Chapter One

6.9K 128 3
                                    


- Raphael -

Exactly eighteen years ago...

"Raphael, bilisan mo iho at mahuhuli na tayo sa binyag ni kumpare." Tawag ni Papa mula sa labas ng garahe.

"Ang gwapo-gwapo naman ng anak ko. Pa-kiss nga." Inilayo ko ang pisngi ko kay Mama.

"Ma, dose anyos na po ako at hindi na baby." Nayayamot kong sagot at kinuha na ang Gameboy ko tapos lumabas na ng kwarto.

"Kahit anong sabihin mo, you'll always be my darling little boy." Sabi ni Mama at hinalikan ako sa pisngi.

"Yuck. Eewww." Sabay pahid ng pisngi ko.

Nag-iisang anak ako ng pamilyang Montero at isang abogado si Papa at si Mama naman ay principal ng Isla del Fuego Elementary school. Simple lang pamilya namin pero dahil sa pagsisikap ni Papa ay kilala kami sa munting isla namin.

Sumakay ako sa loob ng bagong sasakyan namin na ibinigay bilang regalo ni Don Zandro Fortaleza, ang may-ari ng Isla del Fuego. Si Papa kasi ang abogado ng pamilyang Fortaleza at isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Zandro.

Ngayon ay dadalo kami sa binyag ng kanilang anak na babae. Ilang taon ding ang mag-asawa na nanalangin na magkaroon ng anak para maging heredera ng kanilang kayamanan. Tinuring "Miracle Baby" nina Don Zandro at Donya Loreta si Marizella Fortaleza or Baby Mari.

"Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa kayamanan ng mga Fortaleza." Ani ni Mama habang papasok kami sa marangyang driveway ng mansyon.

"Huwag kang mag-alala, Nelia. Mararating din natin ang kanilang estado. Konting tiis lang." Sabi ni Papa at ipinarada ang kotse katabi ng mga luxury cars ng mga dumalo sa okasyon.

"Kelan pa kaya iyon, Benjie? Malamang patay na ako bago pa tayo magkaroon ng ganitong mansyon."

Hindi na nakasagot si Papa dahil lumabas na ang katiwala ng mga Fortaleza para ihatid kami sa bulwagan kung saan idadaos ang binyag at magiging ninong ni Papa ang anak nila Don Zandro. Isang malaking karangalan ang maimbitahan sa binyag, maging ninong pa kaya ng kanilang unica iha kaya kinaiinggitan kami ng ibang tao sa isla.

"Mabuti at nakadalo ka sa aming munting salu-salo, Benjie!" Bati ni Don Zandro at niyakap si Papa.

"Binata na pala ang aking inaanak!" Niyakap din ako ni Don Zandro at hinalikan sa pisngi ni Donya Loreta. Matagal na din na hindi ko sila nakikita dahil sa Maynila ako nag-aaral. Gusto ng mga magulang ko na maging maganda ang edukasyon.

Nakipagbeso naman si Mama kay Donya Loreta at ipinasilip ang natutulog na Baby Mari.

"Naku mare! Napakagandang bata naman tong si Baby Mari. Malamang maraming lalaki ang kakandarapa sa kanya." Bulalas ni Mama na napatawa naman si Don Zandro.

"Habang nabubuhay ako, walang lalapit diyan sa aking prinsesa mare. Dapat karapat-dapat na lalaki ang mapapangasawa ni Mari."

"Baby pa lang si Mari kaya huwag mo munang isipin iyan. She's going to grow up a happy and healthy baby first." Buong pagmamahal na hinalikan ni Donya Loreta at inilapag ang sanggol sa kanyang crib.

Habang nag-uusap ang magulang ko sa mag-asawa ay di ko maiwasang lumapit sa crib. Mahimbing na natutulog ang sanggol na may ngiti sa kanyang mga labi. Tinitigan ko ng maigi at nabigla nang bumuka ang kanyang mga mata tapos itinaas ang kanyang kamay. Inabot ko ang aking daliri at kinuha ito. Kinuyom niya ang kanyang kamay ng mahigpit tapos tumawa. Tila napasaya ko siya sa aking ginawa na panay tawa nito. Narinig ni Donya Loreta at lumapit sa aming dalawa.

