|The Deprived Sentiment|
Bukas na ng gabi. Bantay sarado parin ako ni Devon. Pero salamat na rin dahil kahit papaano nararamdaman kong ligtas ako ng dahil sa pagbabantay niya... Ang mga pagakbay niya sakin sa hallway kapag tinititigan ako ng lalakeng nurse na paniguradong kukunin na ako bukas ng gabi. Napanatag ako ng dahil dun. Mabuti nalang at nandito siya, bilang kasama, kaibigan at—
"Patrice? Okay ka lang ba, kanina ka pa nakatitig?" Tanong ni Devon.
"Wala may naisip lang.." Maiksi kong paliwanag, pinanliitan niya ko ng mga mata. Ano na naman ang iniisip niya? Na tatakasan ko siya? "Pwede ba?" Natatawa kong sabi.
"Mahirap na." Maiksi niyang pahayag na nangingiti na rin. Naisip ko tuloy kung wala kami ni Devon sa ganitong sitwasyon, magkikita parin kaya kami sa labas ng asylum? Bilang ano at papaano?
"Devon, tingin mo kung.. kung hindi tayo napunta dito.. at buhay pa si, si Clara.. magkikita kaya tayo?" Ngumiti siya at sumandal sa railings bago ako nilingon. Nandito ulit kami sa garden.
"Oo." Mabilis niyang sagot na para bang siya ang panahon na nagtagpo saamin. Ito ang isa pang nagustuhan ko sakanya. Parati siyang sigurado. Para bang ang mga desisyon niya ang kailangan para mawala ang mga pagaalalang naiisip ko. Para bang.. kapag siya parating tama.
"Oo?" Natawa ako, pano naman mangyayari yun?
"Oo kasi, with Clara nagdadalawang isip ako parati, sa lahat, sa desisyon ko pati na rin noong ililigtas ko ba siya o hindi. With you, sigurado ako. Ayoko. Ililigtas kita. Hindi pwedeng mawala." Wala na ako halos masabi kungdi ang pangalan niya.
"Devon.."
"Yun ang totoo.." Ngumiti ako ng malungkot. Parang tubig na umaagos ang mga salita niya.
"Pero ang sabi mo, ayaw mo lang maulit ang dati.." Tumango siya habang nagsasalita ako.
"Oo ayaw na ayaw ko. Kasi kung may doubts ako tulad ng dati baka hayaan kita sa selfless na decision na yan. But then wala akong doubts, sigurado ako kaagad Patrice..." Lumapit siya saakin. "Kaya nga tinatanong kita kung anong ginawa mo sakin?" Napapikit ako sa distansya namin. Niyakap lang niya ako uli ng mahigpit. Sobrang higpit na alam kong ayaw niya talaga akong pakawalan.
* * *
Galit na galit parin si Beatrix saakin. Naintindihan ko naman kung bakit, wala na rin akong panahon para ipaliwanag ang sarili ko. Tawa ng tawa si Cedes ng maiwan kaming dalawa sa kwarto.
"Nakita ko kayo kanina.." Mapangasar niyang sabi saakin, nakita ang alin? "Kayo ni Devino kanina sa garden!" Natawa ako ng bigkasin niya ang tunay na pangalan ni Devon, kung nandito ngayon yun ay malalagot kami ng hindi oras. Natawa na rin ako.
"Oh eh ano ngayon?"
"Anong ano ngayon? Eh magkayakap kayo!" Malakas na bulong niya, natatawa siya ngunit nawala rin kaagad. "Kaya lang nakita kayo ni Trix, Patrice." Pati ako ay natigil sa pagtawa.
"Nakita? Lahat ng yon?!"
"Oo. Simula sa paglapit ni Devon sayo hanggang sa yakapin ka niya." Shiz! Naloko na! Ano na lang ang iniisip niya? Na inaagaw ko si Devon sakanya, na.. na isa akong ahas. Kagaya lang din nila Tania at Drew. Umakyat ang konsensya saakin. I've suppressing this sentiment for Devon, pero nabigo lang ako. Kasalanan ko ba?
