"Ah?W-ala."  Ngumiti na lang ako at umalis. Ayokong magsalita gusto ko nang umuwi at ibuhos ang kadramahang ito sa bahay.

Humakbang ako sa harap niya, oo alam kong bastos ang ginawa ko pero ayoko munang magsalita.

Bago pa man ako makalayo, naramdaman ko nang may humawak sa braso ko.

Ihinarap niya ako sa kanya at gulat na gulat ako sa ginawa niya.

"May problema ba?"
Sa pagkakataong ito nakatingin ako sa mga asul niyang mata agad akong umiwas ng tingin dahil sa hiya.

"Want to drink coffee?"

Bumalik ako sa pagkakatingin sa kanya, seryoso ba siya?

"Sorry per---"

Hindi niya ako pinatapos sa sinasabi ko at hinila niya na lang ako papalakad.

Kakaiba tong nararamdaman ko, oo naiiyak ako dahil sa nangyari kanina pero bakit saya ang nararamdaman ko ngayong hawak hawak niya ko?

"Ugh...saan mo ko dadalhin?" Ilang kong tanong.

"Coffee shop, I just want some advice" sabi niya.

"Huh?Advice."

Para saan naman kaya? Hindi ko naaalalang naging close kami nito dahil sa room palang iniisnob na niya ko, pero ngayon namamansin na, himala.

Naawa siguro siya.

"Kung naawa ka lang naman san--"

" Stop talking and just follow me."
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng seryoso.

Natakot ako kaya pumayag na lang ako. Makakabuti na rin siguro to para makalimutan ko muna si Warren kahit sandali, kung umuwi na ko sa bahay at nagkulong sa kwarto siguradong panay siya ang laman ng isipan ko.

Habang naglalakad kami, ramdam ko ang kilig.....oo kilig pero infatuation lang to, aminado naman akong kung gwapo ang kasama ko kilig talaga ang mararamdaman mo, pero iba pa rin talaga kung mahal mo ang kasama mo ngayon. Wa..r.Tama na nga!

Ang mga estudyante at tao sa paligid, sa amin nakatutok ang atensiyon, para silang nakakita ng artista. Ibinaba ko na lamang ang tingin ko dahil sa ilang.

Nang naramdaman ko nang tumigil si Daniel sa paglalakad, itinaas ko na ang aking paningin.

"Huh?!Hindi ba mamahalin dito pwe--"

"Tss." Tinignan niya ako ng masama kaya tinakpan ko na lang ang bibig ko.

Pinagbuksan kami ng dalawang guard sa pinto at ipinagpatuloy na ni Daniel ang paglalakad habang hawak hawak parin ang braso ko.

Pagpasok ko sa loob, naamoy ko na ang mabangong aroma ng kape.

Hiniwalay na rin ni Daniel ang pagkakahawak sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko sa coffee shop at nakita ko ang masasarap na cake na nakadisplay.

"Lira....."
Napatingin ako sa kanan at kita ko si Daniel na nakataas ang kilay.

Alam niya pala ang pangalan ko?

"..." Singhal niya.  Agad akong lumapit sa kinauupuan niya at umupo sa harap.

"Ano ba kailangan mo?"

"I just want to treat you." Sabi niya habang busy sa pagtingin ng menu.

I Own You, LiraWhere stories live. Discover now