulit si Tzuyu, at pumasok—and wow! Ang ganda ng room! Malaki siya, at parang nasa isang bahay ka na! May second floor siya, at ang modern ng design! Akala ko, simple lang ang design, pero it's more than I expected!

Hiniga ko muna si Tzuyu dun sa malaking sofa, at nilagay yung backpack sa gilid.

"Hmm.."

Tiningnan ko si Tzuyu, at parang gigising na siya. Nag-unat muna siya, bago umayos ng upo.

"Nasaan tayo?" She asked, while yawning.

"Nasa condo natin." Sagot ko, sabay ngiti. Kaya naman, ang kanyang reaction ay priceless!

"Jinjja?!" Gulat si Mommy Jeon~.

"Yup! Kaya't bumangon ka na diyan Mommy Jeon, dahil itotour natin ang condo! Tara!" Excited ako, bakit ba?

Tumayo siya, at inayos yung buhok niyang buhaghag.

"Taralets!"

Hope, this thing would workout well!

<><><><><><><><><><>
Fifth chapter is posted, guys! Lovelots!

Vote || Comment

-; Baby Jeon 💜

Baby Jeon ¦ COMPLETEDWhere stories live. Discover now