CHAPTER 126

4M 87.1K 175K
                                    

DEIB'S POV

KINABUKASAN

Napapakamot ng ulong kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa side table at walang tingin tinging sinagot ko yun..

"Hello!" inis na sagot ko.

"Tss.."

Napabalikwas ako sa pagkakatayo nung marinig ko ang pamilyar na ekspresyong yun!

Agad kong tiningnan ang screen ng cellphone ko at... SI TAGURO NGA!

"B-Babe..." naiusal ko pa.

"Kagigising mo lang!?" parang inis pang tanong nya.

"O-Oo.."

"Tss.. wala ka bang klase?!"

Gulat akong napatingin sa wall clock ko!

7:45am! Amp!

Agad akong napabangon!

"S-Sige sige maliligo na ako.. I love you.." sabi ko sabay baba non..

Napalingon pa ako sa cellphone ko pero hindi ko na rin masyadong pinansin dahil mas late pa ako sa late!

Dali dali akong kumilos at naligo ng maayos at nung matapos, agad akong bumaba at hinanap ang mga tao..

"M-Manang?!" tawag ko pa na pumasok sa kusina at nakita si Manang na naghuhugas ng mga pinggan. Nilingon nya naman ako. "M-Manang, bakit hindi nyo po ko ginising??" pigil ang inis na tanong ko.

"Aba eh.. nagpagising ka ba?? Wala ka namang nabanggit kagabing magpapagising ka ngayon?? Oh teka.." gulat syang napatingin sa kabuuan ko. "Aba eh, may klase ka ba?!"

"T-Tsk.. late na ako, Manang.. Hindi na ako kakain.. dadalin ko na lang 'to.." sabi ko at saka kinuha ang tatlong Cinnamon Rolls na nandoon at saka mabilis na tumakbo papalabas. Gulat naman sila Mom and Dad na makita akong nagmamadaling lumabas.

"D-Deib, anak?? Hindi ko alam na may pasok ka pala??" tawag sakin ni Mommy na napatayo pa para lingunin ako habang pababa sa parking ng bahay.

"Yes, Mom! I'll see you later! I love you!" sigaw ko at saka mabilis na pumasok sa kotse ko!

"Drive safely, son!" sigaw pa ni Dad!

"I love you too Dad!" sigaw ko naman.

Badtrip naman oh!

Nagmadali akong magdrive at nung marating ko ang school at nagmadali rin ako papasok!

Wala akong makitang students na pakalat kalat dahil paniguradong nagsisimula na ang klase!

Demmit! It's Wednesday! Si Miss Agaser ang Lec!

Nagmadali akong umakyat at....

*TING!*TING!*TING!*

Nasan ang mga tao?!

WALANG TAO sa loob ng room namin!

Bio Lab!

Mabilis akong bumaba papunta sa Bio Lab at bago pa man tuluyang makarating doon ay dinig na dinig ko na ang boses ni Miss Agaser!

Yari na!

Wala akong choice kung hindi ang lumapit at dahan dahang pumasok..

"AHA!!!! Mis-ter En-ri-le!!!!!!!"

"M-M-Miss.." napapahiyang sagot ko na kalahati pa lang ng pintong yun ang nabubuksan!

"Hahahahhah!!!" malakas na tawanan nung mga classmates namin!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon