II

47 3 2
                                    

"AY BUHAY TO OH! JIRITS!!!"

Nakatapak ako ng kung anong ewan sa lupa.

...

Oo na, aaminin ko na. Nakatapak ako ng ewan ng aso.

Alam nyo na yun.

Si Karl kasi e. Nag-aabang sa main gate ng school. 

Inaabangan ako kahit na sabi kong di ako sasabay pauwi.

Sa second gate tuloy ako dumaan kung saan maraming ewan ng aso.

Ayan, naewan nga tuloy ang sapatos ko.

Balik tayo kay Karl.

Iniiwasan ko na si sya.

Wala din namang mangyayari.

Sabay lang kami maglalakad feeling awkward all over.

Kelan ba nya marerealize na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya?

Hay.

Ambaho naman nitong ewan sa sapatos ko e.

Lakas pa naman ng pang-amoy ko.

May kakaiba akong talento sa pang-amoy.

4x mas malakas ang pang-amoy ko kumpara sa isang ordinaryong tao.

Alam nyo yung fetish?

May kakaiba akong fetish sa pag-amoy ng mga bagay.

Gusto kong nakakaamoy ng mga mababangong bagay.

Para kong nasa heaven kasi 4x ang bango nun sakin.

Natutulala ako at nakakafeel ng cloud 9 pag nakakaamoy ng mabangong bagay.

Kaya madalas akong napapagkamalang adik kakasinghot e.

Well, masaya sana kung mabango lang lahat ng bagay e.

Tulad ng ewan na to sa sapatos ko ngayon.

4x din ang amoy.

ANG BANGO MEN.

Sa kabaligtaran.

Medyo malapit ang 2nd gate sa quarters ng badminton club kaya dun na ko pumunta.

May shower room naman sila dun baka pwedeng makihugas ako ng sapatos ko.

Pagpasok, sakto.

Walang tao. Uwian na kasi.

Pagpasok ko ng shower room.

Muntik na ko mapatili sa nakita ko.

May isang lalake ang nakahubad at nakatalikod sa akin.

Nagbibihis sya.

Gusto ko sanang tumili, magtakip ng mata, at tumakbo paalis pero di ko magawa.

Nakatayo lang ako dun at ganto ang ichura ko --> O__O

Nang may naamoy ako bigla.

Isang pamilyar na amoy.

Madalas ko itong naaamoy sa panaginip ko.

Agad kong nakalimutan ang lahat ng bagay na iniisip ko.

San nanggagaling ang amoy?

*sniff sniff*

Galing sa lalakeng nakatalikod.

Sa sobrang bango nang naaamoy ko kusang gumagalaw ang katawan ko palapit sa unknown guy na ito.

Aaaaahhhhh....

Ang bangoooo....

Niyakap ko ang lalake mula sa likod nya.

"HUH!? SINO KA!?"

Inamoy ko ang likod nya.

Di ko naiintindihan ang sinasabi nya.

Pumapalag sya para tanggalin ang yakap ko pero di ako umaalis sa pagkakakapit sakanya.

"HOY MISS! ANO'NG GINAGAWA MO!? SINO KA BA?"

"Sssshhhh! TAHIMIK!!!!! ANG INGAY MO!!!!!" malakas kong sigaw sabay amoy sa likod nya,

"MISS PWEDE BA... BITAWAN MO KO KUNDI SISIGAW AKO PARA HUMINGI NG TULONG!"

"Eh sumisigaw ka na nga eh!" sa inis ko umalis ako sa pagkakayakap sakanya.

Pero malapit pa din ako sakanya para maamoy sya.

Kumurap-kurap ang lalake nang humarap ito sakin.

"I-I-Ikaw si S... Sa-Samantha diba?"

Parang di ito makapaniwala sa nakikita nya.

Huminga ako ng malalim.

Naaamoy ko ang malakas at mabango nyang amoy sa paligid ko.

Di ako makapag-isip ng maayos.

Sino ba naman kasing mag-aakala na ang amoy na matagal ko nang hinahanap ay sa lalakeng ito ko lang matatagpuan?

"Ano'ng pangalan mo?"

"A-Ako  po si Mark."

Taranta nitong sabi at kinuha ang isang towel na nakasabit sa malapit na upuan at hinarang sa ibabang bahagi ng katawan nya.

"Ano'ng course mo?"

"T-third year highschool palang po ako."

Nanlamig ang buong katawan ko.

DIYOS KO.

Patawarin nyo po ako.

Mukang makakasuhan po ako ng child harrassment nito.

Love at first smell (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon