CHAPTER 32 - Evil Plans

Start from the beginning
                                    

Hindi na sya sumagot at sumugod ng diretso sa akin. Hindi ako handa sa atake nyang iyon pero agad ko din namang naiwasan. Tumalon ako pakaliwa at agad na inilabas ang Darksteel Spear ko. Ako naman ang sumugod sa kanya. Iwinasiwas ko ang spear ko sa direksyon nya pero nakaiwas sya kaya konting daplis lang sa braso ang natamo nya. Arrg. Kainis. Yung pagnanais ko na matalo sya, tumataas. Bawat atake ko sa kanya na hindi tumatama eh pakiramdam ko nilalamon ng galit ang puso ko. Masama ito. Baka mapatay ko sya o mapatay nya ako dito sa loob pag nagkataon. Pero anong gagawin ko? Parang may sariling utak ang katawan ko. Shit. I need to get out of here, fast.

Tinapunan ko sya ng magkasunod na patalim pero agad nya iyong naiwasan. Napangisi ako, umayon sa plano ko. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumayo. Tumalon ako sa isang sanga ng puno pero sa kasamaang palad, hindi masyadong kumapit yung suwelas ng boots ko kaya nadulas ito at na out of balance ako. Buti nalang nakakapit ako sa sanga na tinapakan ko kung hindi baka nahulog na ako ng tuluyan. Babalik na sana ako sa pagtayo sa sanga ng may biglang humila sa paa ko at ibinalibag ako sa lupa. Sa tindi ng impact, pakiramdam ko napuruhan ang braso ko na syang pinangsuporta ko. Iniikot ko ang katawan ko at nakita ko syang nakangisi sa harapan ko. Binato ko sya ng shuriken pero agad naman syang naka ilag.

Agad akong tumayo at dumistansya sa kanya. Shit. Naiintimidate talaga ako sa ngiti nya. Bwisit. Dahil sa medyo okupado ang isip ko ay hindi ko agad napansing sumugod sya. Wala na akong nagawa kung hindi salagin nalang ang mga atake nya. Malakas sya kaya naman nararamdaman ko ang damage sa mga braso ko na ginagamit kong pansalag sa bawat suntok at sipa nya.

Tumagal pa ng ilang minuto na puro salag lang ako sa bawat atake nya. Shit. I can't stand a chance on him. He's way too powerful for me. Nararamdaman ko na din ang pamamanhid ng mga braso kong bugbog sarado na.

Then, he takes over. He pinpointed my acupoints that leads to my paralysis. Bumagsak ako sa lupa, pero wala akong magawa, hindi ako makagalaw. Unti unti syang lumapit sa akin at inupuan ang tyan ko. Ito na ba ang katapusan ko? Hindi to pwede! Hindi ko pa nasisisgurong ligtas si Seal.

 Ito na ba ang katapusan ko? Hindi to pwede! Hindi ko pa nasisisgurong ligtas si Seal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Alam mo, sayang naman kung papatayin kita agad. Mas masaya siguro kung maglalaro muna tayo." Sabi nya sa akin habang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Itinukod nya ang isa nyang kamay sa may gilid ng mukha ko habang ang dalawa nyang tuhod ay ipinuwesto nya sa magkabilang gilid ko. Para tuloy syang nakapatong sa ibabaw ko. Wala akong ibang magawa kung hindi titigan sya ng masama. Inihawak nya ang isa nya pang kamay sa pisngi ko at marahang hinaplos iyon. Sana patayin na lang nya ako kung gusto nya akong patayin. Ayoko ng gantong katapusan.

"Enjoy the pain, Mayonaka." Bulong nya sa tainga ko kasabay ng pagdampi ng dila nya dito. Shit. Kinikilabutan ako sa ginagawa nya. Inilayo nya ng bahagya ang mukha nya sa mukha ko at kitang kita ko ang malademonyong pag ngiti nya. Dahan dahan nyang idinaplis sa pisngi ko ang isang dagger. Ramdam ko ang hapdi noon pero hindi pa din ako makagalaw.

Sunod sunod ang naging pag hiwa nya sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang hapdi at pagdaloy ng dugo sa bawat sugat ko. Pero tila na blanko ang utak ko sa sumunod nyang ginawa. Hinalikan nya ako sa labi at naging marahas ang halik na iyon. Shit. I feel like I was violated, well I really am violated by this monster. Gusto kong magwala pero wala akong magawa dahil hanggang ngayon ay hindi ako makakilos.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now