CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks

Start from the beginning
                                    

"Hahahahahahaha! Ahh yeah! The ever demanding Zarnaih's reacting on the side.. Mmm yeah.. it was really nice----"

"Tse! Samantha, stop me! Wag mo kong ingles inglesin! Tapos na ang interhigh oh!" nakangusong pigil ni Naih sa kanya at saka ngumiti ng malaki! "Wag mo na kaming dadaragin ah!? Hahahahhaha!!!"

"Hahahahaha sure.. wala naman ng dapat paglabanan pa dahil talong talo na talaga ako sa inyong dalawa! Tsk!" nakangiting sagot pa ni Sam sa kanya.

At nagyakap sila.

"Oh well.. nanonood si Daddy at paniguradong katakot takot na pangsasabon na naman ang gagawin nya sakin dahil natalo ako ng isang Maxpein na dating tambay lang naman sa bilyaran namin hahahahahaha! Masakit pa rin pero.. sa tingin ko ay kailangan ko ng tanggapin.." baling sakin ni Sam.

"Wala naman akong pakialam kung sinong mas magaling.. ang mahalaga, kung sinong nanalo.. Wag kang mag-alala.. ikaw pa rin ang kauna-unahang babae'ng tiningila ko sa larangan ng bilyar bukod kay Black Widow at sa sarili ko.." nakangiting sagot ko.

"Sya sya.. Tama na ang mga pang-uuto mo! Matapos mo kong talunin e ngayon mo sasabihin yang mga papuri mo! Hmp! Kahit kelan ka! Halika nga dito! Give Samantha a big hug!!!" natatawang sigaw pa ni Sam sakin.

"Tss.. hindi na.." tanggi ko pa.

"Anong hindi na! Magyakap kayo! Punyeta!" sigaw ni Naih!

At pinagdikit kami!

Napayakap na lang rin ako kay Sam dahil sa pagkakatulak papalapit samin ni Naih at dahil na rin sa nahihiya akong lumayo pa.

*YAKAP*

"Thanks for the nice game.." bulong ko. Tinapik ko pa ang likod nya.

"Thanks for the experience!" bulong nya pa na tinapik rin ang likuran ko. "Psh! Pero hindi ko pa rin matanggap na nasayo ang makasaysayang tako!"

Napangiti ako sa sinabi nya..

At saka kami humiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa at saka nagkamay.

"See you around.. 'Taguro Brothers'.." matamis ang ngiting sabi pa ni Sam na tumingin saming dalawa ni Naih at saka tumalikod.

Nakipagkamay lang rin samin yung ka-double nya at saka sumabay sa kanya paalis..

"Wooohhh! Akala ko magyayabang pa sya e hehehehe.." bulong pa ni Naih.

"Tss.. ang plastik mo talaga.. Sinabi mo yan kung kelan nakaalis na.." pang-aasar ko pa sa kanya.

At saka kami bumalik sa reyalidad ng ingay..

"Woooooooohhh!!!"

"BIIIIIIIIS!"

"Taguroooo Brotherrrss!!!!"

"Ang lulupet!"

"Astiiig!"

"Congraaaats!!!"

"I loooove youuu Maxxxx!!!"

"I loooovee youuu Naihhh!!!"

"Gooooo Tagurooo!!!"

"Parrroooottt!!!"

"BIS!!!"

"Thank youuuu!!! Oh my God! Thank youuuuu!!!! Oh! Hahahah! Thank youuuuu!!!!" malakas na sagot pa sa kanila ni Naih.

Salamat..

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now