FOUR

33.1K 817 33
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)


FOUR

May ibinigay na paper bag sa kanya si Duncan na naglalaman ng mga damit., decent attire raw ika nito. Darating kasi ang anak niya at ayaw niyang gagayahin nito ang ayos niya. Excited siyang makita ang bata, ang sabi ng Bossing niya ay limang taong gulang na raw ito, hindi malayo ang edad sa anak-anakan niya. Sa awa ng Diyos ay nasa kaibigan na niya ito, sumunod naman sa usapan nila si Faye.

Mula sa owner type jeep ay umibis ang isang cute na cute na batang babae. Kasama nito ang isa pang matandang babae. Nakasuot siya ng pantalon at simpleng t-shirt. Isa sa mga binili ni Duncan, buti at nagkasya ito sa kanya.

"Hi." Bati niya sa bata. "Magandang umaga po." Bati naman niya sa may edad ngunit maganda pa ring babae.

Ngumiti naman ang matanda. "You must be Roxanne, Duncan's secretary?"

"Opo ma'am." Kiming sabi niya.

"Mamita na lang iha. Galing ka pa palang Maynila. How do you find the place?"

Ang hilig naming mag-ingles ng kaharap. Tatanga-tanga pa naman ang role niya.

"I riding the erplain ma'am and Bossing Duncan saw me in the terminal there in far place."

Natawa ang matanda. "Mapagbiro pala ang secretary mo Duncan."

"Sorry Mam, only small Englis. Pero marunong po ako magtagalog. Pero kahit po ganun, nagagawa ko naman po ang trabaho ko kay Bossing Duncan."

"Mamita, pasensiya na ha. May inihanda po palang meryenda si Roxanne." He cut them, baka kasi saan pa mapunta ang sinasabi ng sekretarya.

"Wala yun, iho. I think I will like her."

Ngiting-ngiti naman si Roxanne habang nakatingin sa Bossing niya. Ang sarap lang belatan ni Duncan.

Masarap naman ang naihandang sandwich ni Roxanne, mabuti na lang at may instant palaman na ibinigay ni Manang Aning nung bumalik sila sa farm.

Iniwan ni Mamita si little girl Kate, susunduin ito sa Linggo dahil nag-aaral ito sa Lebak.

"Tita, you're so beautiful po. Ang ganda po ng hair nyo."

"Thank you Kate, gaganda rin ang hair mo, lagi mo lang susuklayin." Sinuklay nito ang buhok ng bata.

Duncan looked at them. Napabuntung-hininga siya, kung sana ay may mommy si Kate. Mukhang madaling nagkapalagayan ng loob sina Roxanne at ang anak niya. Ano kaya kung si Roxanne ang naging ina ni Kate? Natawa siya sa naiimagine na si Roxanne ang mommy. Napansin kasi niyang malapit sa mga bata ang sekretarya, kahit nung nasa bukid ay panay ang laro nito sa mga bata.

Tumunog ang cellphone niya, si Faye. Kinukumusta nito si Roxanne. Kung hindi ba nagkakalat.

"She's doing well, Faye, malaki ang naitulong niya sa akin sa farm. Isa pa, mukhang magkakasundo sila ng anak kong si Kate."

Bwisit na bwisit si Faye dahil mukhang nagugustuhan ni Duncan ang performance ni Roxanne. Mas lalo siyang nainis ng marinig mula sa lalaki na malapit pa ito sa anak niya.

"What?"

"You heard it right, Duncan. Alam mo, huwag kang masyadong magtiwala sa babaeng yan Duncan, may anak kaya yan dito. Hindi niya nga alam kung sino ang ama. Iniwan niya lang sa kaibigan niya. Kahit itanong mo pa."

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon