TWENTY-THREE

28.4K 653 27
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TWENTY-THREE

Umakyat sila ng South Upi, Maguindanao para tignan yung rubber plantation na ipinagbibili kay Duncan. Katulad dati, sumama naman si Hazel. Nahihirapang i-contact si Duncan ngayon dahil nahulog ang cellphone nito, nasira kasama ang simcard kaya nagsusuplado ang binata dahil nawala ang contacts nito.

"Don't worry Honey, after this, pumunta naman tayo ng Cotabato City para bumili ng bago."

"Hindi naman yun ang importante, yung mga numbers sa sim card ko."

"Bosing, yung iba ay may record ako, naisave ko sa logbook."

"Thank you Roxanne, pero I'm expecting a call from Lucas Dylan." Malapit ng mag end ang ten days na palugit niya rito.

"Ang hirap naman pala nung Bossing."

Pero walang magawa ang binata, sana man lang ay magreply ito sa e-mail niya.

Na pa wow si Roxanne sa lawak ng lupain. Isang Chinese-Filipino ang may-ari nito, pipirmi na ito sa Luzon kaya naisipang ipagbili ang mga lupain.

"Hi, Duncan, mabuti at nakarating ka, hindi kita macontact eh."

"Nasira yung cellphone ko Mr. Lui." Mukhang close ang mga ito.

Napatingin ito sa kanilang dalawa ni Hazel.

"And they are?"

"Sorry, this is .."

"Hazel, Duncan's girlfriend."

Pagpapakilala ni Hazel sa sarili, hindi na pinatapos pang magsalita si Duncan.

"Really, nice meeting you, Hazel."

"And you are?"

"Roxanne, my secretary."

"Beautiful name, bagay sa may –ari ng pangalan."

Halatang bolero, pero napangiti pa rin si Roxanne.

"Bakit ngayon ko lang nalaman na may maganda ka palang secretary Duncan."

"You like her, Mr. Lui?" Malanding tanong ni Hazel.

"Hazel, don't start." Naiinis si Duncan.

"I like your girlfriend, Duncan, very frank, anyway, are you single ba Roxanne." Baling nito sa dalaga.

"Ah, can you show us around, Mr. Lui?"

"Nice one Roxanne. But I'm very persistent, business mixed with pleasure will do no harm sometimes."

Mukha siyang hindi titigilan ng lalaking to. Sasagot sana siya ng magsalita si Hazel.

"Yes she is Mr. Lui, she's looking for a rich husband, para naman umangat siya sa buhay."

Natawa ang lalaki."Can I apply ba Roxanne?"

"Tama na yan Mr. Lui, tigilan mo na ang sekretarya ko." Seryoso si Duncan.

Nilibot siya nito sa buong farm. Mukhang nagustuhan naman ni Duncan yung lugar. Nung paalis na sila ay biglang humirit pa si Mr Lui.

"Since you don't have a cellphone Duncan, can I get your secretary's number instead?"

"No! I mean ako na lang yung kukuha ng number mo Mr. Lui." Mabilis na sagot ng binata.

Natawa naman ng malakas si Mr. Lui. "Alam mo, kung hindi mo lang kasama ang girlfriend mo ngayon Duncan, iisipin kong nagseselos ka lang."

Namula si Roxanne. Tumahimik naman si Duncan. Napasimagot si Hazel.

"I'm just joking. But about Roxanne's number, Im serious about it."

Para wala ng mahabang usapan ay ibinigay ni Roxanne ang number niya kay Mr. Lui.

Kinagabihan nga ay tumawag ito.

Sinadya ni Roxanne na maturn off si Mr. Lui sa kanya.

Kumain siya habang kausap ito sa phone. Naghikab pa. Para namang tanga na tawa lang ito ng tawa. Nagyaya pa ng date.

"Hindi ako pwde Mr. Lim."

Samantala, naiinis si Duncan kay Roxanne, bakit ba ang dali nitong makahanap ng manliligaw? Una si Rafael, tapos si Mike, kung alam niya lang na magugustuhan din siya ni Mr. Lui kanina ay hindi na niya ito isinama.

Lagi na lang siyang nagseselos sa mga lalaking nagbibigay ng atensyon rito.

Nasa ganun siyang pag-iisip ng biglang bumukas ang kuwarto niya. Si Hazel.

Sa kuwarto ito ng anak natutulog. Napakunot-noo siya, masyadong manipis ang suot nito, alam niyang walang suot maliban sa kapiranggot na telang yun.

"Duncan." Sumampa ito sa kama niya.

Damn!

"I missed you Honey! I wanna make love to you."

Naihilamos ni Duncan ang mukha. Hazel is so beautiful, sa ilang araw na pagtira nito sa bahay niya, ilang beses na siya nitong inaakit.

"Hazel, you know my answer to that."

Nagalit ang dalaga. "Bakit ba ang cold cold mo sa akin ha. Simula ng dumating ako dito ganyan ka na. Dahil ba to sa stupid Roxanne na yan?"

"Huwag mong idamay si Roxanne ditto Hazel."

"Obvious naman na may gusto ka sa babaing yun. I always see you na nakatitig sa kanya. Na natutulala ka pag kinakausap ka ng babaing yun. Baka nakakalimutan mo Duncan, she is a bitch! Wala siyang pinagkaiba sa kabit ng tatay mo!"

"Stop Hazel!"

" I don't wanna stop! Kukunin ko si Kate sayo Duncan, tandaan mo yan, alalahanin mo, wala kang karapatan sa anak ko."

"Dammit! Anak mo nga siya, pero kahit kailan hindi ka pa naging ina sa kanya. For five years Hazel, ni isang text o tawag man lang wala akong natanggap sa 'yo, tapos uuwi ka rito, kukunin mo siya agad sa akin?"

"Hindi rito ang pangarap kong buhay Duncan, alam mo yan. Oo nagkamali ako five years ago nung iwan ko si Kate sa 'yo, pero wala akong choice, ngayon na may pera na ako, na abot ko na ang pangarap ko. Pwede ko ng kunin si Kate."

"Hindi siya parang tuta na basta mo na lang kukunin Hazel. Nung hindi ka pinanagutan ng lalaking nakabuntis sayo at iniwan mo siya sa akin, tinanggap ko siya, pero huwag mo naman siyang kunin ng ganun na lang."

Oo, si Kate ay anak ni Hazel sa ibang lalaki. Nagtaksil ito nung sila pa, pero dahil sa awa niya sa babae, at dahil sa mahal pa niya ito sa kabila ng ginawa niya ay tinanggap niya ang anak nito. Ganun siya katanga sa pag-ibig sabi pa nga ni Drew. But Kate was a gift to them, naging mas masayahin si Mamita, mas naging makulay ang buhay nila.

Ngayon, babalik ang ina nito at basta basta na lang kukunin ang anak niya?

"May ibang paraan pa naman Duncan."

"Ano?"

"Marry me."


Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon