Love at first smell (Short Story)

66 2 0
                                    

Madilim.

Wala akong makita. Wala akong naririnig. Wala akong naaamoy.

Kinabahan ako.

Tanggalin nyo na lahat sa akin wag lang ang kakayahan kong umamoy.

Mula sa di kalayuan ay may narinig akong kalampag. Lumakas ang tibok ng puso ko. Naririnig ko ito. Nakakarinig na ko. 

May naamoy ako.

Ito na naman ang amoy na to!

Lagi nalang sumusulpot ang amoy na to sa panaginip ko nitong mga nakaraang araw.

Anong klaseng amoy, you ask?

Well, di ko maipaliwanag... 

...pero ang alam ko mabango ito. Matamis na amoy na parang bagong pitas na prutas sa summer.

Yung amoy na naaamoy mo sa tuwing bagong bili yung mga gamit mo.

Yung amoy ng kumot mo na gustung gusto mong amuyin bago matulog (o ako lang ang gumagawa nito?)

Aaaahhh basta!

Eto yung amoy na pag naamoy mo ang dami mo nang naiimagine, ang dami mong nakikita na pinagsama-samang magaganda at mga paborito mong bagay sa mundo.

Yung amoy na sasaya ka. 

Hanggang sa punto na makakalimutan mo na ang sarili mo.

*Woosh*

Maya-maya pa ay napadilat na din ako dahil sa liwanag na nagmumula sa kahahawi lang na  bintana.

"Sino ba namang nagbukas ng bintana oh?! Inaantok pa ko!"  ang wala sa mood na sabi ko.

"Kundi ka babangon, di mo maaabutan ang mainit na pandesal sa lamesa. Bahala ka dyan."

Sabi ni Carmen. Nanay ko, sabay labas ng kwarto.

Agad akong napabangon. Hindi dahil sa nagugutom ako at gusto ko ng pandesal kundi dahil sa amoy na dala ng bagong lutong pandesal na nawawala pag lumalamig na ito.

Pambihira, kilalang kilala ako ng nanay ko.

Author's Note: [A/N]

Hello readers! This is my first story here in Wattpad! I know I'm not that good pero sana magustuhan nyo guys!  Kung binabasa mo 'to ngayon, salamat! Para sa'yo 'to! :)

P.S.

Sorry kung medyo detailed ang pagkaka-narrate. Medyo nasanay kasi ako sa heavy reading kaya pati way of writing ko nadamay. 

Reasons! :P

-Ozzuma

Love at first smell (Ongoing)Where stories live. Discover now