"Dapat siguro layuan ko nalang ulit si Devon." Hindi umimik si Cedes, nanatili siyang nakatitig sa likuran ko.
"Kasi— baka lalo lang kami magkagulo ni Trix.. Naguguluhan na ako. Iiwas nalang siguro ako? Tama diba?" Hindi parin nagsasalita si Cedes, kung kailan kailangan ko ang mga salita niya tsaka naman ganyan.. "Cedes! Ano?" Nakatitig parin siya sa likod ko.
Lumingon ako at nakitang nakatayo dun si Devon. Tulala lang siya pero kitang kita kong galit na galit siya. Mas malala pa ito sa pakiramdam na baka magalit si Trix. Kinabahan ako kaagad.
"Devon?"
"Ano ako Patrice laruan?!" Galit siyang tumawa ng nakakaloko. "Pagaari ba ako ni Trix? Kaya ka pala nagkakaganyan? Pano naman ako?!"
Lumabas kaagad si Cedes, naiwan kaming dalawa. Umiling ako at naiyak.
"Hindi mo kasi maiintindihan.." Umiling lang ako ng umiling. "Sige magalit ka!"
"Hindi mo manlang ipapaliwanag yang hindi ko maintindihan!? Hah!" Nacornern na niya ako ngayon. Panay ang hampas niya sa ding ding.
"Napepressure ako okay! Gusto kitang hawakan! Pero hindi pwede sa ganitong sitwasyon, walang puwang sa isipan ko ito pero pilit kang sumisiksik! Lumalayo ako dahil tayo tayo na nga lang dito magkakasira pa kami ni Trix!" Pilit ko siyang tinutulak pero wala lang epekto.
"Sana sinabi mo!" Mas lalo lang siyang lumapit.
"Hindi mo naman maiintindihan!!" Natahimik kami kaya lalo akong naiyak.
"Hindi talaga kita maiintindihan dahil gusto kita, pero gusto mo akong itulak palayo." This deprived feeling should be freed pero natatakot parin ako. Natatakot ako kay Trix, sa sarili ko at kay Devon baka biguin at traydorin lang nila ako lahat. Baka masaktan ko lang si Devon sa kailangan kong gawing sakripisyo para sa lahat. Pero hindi na ko makapagisip ng maayos.
Lalong lumapit si Devon, nararamdaman ko na ang hininga niya sa ilong ko, napapikit ako. Hinalikan niya ako uli sa noo parang yung halik lang niya sa garden pero ngayon dumiretso kaagad siya sa tapat ng labi. Naghihintay siya sa gagawin ko, sa magiging reaksyon ko. Para bang dito nalang niya idinaan ang paghingi niya ng permiso na pumayag na akong magkaintindihan kami. Willing ba ako? Na itake ang risk?
Screw it, hindi ko na alam! Bahala na!
Hinalikan ko rin siya pero sa pisngi, lumingon siya sa direksyon ng labi ko at hinalikan yun. Isang halik na para bang matagal na niyang inaasam. Dumausus ang kamay niya sa bewang ko habang ako naman ay patuloy na niyakap siya sa leeg. Tumigil ako sa paghalik at tumingin sakanya.
"If it's still a no, then I'll do whatever it takes to be a yes, Patrice."
"Then do whatever it takes.." Sabi ko bago halikan siyang muli.
Sinabi ko iyon dahil yun naman talaga ang gusto ko. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko, matagal naman ng oo. Alam kong gulo ito. Alam ko ring masyadong makasarili, pero kung ganito siya kadesidido ay desidido na rin ako. Bahala na.
YOU ARE READING
The Hidden Asylum
Mystery / ThrillerPaano kung ang akala mong totoo ay hindi pala? Papaano kung ang alam mong kasinungalingan ay totoo pala? Kakayanin mo ba ang mga makikita mo? O di kaya'y mas magandang tanong ang, kakayanin mo ba ang mga bulong ng isip mo? Katulad ka rin ba ng mga...
