"Naku, Roxanne, baka maging student mo siya! Talagang makalaglag pa---panga!" Nagtawanan ang mga babae kasama na ang baklang co- teacher niya na si George, Georgia sa gabi.

Narinig niya ang bell, hudyat na ng pagsisimula ng next subject niya. First meeting nila ngayon at kailangang mauna siya sa mga ito.

"Good morning class!" Ang lapad ng ngiti niya, halos nandun na kasi lahat ng estudyante, kung hindi pa naman siya nakipagtsismisan sa mga kasama ay malamang naunahan niya ang mga estudyante niya.

"Good morning Ma'am." Sabay –sabay na bati ng mga ito.

"You make take your seats, may I have your class card please."

Ipinasa naman ng mga estudyante ang hinihingi niya.

"As I call your name, please say present." May nakita siyang nagtaas ng kamay.

"Yes?"

"Ma'am, suggestion lang naman para maiba, saka 'di ba, 1st day ng klase natin ngayon, ma'am pwedeng we will go in front and introduce ourselves? Then our classmates may ask one to two question about us."

"Tss! Parang high school lang." Sagot ng isang lalaki.

"Napaka kill joy mo talaga Juan dela Cruz!"

"Enough, let's have it this way, who wants to have the getting to know each other thing? Like what had Shiva suggested."

Halos lahat nagtaas ng kamay, halos lahat naman kasi babae.

"Okay, one thing that I would like you to do is to speak English, for our subject is Basic English, obviously."

"Yes ma'am!" Halos sabay-sabay pa sila.

Natuwa naman siya sa mga styles ng nagpapakilala, until somebody at the back stood up. A very familiar face. Nanlaki ang mga mata niya. Parang hihimatayin yata si Roxanne.

It was Duncan.

Bakit hindi niya ito napansin kanina, sa tangkad ba naman nito. Pangiti-ngiti ito nung humarap sa klase. Hindi siya nito tinitignan. Anong ginagawa nito sa klase niya? Dali-daling tinignan niya ang list of official enrolees sa subject niya.

Duncan Dizon's name is there. What happened? Anong trip nito?

He was just wearing a jeans and a gray t-shirt, bakit parang ang guwapo nito? That unruly hair but stubbles on his face. Siya ba ang tinutukoy ng mga co-teachers niya?

"Ehem Mam, can I started?"

"Ha?"

Somebody from the girls giggled. "Ma'am, can he start daw?"

"Ya-yah."

Lumingon ito sa kanya at kumindat.

Namula siya sa ginawa nito.

"I'm Duncan Dizon, I'm olready 28 years old, older than ma'am. I'm single since last week." Niloloko ba siya nito. His accent would just give the class an idea na hindi siya fluent sa English language, which is definitely untrue dahil alam niyang magaling ito.

"What made you enrol here Mr. Dizon?" Seryoso niyang tanong.

"Ma'am?"

Inulit niya ang tanong.

"I enrolling here becos...ahh.."

Napakamot ito ng ulo.

Kung hindi niya ito kilala ay talagang maiinlove siya sa mga actions nito. In love?

"What?"

"I enrolling here becoz, I...Because of you ma'am!" Then he gave her a grin.

Nagtawanan ang buong klase.

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon