Chapter 19: The Devil's Digits

1.1M 29.6K 34.5K
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 19. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains graphic depictions of death and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

"BASTIEN MONTREAL? The rookie officer from the campus police?" Loki held his chin, his eyes got a faraway look in them. Nakatulala siya sa window at tila pinanonood ang mabagal na paggalaw ng mga ulap sa langit.

This morning, I decided to tell him about what we found out yesterday in the gymnasium. Hindi na masyadong nagulat pa. Kasama rin namin si Jamie sa clubroom na noong una'y walang kamuwang-muwang sa pinag-uusapan namin.

Dahil confidential ang topic, kinailangan ko pang i-lock ang pinto ng clubroom para makasigurong walang biglang makapapasok at makaririnig sa discussion. Mahirap na, baka may nag-e-eavesdrop pala sa conversation namin.

"Ano ba'ng meron sa officer na 'yon?" Kahapon pa 'yan tanong ni Jamie. Hindi ko pa sinasagot kung bakit big deal sa amin ang tune ng children song na narinig namin o kung sino ang kausap ng officer sa phone kahapon. Una, wala ako sa mood sa sabihin sa kanya. Pangalawa, kailangan ko munang i-consult ang club president namin.

Nagpalitan kami ng tingin ni Loki. Hindi pa member ng QED Club si Jamie noong na-encounter namin ang ilang tauhan ng misteryosong si Moriarty. Dapat yata in-orient muna siya tungkol doon para well informed siya sa panganib na kinakaharap namin. Baka kung nalaman niya agad, nagbago ang isip niya at naisipan niyang bumalik sa theater. Pwede pa naman niyang bawiin ang kanyang application.

"Tell her," utos sa akin ni Loki. "It's about time for her to know."

Bumuntonghininga ako bago sinimulan ang storytelling ko kay Jamie. "Aside from solving petty cases, we're also trying to solve the problem that is Moriarty." Ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan namin—mula sa muntikang pag-dissolve sa katawan ko at sa pagkalason ni Loki gamit ang belladonna. Sineryoso naman siyang nakinig sa akin. Napatakip pa siya ng bibig at tila nagulat sa mga nalaman niya.

"I-I can't believe na may gano'ng klase palang tao sa school!" may pagkasorpresa sa tono ni Jamie, pero mukhang hindi siya natakot. "Ang akala ko'y coincidence lang na may napapahamak na students every other week. Meron pala talagang nasa likod ng mga 'yon."

"That's how dangerous being in this club is." In-observe ko pa ang reaksyon sa mukha niya. "Kami nga mismo ni Loki, na-target na. Posibleng ikaw ang susunod. Posibleng 'yong next member natin. Walang makapagsasabi sa atin. Kung gusto mong mag-back out—"

"Back out? Bakit ako magba-back out?" tugon niya. "Mas naging interested pa nga ako kasi may big bad guy tayong pababagsakin! Parang meron tayong grand mission dito."

Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon