Chapter 5

2.8K 48 11
                                    


Sa isang abandonadong building na ilang metro lang ang distansya mula sa school ang lugar na sinabi nilang sa 'kin. Inalukan pa nila ako ng isa sa mga kalawangin nilang motor pero tinanggihan ko sila at naglakad lang na sinundan sila.

Pagdating ko sa lugar ay naghihintay na sila sa 'kin. Amoy na amoy ko pa nakakasulasok na amoy ng sigarilyo mula sa mababaho nilang mga bibig sa buong lugar. Nagtatawanan pa sila habang nagbubulungan sa harap ko lalo na yung patpating lalaki na binugbog namin dati.

"Dumating ka rin!" sigaw sa 'kin ng lider nila.

I smiled. "Hindi ako marunong umatras sa kahit na anong laban." Sagot ko tapos ay sinuntok ko na ang isang palad ko. "Sinong mauuna?" tinitigan ko sila isa-isa.

"Walang mauuna." Lumakad papunta sa 'kin yung lider na may mabahong hininga. "Dahil ako lang ang kakalaban sa 'yo," dagdag niya.

Nagtaas ako ng isang kilay. "Sigurado ka?"

Biglang dumilim ang mukha niya.

"Kung sino ang matatalo, ay nakukunan ng emblem at magiging alipin ng mananalo!"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Gusto ko iyan."

"Mabuti." tapos ay sumugod na siya.

Ang sunod na nangyari, nagsuntukan na kami.

Maingay sa paligid. Nagsisigawan ang mga kasama niya't nagchi-cheer na sa kanya.

Napaatras ako sa suntok niyang yun sa isang pisngi ko. Sanhi upang dumugo iyon. Nagsigawan naman sa tuwa ang mga tuta niyang nanonood sa amin.

"MAHINA KA PALA EH!" Sumigaw pa yung isa sa kanila tapos ay nagkantiyawan ulit yung mga kasama nila saka nagtawanan.

Niluwa ko yung namuong dugo sa bibig ko. Saka ulit ako humarap dun sa lider nila.

"Ano ha? WALA KA NAMAN PALANG BINATBAT EH!!"

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay ngumiti lang ako't sinenyasan siyang lumaban pa sa 'kin gamit ang isang daliri ko.

Mukhang napikon siya sa ginawa ko kaya sinugod niya ako. Isang suntok sa dibdib, isang tuhod naman sa tagiliran. Napaatras ulit ako, yakap-yakap ang tagiliran kong tinamaan niya.

Tapos ay pinagtawanan nila ako.

"ANO? BAKIT AYAW MO NANG LUMABAN? NATATAKOT KA NA BA, HA?"

Pinahid ko ang pisngi kong nadungisan na ng dugo kanina.

"HAHAHAHAHA!!  WALA KA PALANG BINATBAT EH!! DUWAG!! HINDI MO MAN MAGAWANG GUMANTI!" tapos ay pinagtawanan uli ako nilang lahat.

Sinuntok niya ulit ako sa mukha.

Tapos sa tiyan.

Sa mukha ulit.

Sa dibdib.

At sa balikat.

Siniko niya ako.

Tinuhod ng ilang beses sa tiyan.

At tinulak.

Napaatras ako.

At Natumba sa lupa.

Mabilis nang umaagos ang sariwang dugo sa bibig at pisngi ko, pero hindi ko iyon pinansin.

Dahil nagbibilang ako.

"ANO?? SUMUSUKO KA NA BA??! ANG HINA MO NAMAN PALA EH, LAMPA!!" sinipa pa niya ako ng malakas sa likod habang tumatawa.

"AHAHAHAHA!! YAN LANG PALA ANG IPINAGMAMALAKI NG HAZZARDS EH!"

"WALA PALA SIYANG BINATBAT KAY BOSS!"

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon