TEN

33.2K 779 42
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TEN

Nakarinig ng mahihinang katok sa pinto si Roxanne. Napagbuksan niya si Faye.Pumasok ito ng walang paalam sa kuwarto niya.

"My dear Roxy, how are you as a prosti secretary here?" Lumabas na ang tunay na kulay nito.

"As you can see, I am happy Faye, very happy." Nang iinsulto niyang sabi.

"Kulang pa yan sayo!" Madiing sabi nito.

"Ano ba ang nagawa ko at ganyan na lang ang galit mo sa akin ha?"

"Tinatanong pa ba yan? Lahat ng dapat ay para sa akin ay napunta sayo Roxanne." Tila demonya ito sa paningin niya.

"Hindi totoo yan! Wala akong inagaw sayo."

"Wala? Yung pagmamahal ni Papa? Yung atensiyon sa school? Yung lalaking mahal ko? Lagi na lang si Roxanne ang magaling, si Roxanne ang maganda, si Roxanne ang the best. Kulang na lang na ikaw dapat ang anak at ako ang ampon."

"Matagal ng issue yan Faye, hanggang ngayon ba naiisip mo yan? Umalis nga ako sa poder ninyo para wala kang masabi."

"Umalis ka nga, pero yung pagkumpara nila sayo sa akin, hindi nabura. Alam mo ba na yung mga crushes ko nung high school hanggang nung college lahat sayo nagkakagusto? Tapos si Kier, si Kier na lang yung kaisa-isang lalaki na par asana sa akin, nung una akin ang atensiyon niya, tapos nung nakilala ka niya, bigla nalipat sayo? Inagaw mo siya sa akin. Malandi ka talaga!"

"Faye, alam mo na hindi ko gusto si Kier." Mahinahong sabi niya. Gusto man niyang maawa kay Faye ay hindi niya magawa.

"Alam ko, kaya nga nilayo kita sa kanya, malayung-malayo." She smirked. "Anong pakiramdam na nandito ka kasama ni Duncan? Anong pakiramdam na sobrang baba ng tingin sa iyo? Ikaw yung pinandidirihan? Anong pakiramdam, Roxanne?" Nang-iinsultong tanong nito sa kanya.

"Matapos lang ito Faye, aalis na rin ako dito. Tapos babalik na sa dati ang lahat."

"Yun ang akala mo my dear Roxy." Ang sabi pa nito bago lumabas ng kuwarto niya.

Kinabukasan ay sumama sa kanila si Faye sa farm, ganun din si Drew. Inis na inis si Roxanne, bukod sa alam niyang nag iinarte si Faye, alam niya ring may binabalak itong hindi maganda.

Panay naman ang pagpapaalala ni Drew sa kanya tuwing nakapag sosolo sila. Mabuti na lang talaga at nandito ito, at least may kakampi siya kahit papano. Paano kaya kung sila lang tatlo ni Faye at Duncan, malamang naghalo na ang balat sa tinalupan, pinag-untog na niya ang ulo ng dalawa.

"Alam mo Duncan, hindi ko talaga akalain na magtatrabaho sa bundok iyang si Roxanne. Naku sa amin, ni hindi yan humahawak ng walis."

"Hindi naman kasi ako nagsasaka rito Faye." Hindi na siya nakatiis. Nagsisimula na naman si demonyitang Faye. Sa isip niya, mamaya ka lang, pag ako nakakita ng bulati rito, lalagyan ko yang mga kamay mo.

Ewan ni Roxanne pero naiinis siya kapag nakikita niyang magkadikit sina Duncan at Faye. Ito naman kasing Bossing niya, uto-uto kung minsan. Sa inis niya, hindi niya namalayan na nakalayo na pala siya kina Duncan. Nawili siya sa kakapulot ng mga ligaw na native sunflowers, yun ang tawag niya sa maliliit na bulaklak na hawig ng sunflower.

Samantala, kanina pa hinahanap ni Duncan si Roxanne. Kakain na sila subalit hindi niya nakikita ang sekretarya. Minsan nga natatawa siya, sa bukid na nga lang siya, may sekretarya pa con personal assistant. Pero malaking tulong naman ang dalaga sa kanya. Wala talaga siyang masabi sa trabaho nito.

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon