|The Breakout|
Mahigpit ang kapit ni Devon sa aking katawan. Tumatakbo kami ngayon sa kahabaan ng hallway sa palapag ng mga bayolente. Dito kami napadpad ng dahil sa mga nurse na hinahabol kami kanina. Halos makailang mura na si Ralph ng dahil sa nerbyos. Si Cedes naman ay kanina pa tahimik kagaya ko.
Kanina pa naglalaro sa aking isipan ang iba pa naming mga kasamahan. Hindi ko mapigilan ang kyuryosidad na unti unti akong inaakyat. Kung tatakas si Devon dapat kasama si Trix. Pero katakatakang wala sila.
"Sila Trix.." Sabi ko kay Devon habang sumasabay sakanya sa pagtakbo. Umiling siya. Alam ko na agad, malamang nagpaiwan sila dahil buwis buhay talaga itong ginawa nila para saakin.
Tumigil kami sa dulo ng may marinig kaming mga yabag sa likuran. "Tago!" Bulong ni Ralph.
Nataranta sa pagsiksik sina Cedes sa sulok sa kanan habang kami naman ay walang nagawa ni Devon kungdi ang pumasok sa isang kwarto. Bukas iyon ngunit madilim sa loob.
"Shh.." Bulong niya habang nakaupo ako sa sahig at siya naman ang nakasilip sa labas.
Sandali kaming nalunod sa katahimikan. Hindi ko alam kung bakit ngunit lalo akong kinabahan, ang tanging nararamdaman ko nalang ay ang malakas na tibok ng puso ko. At sa isang iglap malakas at matinis na sigaw galing sa labas.
Nagwawala si Cedes at si Ralph, aaksyon na dapat ako ngunit tinakpan ni Devon ang bibig ko at pilit akong pinigilan. Hawak sila ng mga nurse at hinahatak papalayo.
"Bitawan niyo kami!" Sigaw nila ng paulit ulit. Hindi nila kami itinuro. Malamang ay dahil sa misyon naming kahit isa lang ang makalabas.
"Asan na yung dalawa pa?" Tanong ng boses na nadidinig lamang namin. Sandaling katahimikan bago sumagot ang isang malamig ngunit babaeng boses.
"Dalawa lang sila dito." Lalo akong kinabahan ito lang ang kwartong pwede nilang icheck. Agad nilock ni Devon ang pinto. Nakailang pihit ang mga nurse dun bago kami nilubayan. Hindi ako makasilip at ganun din ang kasama ko. Baka mamaya nasa labas pa ang mga yun.
"Nakatakbo yung dalawa!" May sumigaw sina Cedes ata ang tinutukoy. Narinig kong isa isang nagtakbuhan papalayo ang nurse na nakaaligid sa lugar kung nasan kami.
Nakahinga ako ng maluwag ganun din si Devon ngunit bago pa kami makapagsalita ay may tumawa sa likuran ko. Yung tawang nakakaloko sinundan ng malakas na hagulgol.
"Teka, sino—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang may humatak sa buhok ko. Napahiyaw ako dahil sa hapdi kinaladkad ako nung tumatawa sa sahig. Binuksan ni Devon ang ilaw.
Nakita kong matandang babae ang pasyenteng humahatak sa buhok ko may dala siyang gunting at gulo gulo ang buhok. Kitang kita ang luha sa mata niya habang tumatawa.
"Ito ba Karding ang ipinalit mo sakin?" Tinitigan niya ako at pinadaanan ng gunting ang mukha ko. Tumingin siya muli kay Devon na gulat na gulat sa mga mangyayari.
"K-Kaibigan lang a-ako ni Karding.." Wala sa sarili kong sagot. Baliw ang babaeng ito at bayolente. Isang maling galaw hindi siya magdadalawang isip na kitilan ako ng buhay.
Lalo siyang natawa sa sinabi ko. "Sinungaling kayo! Nakita ko kayo nung isang araw. Pumasok kayo sa kwarto namin!" Tumatawa tawa siya habang palipat lipat ang tingin samin ni Devon.
"I-Ikaw lang ang m-mahal ko." Natatarantang sabi ni Devon sa matanda habang nakatingin sa gunting.
"Nadinig mo 'yon malandi ka? Ako daw ang mahal niya!" Tinulak niya ako palayo. Agad akong tumayo at sinalubong agad ni Devon. Nanlaki ang mga mata nung matanda.
"Sabi ko na nga ba!" Ngunit bago pa siya makasugod ay nakalabas na kami. Nilock ulit namin ang pinto ngunit galing sa labas naman.
"Hayun!" Napalingon ako may lalaking tumuturo samin na nasa dulo pa ng hall. Agad akong hinatak ni Devon, pababa sana kami ngunit may mga nurse na naroon. Umakyat kami papunta sa palapag mg seksyon namin at ng opisina ni dok. Wala kaming lalabasan dun!
"Sa taas pa." Sabi ni Devon na hinihingal na rin. Mukhang sa tuktok kami mapapapunta! Bahala na! Nang makarating kami sa itaas ay agad na sinenyas ni Devon abg hagdan sa dulo. Merong hagdan na nakadikit sa ding ding pababa. Umaabot yun sa bintana ng ikalawang palapag. Pupwede ng talunin.
Mga ilang hakbang pababa ay may narinig kaming mga yabag sa taas. Sampung hakbang na ng may sumilip at makakita saaming pababa.
"Pababa sila! Sinong nagbabantay sa baba!?" Halos mapamura si Devon ng dahil sa nerbyos ako naman ay mabilis na bumababa lang.
Nang makarating kami sa kung saan lang abot yung hagdan ay naunang tumalon si Devon pagkatapos ay sinalo niya ako pababa. Tatakbo na sana ako ng biglang hawakan ni Devon ang braso ko.
"San ka papunta?"
"Tara na pababa na sila." Ngumiti siya at iniangat ang susi sa kamay niya.
"Sakay na, bilis!"
"Hoy! Hoy!" Mabuti at alam na nila Devon kung saang van agad sa dinamidami ng naroon. "Hoooyy!!" Malakas ang sigaw ng nurse na nakakita saamin na unti untingg pinaandar ang van. "Paalis na sila!" Halos maputol ang litid niya.
"Papaano sila Trix, Cedes?" Tanong ko.
"Babalikan natin sila." Pinaandar ba niya ang sasakyan. Nakita namin sa side mirror na may mga iilang tumatakbo para habulin kami at ang iilan ay sumakay na rin ng van. Mabilis ang pagpapatakbo ni Devon, ngunit hindi pa kami nakakalayo ay pumutok ang gulong ng van. Gumewang gewang ito at buti naipreno agad ni Devon.
"Anak ng!" Sabi niya sabay baba ng sasakyan. "Patrice bilis! Takbo." Tumakbo kami sa kagubatan, mga ilang sigundo lang din ay nakita namin ang ilaw ng mga van na sumunod saamin. Napadapa kami sa may malaking kahoy at dun sumilip.
"Asan sila? Hanapin niyo! Hindi pa yun nakakalayo!"
Nagulat kami ng may biglang tumapat ng flashlight saamin. "Nandito sila!" Sigaw niya, ni hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Tumayo agad si Devon at sinapak yung lalake bago ako hinatak. Tumatakbo ulit kami, may ilang tumatakbo kasunod namin at iilang sumakay ulit sa kotse inuunahan siguro kami para maharangan. Shiz! Mas alam nila ang lugar na ito!
YOU ARE READING
The Hidden Asylum
Mystery / ThrillerPaano kung ang akala mong totoo ay hindi pala? Papaano kung ang alam mong kasinungalingan ay totoo pala? Kakayanin mo ba ang mga makikita mo? O di kaya'y mas magandang tanong ang, kakayanin mo ba ang mga bulong ng isip mo? Katulad ka rin ba ng mga...