"Mukhang natutuwa tong si Mari sa iyo." Sabi niya at napangiti ako.

"Dahil ikaw ang nakakatanda, Raphael. Sana ay maging gabay ka ni Mari. Maipapangako mo ba iyan sa akin?" Nag-alangan akong sumagot kasi hindi ko pa naiintindihan lubos ang kanyang pakiusap.

"Just be there for Mari, Raphael. Promise it." Kinuha niya ang pinkie ni Mari at ang pinkie ko.

It was a pinkie promise.

Kinuha ko ang kamay ko at ngumiti lang si Donya Loreta sabay kuha kay baby Mari kasi magsisimula na ang binyagan.

Nakipaglaro ako sa mga kaedad ko ng Gameboy ko at nakalimutan ang pangakong ginawa ko.

After five years...

Ngayon lang ulit ako nakauwi sa Isla del Fuego dahil sembreak na namin. Nasa kolehiyo na ako nag-aaral ng Political Science sa isang kilalang eskwelahan sa Maynila. Kaarawan ni Mari at dadalo kaming pamilya na tila kahapon lang ang binyag ng unica hija ng mga Fortaleza.

Malapit pa rin kami sa kanila at nagsisilbi pa rin si Papa kay Don Zandro. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay tila nagkakagulo ang lahat.

"Anong nangyari kumpare?" Tanong ni Papa sa tila balisang Don Zandro.

"Si Mari nawawala na naman."

"Nawawala?" Nag-aalalang tanong naman ni Mama.

"Nagtatago lang si Mari. Huwag kang exaggerated Zandro." Sagot naman ni Donya Loreta na may bitbit ang isang magarang damit na pambata.

"Limang taon pa lang si Mari at napakasutil na." Napailang lang si Don Zandro.

As usual bored ako sa mga ganitong okasyon kaya naisipan kong gumala sa hardin. Nagbabakasakali akong makakilala ng isang magandang dalaga kaya naglakad-lakad ako sa likod ng mansyon.

Umupo ako sa isang bench malapit sa bird bath at inilabas ang tinatago kong sigarilyo. Hindi alam ng mga magulang ko na naninigarilyo ako at di nila kailangan na malaman pa.

"So you're the one who's smoking!" Narinig ko mula sa likod ko at napalingon sa isang cute na bata.

"I will tell Daddy and Mommy!" Sabi niya at nagsimula nang tumakbo para isumbong ako. Wala akong magawa kundi ang habulin siya.

"Help! Help!" Sigaw niya kaya tinakpan ko ang bunganga niya. Doon ko lang napatanto na si Marizella Fortaleza pala ang makulit na batang ito dahil sa gintong kwintas niyang na letrang M.

Nagtago kami sa mga puno nang marinig ko ang tawag sa pangalan niya ng mga katulong.

"Seniorita Mari! Naku ang batang iyon napakapilyo!" Narinig naming daing ng katulong at umalis na.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagtakip ng kanyang bibig at sumenyas na tumahimik siya.

"Heto Mari. Hindi ko sasabihin na dito ka nagtatago kung di mo sasabihin na naninigarilyo ako. Ano? Promise?" Lumuhod ako para makaharap siya ng maayos.

"Really? Okay. It's a promise." Inilabas niya ang kanyang hinliliit na nabigla kong naalala ang pangakong ginawa ko sa mama niya noon.

"Promise, Mari." Sagot ko at ikinabit din ang hinliliit ko sa kanya.

Ngumiti ng ubod ng tamis si Mari at tila nabighani ako sa inosenteng ngiti ng bata.

Nauna akong umalis at pagkatapos ng isang oras ay nagpakita na si Mari dahil alam niya na magagalit na si Don Zandro kung hindi pa siya magpapakita.

Noong araw na iyon ay tila naintindihan ko na ang pangakong ginawa ko kay Mari noong binyag niya.

I'll be there for you always, Mari. Promise.

Velvet Rose (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon