TWENTY-ONE

28.2K 697 43
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TWENTY-ONE

"Nasaan si Kate?"

Nasa tabi niya si Kate. Nakahawak lang ito sa kamay niya. Tumingin si Duncan sa kanila.

"Siya na ba?" Lumapit ang magandang Hazel sa kanila. Hindi siya nito pinansin. Tila natakot ito sa hindi nakikilalang ina kaya nagtago ito sa likod niya.

"Kate, I'm your Mommy Hazel." Napakapit pa itong lalo sa kanya.

"Wag kang magtago kay Yaya, baby, halika, ihuhug ka ni Mommy."

Napagkamalan pa nitong yaya si Roxanne.

Lumapit na si Duncan.

"Kate, c'mon, siya si Mommy Hazel." Hinawakan ni Duncan ang anak na ayaw bumitiw kay Roxanne.

Hindi man lang niya itinama ang pagtawag nito ng yaya kay Roxanne. Sabagay, talaga namang isa yun sa mga roles niya.

"Roxanne, halika iha. Magmeryenda muna tayo sa loob." Tinawag siya ni Mamita.

Parang wala lang sa sarili na sinunod niya ito. Naiwan tuloy ang tatlo sa labas, parang happy family lang.

Hindi tuloy maintindihan ni Roxanne ang mga kuwento ni Mamita, basta ang alam niya si Hazel ang dating girlfriend ni Duncan, sa pagkakaintindi niya sa sinasabi ni Mamita, umalis lang raw ito nung pagkasilang kay Kate ng walang paalam. Meaning hindi pa talaga sila ex, kasi hindi naman sila nagkaroon ng maayos na closure?

Masakit dahil kahit papaano ay umasa siya na magiging sila si Duncan.

Halos isang oras rin siyang tumambay with Mamita nang tawagin siya ni Duncan.

"Uuwi na tayo Roxanne."

Nakahinga ng maluwag si Roxanne, pero nadismaya nung makitang kasama nila si Hazel.

"Siyangapala Hazel, this is Roxanne, secretary ko."

"Aba, ang sosyal mo na pala Duncan, may secretary ka na, I think you won't need her na, nandito na ako eh."

Hindi napigilan ni Roxanne na pagtaasan ito ng kilay.

"No, I need her." Si Duncan.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya sa pagtatanggol ni Duncan sa kanya. Nung sumakay sila sa sasakyan ng binata, sa likod siya siyempre, sa harap ang antipatikang Hazel at si Baby Pretty niya.

Bakit parang bigla ang lungkot-lungkot niya? Bakit parang lalagnatin na yata siya sa nakikitang sweetness nina Duncan at Hazel?

"Alam mo Duncan, marami akong nameet sa States na willing mag-invest sa bansa natin, malay mo mapadpad sila sa Mindanao, kapag nangyari yun, ipapakilala kita sa kanila.

Ngumiti lang ang Bossing niya.

Sa isip ni Roxanne, wag sana silang mapadpad dito, o kung mapadpad man, ipapakidnap ko sila sa mga close ko na friends.

"Alam mo Kate, ang dami kong pasalubong sa iyo anak, may latest barbie doll ako jan, magugustuhan mo yun. Saka sayo Honey, I have something for you too."

Honey?

Nagkabati na ba sila kanina.

"Hindi ka na sana nag-abala pa Hazel."

"Hindi ka pa rin nagbabago Duncan, mga simpleng bagay pa rin ang gusto mo."

Feeling out of place na talaga si Roxanne. Parang hindi lang nag eexist sa likod. Wala pa ring imik si Roxanne kahit nung dumating sila sa bahay ni Duncan. Dito pala titira si Hazel sa kanila? Sila na nga talaga ulit? Bakit parang ang bilis?

Baka mahal na mahal pa rin ni Duncan si Hazel? Siya lang tuloy ang nasaktan sa naisip niya.

"Teka, Rose, right? Pick up my things and bring them to my room." Utos ng antipatikang Hazel.

"Hindi siya katulong rito, Hazel. Sekretarya ko siya, she's Roxanne, not Rose."

Strike two na yata ang pagtatanggol ng Bossing niya. Ito na ang kumuha ng mga bags ni Hazel.

"Are you okay, Roxanne?"

"Okay lang Bossing, tuwang-tuwa nga ako ko." Then she gave him a fake grin.

"Silly! C'mon, magpahinga ka na sa kuwarto mo, ako ng bahala rito.

Kung may kuwarto siya at tatlo lang ang kuwarto sa bahay na yun, saan matutulog si Hazel?

a. sa kuwarto ni Kate?

b. Sa kuwarto niya?

Hindi pwdeng 'B' kasi kanya yun, magpahinga nga sa room sabi ni Bossing Duncan di ba?

or

c. sa kuwarto mismo ni Duncan!

This cannot be!

"Roxanne?"

"Ha?" Kung anu-ano na talaga ang pumapasok sa isip niya. Malungkot siyang pumasok sa kuwarto niya. Bakit kasi bumalik pa si Hazel? Hindi ba pwdeng hilingin sa fairy godmother niya na mag disappear ito?

Nakatulog tuloy siya ng ganun ang iniisip.

Kinabukasan ay maagang nagising si Roxanne para as usual na pagprepare ng breakfast. Naabutan siya ni Duncan sa kusina. Tila bagong gising pa ito. Hindi yata nag jogging.

Sumunod ay si Hazel, bagong gising rin? Magkatabi kaya ang mga ito kagabi?

Ano ba Roxanne! Malamang, nakagawa na nga sila ng sariling nilang Kate, 'di ba?

Ang aga-aga nabwisit siya.

"Good morning Roxanne. Mukhang mabango ang niluluto mo ah."

Syet! Ang gwapo! Lapit pa bosing at mahahalikan na kita.

"Excuse me, Roda, right?"

"Roxanne," she said.

"Aw, sorry, Roxanne. Ipagtimpla mo nga ako ng kape." Utos nito.

"Can you not make your own, Hazel, you see, Roxanne here is my secretary, not a maid, nor a yaya."

"Oh, sorry Honey. Ikaw na lang magtimpla sa akin please, namissed ko yung timpla mo."

"Ay, ako na lang Hazel." Automatic na sabi ni Roxanne.

"Ma'am, call me Ma'am Hazel. Don't you know na proper way of addressing me?"

"Duh, as if your my amo. You see, I'm working with Duncan, not with you."

Ang aga, binubwisit siya, akala niya lang, uurungan niya ito.

"Aba't! Bastos pala yang secretary mo Duncan eh."

"Stop it Hazel." Duncan warned Hazel...


Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon