"Kilala mo ko abby, Kahit ilang rejection pa yun matanggap ko mula sa kanya, Mananatili pa din akong kaibigan nya."

"Alam ko, Martir ka e." Sabi nito.

Ngumiti nalang ako at umiling..

Mabilis nalang lumipas Ang oras at uwian na.

Nandto ako ngayon sa tapat ng room nila Rona. Waiting for her to come out.

"Alvin.." Napangiti ako ng makita ko stang palapit sakin..

"Hi," sabi ko.

"Kanina ka pa dyan? Si abby?" Tanong nya habang tumitingin sa paligid.

"Magkikita daw sila ng Boyfriend nya. Hehehe.." Sabi ko.

Bakit ba feeling ko natotorpe ako ngayon?

"Ah ganun ba? Tara na pala't umuwi." Sabi niya.

"T-teka.." Di ko Alam kung bakit Pero bigla nalang akong nautal.

"Luh! Anyare sayo? Hahaha!" Sabi nito sabay tawa.

"Gala muna tayo. Hmm kung okay lang sayo." Sabi ko..

"Hmm okay lang. Sige tara, gusto ko din kumain ng shawarma e. He he libre mo ko?" Sabi nya habang nagpapacute.

Damn! Who can resist her?!

"Wag ka bang magpacute dyan. Sige ililibre na kita.. (Baka di ko mapigilan sarili ko..)" Sabi ko.

Bigla nalang syang kumapit sa braso ko at hinila na ako.

And I love the feeling..
Gosh! I'm really fallen.

Nakasakay kami ngayon sa tricycle papuntang mall.. E kase sa Ayala may masarap na shawarma e.

Habang Nasa biyahe kami Ang daldal ng babaeng to, sa dami ng sinasabi nya Wala ako ni isang naintindihan haha!

Nakarating na kami sa Mall at tuloy tuloy sa install ng shawarma. E kase eksayted kumain tong masiba na to e.

"Wow! This is it!" Sabi nito habang ginagawa na yung shawarmang order namin.

"Di ka naman excited Kumaen nyan no?" Tanong ko Kay Rona.

"Hindi. Pakihawak nga." Sabi Niya hagis ng bag nya sakin.

Grabe talaga tong babaeng to. Haha Pero Sige.. Mahal ko naman e.

"Whaaaa eto na talaga! Eto naaaa!" Sabi nya na napapakagat labi pa.

Nakangiti nalang sa kanya yung nagtitinda..

Pagkaabot ng shawarma sa kanya tuwang tuwa naman sya. Grabe! Basta talaga pagkaen uh. Haha!

Pagkatapos naming bayaran yung binili namin pumunta kami sa riverside at dun tumambay.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain sya..

"Graveeeeh! Ang sarap talaga ng shawarma.." Sabi nya.

"Mukha ngang nageenjoy ka sa pagkain e." Sabi ko sabay punas ng sauce sa gilid ng labi nya..

"Thank you." Sabi nya.

Ngumiti lang ako saka kumain na din..

Napaisip ako kung paano ko sisimulan.
Is it really the right time? O binibigla ko sarili ko? Hayyyy Bahala na Si batman..

"R-rona.. Hmm may gusto kase akong sabihin sayo." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong nya habang patuloy pa din sa pagkain ng shawarma..

Whaaaaaa! Nerve wrecking to!

"A-ano kase.. Hmm.. A-ano.." Ay shet! Ang hirap netooo!!!! Damn!

"Ano nga yun?" Tanong ulit Neto..

"G-Gusto kita!" Buong tapang na sabi ko.

I look at her..
Napahinto sya sa pagkain nang marinig yung sinabi ko..

Tumingin sya sakin..

"A-alvin.." Sabi nya.

Pinilit Kong ngumiti.

"He he ! N-nabigla ba kita? Hahaha" pilit akong tumatawa..

"Bakit ako? Alvin.. Wag nalang ako." Malungkot na sabi nya.

"Ewan ko ba, Sayo kase tumibok puso ko e. Di ko kase kayang utusan to e." Sabi ko.

I'm trying my best to be strong in front of her pero deep inside I'm starting to cry..

Masakit e.

Yung sabihin sayo ng taong mahal mo na iba nalang mahalin mo instead of her.

"S-sorry alvin.. Kaibigan kita.. And I treasured you so much. Pero Sorry hanggang dun nalang yun.. Kase sa puso ko.. May isang tao na Nasa loob nito." Sabi niya..

Napakagat labi nalang ako.
Trying not to cry..

"S-si A-arnold.." Sabi ko..

"Kahit anong sakit dinulot nya sakin. Ewan ko Pero sya pa din laman nito." Sabi nya while pointing her heart.

"Yeah I know, and I understand.." Sabi ko..

My Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now