-End of the Final Chapter-
Author's note: Yey tapos na! Sorry sa mga typo at inconsistencies ng kwentong ito, nahirapan po talaga ako lalo na sa pinakang twist. As much as possible tinry ko yung best ko na maging maayos lahat.
Thank you! Sa mga sumuporta kahit na medyo boring or dull ang kwento. Salamat sa mga nagmahal at talagang nagtake ng time nilang magbasa.
Sorry talaga sa napakabagal na update, may time table talaga ako at nakadraft na lahat ng parts pero dahil sa dami ng ginagawa sa school ay nahirapan pa rin po ako magsulat/type.
Kung tatanungin niyo po kung anong nagudyok sa akin na magsulat ng ganitong kwento (kahit wala namang may interes malaman) well gusto ko lang iemphasize na everything is possible. Na sa lahat ng makakaharap natin sa buhay, sarili natin ang pinakang kalaban natin.
May oras na tayo si Patrice, yung tipong overthinker, kung anu anong iniisip, mahina ang loob maraming doubts sa mundo at sa mga tao sa paligid niya.
O kaya naman tayo si Tasya, yung mabilis mainsecure, mainggit o kaya naman magbalak ng hindi maganda sa kapwa. Kaya nga lang dito sa story umabot siya sa extremity. (Hahaha)
Pwede ring tayo si Mavric, after all the sacrifices nagsawa tayo at pinili ring maging makasarili sa huli..
Devon; baka ikaw/tayo pala yung akala mo talaga wala sa itsurang may pakialam pero ikaw yung pinaka may malasakit at pangunawa. Paobse-obserba lang.
Or may times na tayo yung side characters, yung pawn or bridge para mangyari ang mga mangyayari.
Ayun, gusto ko lang sabihin na kahit malayo, this story is a representation of our cruel world. Marami mang magaganda pero beneath the surface maraming tinatago, maraming naglalarong thoughts.
I hope you guys enjoyed at hindi ko nasayang ang inyong mga panahon (hahaha may mapupulot pa rin naman sa kwentong ito kakarampot nga lang). Whoo! So much love!! Sana basahin niyo rin ang sunod na kwento>> The Remote Island! Huhu pasensya na sobrang lame ng titles, sinadya ko po yan kasi wala talaga akong maisip. This story is about Liberty malayong pinsan nila Tania at Patrice :)
At oo nga pala! Kaya ko nilalagyan ng asterisk symbols kapag binabanggit nila ang pangalan ng asylum or place malapit dun dahil gusto kong gawing parang totoo yung experience (hahaha sobrang fail) para isipin niyo na nagbabasa kayo ng diary tapos dahil sobrang confidential nung info kailangan hindi banggitin. Mga ganun, okay sobrang dami kong pakulo. Hahaha!
Wala pong part two ang kwentong ito, at mukhang hindi na rin po ako mags-special chapter dahil for sure tungkol lang po iyon sa normal life ni Devon at Patrice.
Muli maraming kaban ng pasasalamat!
-whitetwinkle/f.a.
ANDA SEDANG MEMBACA
The Hidden Asylum
Misteri / ThrillerPaano kung ang akala mong totoo ay hindi pala? Papaano kung ang alam mong kasinungalingan ay totoo pala? Kakayanin mo ba ang mga makikita mo? O di kaya'y mas magandang tanong ang, kakayanin mo ba ang mga bulong ng isip mo? Katulad ka rin ba ng mga...
